Naisipan puntahan ni Goya si Pipo sa hospital. Hindi sya naniniwala na bakla ang kapatid. Masyado syang napag isip kaya hindi nya nakita ang kasalubong nya.
"AY HALIMAW!"
"Sino?"tanong ng ginang habang pinupulot ang mga gamit na nahulog.
"Ay hindi po.." sinalubong nya ang tingin ng matanda mula sa pagkakayuko nya.
"Goya???" Nagulat ang dalaga dahil kilala sya ng babae. Kahit matanda na ito ay bakas pa rin ang kagandahan. Naalala nya ang kanyang mama.
"Sino po -- B-bakit nyo po alam ang nickname ko?" susog pa nya. Iilan lang kasi ang nakakaalam ng palayaw nya. Kadalasan ay magulang nya ang tumatawag sa kanya nito.
"Goya ako si Mrs. Chavez. Yun dati nyong kapitba--"
"Tita Booooooo!"tili ng dalaga sabay yakap sa matanda na naging sanhi ng pagkawala ng balanse nito. Mula sa pagkaka upo ay napahiga ito. "Ay sorry po."nakadagan na sya rito. Pinagtitinginan sila ng mga dumadaan sa hallway ng ospital dahil sa hindi kaaya ayang posisyon.
Tinulungan nya ito tumayo. "Tita Boo buti po naalala nyo pa ako." Hindi sya makapaniwala. Matagal na kasing nag migrate ang pamilya nila. Bestfriend pa nga ng kapatid nya ang anak nitong si Loleng. Kaya naman laking lungkot ni Pipo ng umalis ang pamilya nito. Noong una ay nagsusulatan pa sila. But after a year or two, bigla na lang hindi nagparamdam si Loleng. Iyak ng iyak si Pipo noon. Naalala nya pa, nilagnat ito marahil sa tindi ng pangungulila nito sa kababata. Magkaedad kasi ang mga ito.
"Bakit naman hindi kita maalala? Eh ganyan pa rin kalapad ang mukha mo?" nakangiti pang sabi nito.
Hindi naitago ng dalaga ang pag asim ng mukha. "Muntik nyo na akong laitin tita Boo."
"Ganon ba?"maang maangan pa nito. "Ang ibig kong sabihin, maganda ka pa rin." Palusot na lamang ng ginang.
"Ay mabuti naman po kung ganon? Nanakit po kasi ako ng matanda pag nagagalit e."
Tumawa pa ito habang hinampas ang balikat. "Ikaw talaga Goya, di ka pa rin nagbabago...maloko ka pa rin."hirit pa nito. "Bakit ka nga pala nandito."pag iiba ng usapan ng ginang.
Hinila ng dalaga ang matanda paupo sa waiting area."Dito po kasi nag wowork ang brother ko, si Pipo po. Naalala nyo?"
"Ay talaga ba? Tingnan mo nga naman ang pagkakatao. Dito kasi naka confine ang asawa ko. Nasa 3rd floor kami. Mahabang istorya kasi yun sakit nya." Halatang ayaw pag usapan ng matanda ng sakit ng kabiyak.
"Ganon po ba? Ano pong room? Pwede po ba namin kayong dalawin ni Pipo? Doctor po sya dito e." May himig ng pagmamalaking sabi nya.
"Wow! Mahusay talaga ang kapatid mo! Naalala ko, lagi nyang pinapakopya si Lolie."
"Sssi Loleng po?"
"Oo si Loleng nga. Pinalitan na namin ang palayaw nya simula ng dinala namin sa States, Lolie na ang tawag namin sa kanya...pero sa mga friends nya sa tate...Lola ang tawag sa kanya."
"Amazing! Ang daming screen name! Ano pong work nya ngayon?" Curious nya pang tanong.
"Criminal defense lawyer sya sa New York...pero pinauwi muna namin sya para naman makasama namin dito. Bumalik na kasi kami ni Dudes dito sa Pinas. Iniwan na namin sya don." Mahabang litanya nito.
Hindi napigilan ng dalaga ang mamangha. "Big time na po pala si Loleng...este Lolie."
"Hindi naman...sakto lang. Oh well, pano? Uuna na ako. May mga bibilhin pa kasi akong gamit ni Dudes. Sa rm 342 kami. "Nagpaalam na ang matanda.
"Sige po. Puntahan ko muna si Pipo. Isasama ko sya pag may oras sya."
Hinatid nya ng tanaw ang matanda. Interesting! Matutuwa si Pipo pag nalaman nya.
---
"Hi Rics!"bati nya sa secretary ni Pipo. Kasalukuyan itong nakasubsob sa paperworks. Ngumiti ito ng mag angat ng mukha.
"Hello Ma'am G. Long time no see! Hanap nyo si sir?"tanong nito.
"Oo sana e. Andyan ba sya?" Nilaro laro ng dalaga ang mga paperclips na iba ibang kulay sa mesa nito.
"Wala pa naman po sya pasyente. Pasok na po kayo."
"Thanks your the best!" uto nya pa dito.
Pumasok na sya ng clinic ni Pipo. "Hello brotherrrrr!"
"Anong masamang hangin ang nagdala sayo dito?" Seryoso ito. Nag angat lang ng mukha saglit at bumalik na ang attention nito sa binabasa."
"Grabe ka talagaaaaa! May good news pa naman ako sayo?" Umupo na ito sa visitor's chair sa harap ng desk nito. Kinalikalikot ang name plate.
"Ano? Wala ng pimples si Angel?"
"Imposible hahahahaha! You're so funny brother!" Hinampas nito sa balikat ang kapatid.
"Listen! Kung sugo ka ni papa kaya ka nandito, pakisabi nasa katinuan pa naman ako para makipagdate dyan sa Angel na yan." Nag angat ito ng mukha. Namumula at umuusok ang ilong ika nga...nangangalit ang bagang!
"Nope dope! Kaya ako nadito, to support you. Ayoko yatang magkaron ng sister in law na connect the dots. Anddddddd...you won't believe this...Loleng is back!"
Nag angat ulit ng mukha ito. Matagal na natigilan...parang may nasukol na ala ala.
"Where is she?"bulong nito na parang naengkanto.
"Malay?!"
"Niloloko mo ba ako?"
"Hindiiii. Kasi naman patapusin mo muna ako. Si Tita Boo kasi nakasulubong ko dyan sa hallway. Naka confine daw si tito Fernando sa 3-- shocks! Nakalimutan ko!
"ANOOOOO?" Atat ang loko.
"SANDALIII! NAKALIMUTAN KO NGA E."
"ANAK NG PATING! EWAN KO SAYO GOYA!" Lumabas ang binata at iniwan si Goya na nag iisip. Pilit inaalala ang numero ng kwarto.
"Ano nga kasunod non? 3...3...300?"