1991
"Sabi ng papa ko aalis daw kayo Loleng?" agad nyang hinagilap ang mga mata ng huli para hanapin ang katotohanan.
"Oo daw sabi ni nanay. Pupunta daw kami sa 'merika!" malungkot nitong tugon. "Maganda daw don sa 'merika. Matututo daw ako mag inglis."
"Inglis? Di ba mahirap yon. Lagi nga 4 nakukuha mo dun sa test natin e."
"Sabi ni Nanay magagaling daw sa inglis ang mga tao dun at makakapunta daw kami si disnilan. Yung maraming tsubibo?! Pero malungkot pa rin ako. Kasi wala ka don Pipo. Wala na akong bespren." suminghot si Loleng para hindi matuloy ang nagbabadyang luha.
"Ako din Loleng. Mamimis kita." hindi na napigilang tumulo ang luha ni Pipo kasabay ng sipon. Pinahid na lamang nya ito ng likod ng palad kaya nagmistulang linyang blangko ang markang umabot sa pisngi nito.
"Pipo pramis babalik ako dito. Babalikan kita kasi ikaw ang p p-oreber na bespren ko." sisigok si na sabi ni Loleng. Niyakap nya si Pipo.
"Pramis mo yan Loleng ha. Mag aaral din ako ng inglis para masabayan kita." niyakap nya ng mahigpit si Loleng. Ayaw nyang malayo sa kanyang kababata.