"RICA RICA is Pipo there?!" Humangos na tanong nito.
"Yes sir Chuck!"nalilitong sagot ni Rica.
"Rica may pasyente ba?!" humahangos pa rin ito. Mukhang aburido.
"Wala po sir --"
Hindi pa natatapos sumagot si Rica ay nagmamadali na itong pumasok sa clinic ni Dr. Apollo Romualdez.
Pipo's POV
"Thank God!" Humahangos na yumakap sa akin si Chuck. Pinsan ko sya pero lumaki kaming close.
"Anong nangyari Chuck?! And what is this for?" tukoy ko sa pagyakap na ginawa nya. He remained hugging me and for awhile he stayed still.
"WALANGHIYA KA CHUCK! MANLOLOKO KA! SYA BA? SYA BA?!" Biglang pasok ng nagwawalang babae habang pinipigilan sya ni Rica sa kaliwang kamay.
Si Chuck naman ay animo nagulat at pumunta sa likod ko para magtago. "Gee ann"
"SABIHIN MO NA CHUCK! SYA BA ANG IPINALIT MO SA AKIN? NAPAKA WALANGHIYA MO HINDI PA BA AKO SAPAT? AT LALAKE PA TALAGA ANG IPINALIT MO SA AKIN?" namumula sa galit ang babae. Parang anumang oras mangangagat ang babae.
"I'm sorry Gee ann." apologetic na sagot ni Chuck. Parang santong di makabasag pinggan ang itsura nito. Saka binack hug ako nito. "Saranghae Pipo! Chungmal saranghae!" Ano raw? Clue less pa rin ako. Pero parang pamilyar ang banyagang phrase na iyon.
"MGA DEMONYO KAYO!" PAAAAAAK lumagapak ang sampal sa akin ng babaeng nagwawala. Si Chuck agad na kumalas sa pagkakayakap. Natakot siguro na baka sya ang sunod ma sampalin. At ang babaeng amasona, bumira ng layas.
"Doc sorry po..." takot na takot si Rica. "Pinilit ko naman po sya pigilan pero malakas po sya. Tsaka nakakatakot po sya...para pong toro na manunugod." paliwanag pa nito.
"I think...hindi ikaw ang dapat mag explain." Hinarap ko si Chuck.
At kasing bilis pa ng alas tres tumakas ang loko!
"Rica ikuha mo na lang ako ng iced pack please. At wag ka ng tumanggap ng pasyente. I need to rest."
"Ok po doc... pero doc... totoo po ba talaga?" himig ng nanghihinayang pa ito.
"RICA????!"
"Kukuha na po." Umalis na ito.
---
Mabibilis ang hakbang ni Mrs. Romualdez. She's on her way to her unico hijo that's why she is in a hurry.
Malapit na sya sa clinic ni Pipo but she suddenly change her mind and went to the restroom.
"Napanood mo ba yun eksena sa clinic ni Doc Pipo?" Usisa ng isang nurse.
Narinig nya ang pangalan ni Pipo kaya hindi sya tumuloy sa pagpasok. Out of curiosity, she hid in a corner where she can still hear what they're talking about.
"Oo grabe nga yung nangyari! Galit na galit yung babae! Ang sabi pa si Doc Pipo daw ang ipinalit sa kanya?" Bahagyan pabulong naman nitong sagot.
"OMMMMMMMMMMG! Kaya pala panay ang pag ignore ni Doc sa beauty koooo, paminta pala syaaaaaa!" humahagikhik naman sabi nito. "Sayang namaaaaaaaan...ampogi pa naman ni Doc Pipo."
"Oo nga e. Nanghihinayang din ako. Kaya hindi tayo magka boypren eee....dumadami ang mga baklush sa mundo." sagot naman ng isa habang palabas sila.
Nagkasalubong ang dalawang nurse at si Mrs. Romualdez. Gulat na gulat ang mga ito at nagmamadaling lumabas ng restroom.
Si Mrs. Romualdez naman ay naiwang tulala. Gulat na gulat din sa nadiskubre. Por dyos por santoooo! Kaya pala ganon na lang amg pagtanggi nya kapag itinutulak ko syang makipag date...ang anak kooo...
Nagmamadaling umalis si Mrs. Romualdez sa ospital. She decided not to see his son for now. Hindi nya alam kung ano ang gagawin nya. Litong lito sya.