Chapter 3
=School=
Nagkaroon ng kami ng bagong sitting arrangement dahil sa bagong classmates namin at malas ko lang ang katabi ko sa right side si mr. Sungit Zhyne at sa left naman si Shin
Kaklase ko talaga yang si Shin ang tahimik nga niyan eh kaya di masyadong pansin pero meron naman nakakapansin sa kanya kagaya nga ng sinadi ko ‘gwapo’ talaga siya
Natuwa naman si Aery nung nalaman niyang ililipat ng section yung apat at si Raine naman nainis hahaha.. bakit daw ba kasi ni lipat lipat pa yung apat hahaha
pag minamalas ka nga naman may pinapagawa si sir na sit work and by pairs yung katabi mo daw yung magiging partner mo so sa atin pa kung apat sa iisang row ang partner ko ay si Zhyne
kasi katabi ni Shin si Raine alangan si Raine at Zhyne ang mag partner ganito kasi posstion namin
Raine. Shin. Me. Zhyne
So no choice ako
“ahmm.. Zhyne kaw sasagot nung no. 1 ako dun sa no. 2” sabi ko sa kanya
Ehh? Tumingin lang siya sakin at ayun nag simulang na siyang sumagot
Problema nito? Makasagot na nga lang . . di pa ako nakakagitna sa sinasagutan ko ng may binigay sakin na papel si Zhyne tumingin ako sa kanya at inabot ko
“ano toh?”tanong ko
“tingnan mo na lang kaya bago ka mag tanong?”sabi niya
Sungit naman nito
“sabi ko nga” tinignan ko naman
O_O tapos na siya ang dali naman?
“ahh.. pano mo nakuha yung sagot dito? Pwede akong magpaturo?”tanong ko
Yung tingin niya sakin parang papatay yung ganun?
“hehehe sabi ko nga kay Shin ako magpapaturo di sayo” palusot ko “sungit”pabulong kong sabi
Tumingin naman siya sakin
“ahehehe”then tumalikod na ako sa kanya at humarap kay Shin
“Shin”
Humarap naman si Shin sakin
“turuan mo naman ako kung pano to nakuha oh”sabi ko sa kanya
Tinuruan naman niya ako ang lapit lapit namin sa isa’t isa habang tinuturuan niya ako nakatingin lang ako sa kanya
>///< shemay! Teh ang gwapo! Ngayon lang kasi kami nagkalapit ng ganito
“uhmm? Yurie? Nakikinig kaba?” tanong niya
Napakamot ulo naman ako
“h-ha?”
“ba’t ganyan ka maka tingin?”tanong niya
“ehh?” shemay oh! Nakakahiya ka Roya!
Hinawakan niya yung chin ko at hinarap sa kanya
Tae! Kunti na lang magkakahalikan na kami nito
“b-bakit?”tanong ko
Nakatingin lang kami sa isa’t isa
“hoy! Kayong dalawa! Nilalanggam na kayo oh! Umalis lang si sir ang sweet niyo na agad! Wag nga kayong PDA!” isturbo samin ni Raine
Binitawan naman ako ni Shin
“at ikaw Roya may Zhyne ka na nga jan! Aagawin mo pa tong partner ko! Dun ka nga mag paturo! ang talino niyang sayo eh!”sabi pa niya