"Alam mo pag tinitignan kita naaalala ko mommy ko, beautiful except sa mata niyo. kulay berde ang mata niya." sabi ni Lance, andito kami ngayon sa terrace nakaupo at tinitignan ang mga langit. Ang sarap ng ganto lang, yung walang tao tapos papanoorin nyo lang ang mga stars. Kanina pa andito si Lance at mukhang wala pang balak ito umuwi, kanina pa siya nag kekwento tungkol sa buhay niya pati narin ako ay napapa kwento dahil sa kadaldalan niya. masaya naman siya kausap e, hindi boring. Hindi ko alam ang isasagot sa sinabi niya kaya ngumiti nalang ako, sa nanay niya pala nakuha ang mata niya.
"Wala ka na bang balak makita ang mommy mo lance? nakakapag usap pa ba kayo ng mom mo?" tanong ko. "Oo, tumatawag naman siya saken. may ibang pamilya na siya don, ibang anak. nakita ko nga yung kapatid ko sa kanya, Chics hahahahaha!" masayang sabi nito. tumawa lang din at ngumiti sa kanya. di naman siya nakakailang kausap, di rin naman siya nahihiyang mag kwento ng private life niya saken kaya naglakas loob akong tanungin siya tungkol sa kanila ni Pat.
"Si Pat lance, kayo na ba non? hahaha sorry ah, curious lang ako nakita ko kasi kayo kanina sa party na mag kasama e, tsaka bat ang aga mo siyang hinatid." pagtatanong ko sa kanya.
"Hindi kami ni Pat, last school year ko pa yon nililigawan e strict daw ang parents niya kahit ahead siya saken ng isang taon di parin siya pwede lumabas labas masyado. kaya maaga ko siya hinatid." sagot nito saken.
"Wow naman ang gentleman naman pala ng pinakagwapong junior sa univ. hahahahaha akala ko pa naman mayabang ka at walang pakialam sa mundo." pabiro kong sabi sakanya. Tumawa ito at sabay tumayo at tumingin sa paligid namin, nakatalikod siya saken sabay nag salita.
"Gia, let me court you." sabi nito sa boses na tama lang para marinig ko. nagulat ako sa sinabi niya kaya pinaulit ko kung tama ba ang narinig ko. "Ha? anong sabi mo?" pagkukunwari kong tanong.
"Wala, sabi ko ang cute mo youre just deaf. you should clean your ears." birong sagot nito. hahahaha sabi na e, ako pa lolokohin neto. tumayo din ako at saktong humarap siya saken, magkaharap na kami, konti nalang maglalapit na mga mukha namin. matangkad siya saken 5'11 daw siya e musta naman ako 5'2 lang. Nakatingin ako sa mga mata niya, ang ganda ng mata niya. nakatingin din siya sa mga mata ko tapos bumaba ang tingin niya sa mga labi ko. please lang, wala pa kong first kiss. gusto ko first kiss ko sa magiging boyfriend ko!! Nilalapit niya na ang mukha niya sa mukha ko, pumikit nalang ako at naramdaman ko na ang labi niya. ang lambot. naaamoy ko siya.. ang bango.
Hiniwalay niya ang mga labi namin at nagkatinginan kami, nagulat kami pareho sa mga nangyare at ngumiti siya. Ilang minutong walang nagsasalita samin hanggang sa nagsalita siya.
"Dapat samahan mo ako bukas, sabi mo babawi ka sakin sa paghatid ko sa inyo." wow naman hahahahaha di pa ba sapat yung kinuha mo first kiss kong leche ka.
"Uhh, san kita sasamahan exactly?" Tanong ko. "Sasamahan mo kong bumili ng regalo sa mga relatives ko for xmas. lilibre nalang kita ng food and all, basta samahan mo ko ha." Sabi nito.
"Bat di ka mag pasama kila michael? mas okay yon atleast diba kilala nila mga malalapit sayo." Sagot ko "Ah hindi pwede, sabi mo babawi ka sakin kaya dapat bumawi ka at samahan mo ko bukas. okay?" naging bossy bigla ayos tong lalaking to ah. kinuha niya ang number ko para daw mamaya ay tatawagan niya ko pag susunduin niya na ko, napa oo nalang ako at ilang minuto pa ay nag decide din siyang umuwi na dahil malapit na rin mag umaga.
Hay ano ba yung nangyari kanina, bakit.. bakit niya ko hinalikan. lakas ng tama non, ano ba tingin niya saken parang yung mga babae sa school na nagkakandarapa sa kanya. loko yon ah. pero masarap naman labi niya e okay lang yan. wtf? loka ka di ko boyfriend yon, nagpahalik ka din kasi Gia. alam mo ng mangyayare to eh. hay nako. huhu I need to tell the girls tapos makikita ko pa siya ulit. hay bahala na nga.
---------
I really like writing this story. yung iba kasi true to life. kahit na walang magbasa neto ill still continue writing this. hihi Enjoy po :)
BINABASA MO ANG
One day Some day
Fiksi RemajaRight person but always wrong timing. Will they finally make their right time or just move on with their own lives.