Prelude:

25 0 0
                                    

Based on reality a li'l and a lot on imagination. Don't reproduce

👓

 "Ano ba Blanche, kanina ka pa kuskos ng kuskos." Sabay napalapit sa kinaroroonan ko "Hindi ka man lang ba nakabili ng thinner?" Tanong niya, aba! Siya na nga tong humihingi ng tulong saakin tas napakademanding pa, wala naman din siyang sinabing bumili ako, malay ba!

"Edi sana ate, kanina pa nga natanggal yan sakali man," Binatukan niya lang ako saka pinagtuturo

"Ikaw na bata ka, porket wala dito si Mommy, sumasabat ka na saakin," Aba malamang tinatanong niyo ako eh "Ano nanaman 'yang pagmumukhang 'yan? Pinipilosopa mo nanaman ako sa isip mo, ano?" Umiling lang ako saka ngumiti ng napakalapad "Sige na alam kong pagod ka na," Salamat! "Maligo ka na't gigisingin ko pa 'yung mantika, bilis"

"Opo ate," Tumungo ako sa kwarto at kinuha ang cellphone ko only to find out, Ate Mayzhee texted me

From: Ate Mayldeta!

Blanche, paki dala naman rito 'yung naiwang proposal ko nandyan sa may cabinet ko, thanks you're so pretty talaga

Xo, Ate Zhee

Anak ng, kung hindi nga lang kita kapatid malamang chapa ka. "ATE, MAY LOAD KA??" Sigaw ko

"Hindi mo kelangang sumigaw, andito pa ako sa ibaba!" Likas nang malakas ang boses ni ate, hindi naman sa nakikikarera ako dahil una't panghuli malabong may makakalamang sa neutralize niyang boses, malabo pa sa mata ng lolang may katarata. "Oh ayan!"

"Hindi ako makikitext, loadan mo ako! Hindi na uso 'yang makitext," Umandar nanaman ang malasenyora niyang kilay "Please po ate, ikaw ang pinakadabest sa lahat!"

"Hayop ka talagang bata ka, dinadala mo nanaman ako sa pasweet mo," Nginitian ko lang siya "O'sya, eto na"

"YES! Salamat ate, maliligo na ako" Matapos kong maregister ang load ay kumaripas ako ng takbo sa banyo.

"WAAAAAAAAAAAAAAH!" Sigaw ni Ate Zia, yung another ko pang ate, madalang lang sa kanya ang umaga ang gising at sa madalang na 'yun ay posibleng may schedule siya sa taping niya o kaya sa fitness program niyang siya lang naman ang nakakalam na may ganun pala sa pamamahay na 'to, ano ba naman kasing iniisip mo kapag artista malamang hassle lang! "Girlie naman eh! WALA AKONG SCHED NGAYON" At mukhang mali ata ang timing ngayon ni Ate Girlie, t'wing umaga na lang kasi may schedule si Ate, siguro nakalimutan lang ni Ate Girlie na rest day niya pala ngayon, isa lang masasabi ko diyan sayang yung nabuhos na tubig

"HALA! Sorry, akala ko kasi—" Hindi natapos ang dapat na sasabihin ni ate, kita mo kahit nga nasa loob ako ng banyo malinaw pa sa tubig na nililigo ang boses niya mula rito

"Stop! I know, you did this the other time, seems like hobbies are hobbies," Kung mapapansin mo, pasigaw na kay Ate Zia 'yung pahayag niya samantalang sa kabilang partido, normal pa. Ba't ko nga ba hinahatid ang impormasyong 'to? Ate Kelly Elaina Severin we often call her Girlie, sabi niya eh magkatono rin naman daw 'yun, pangalawa sa aming magkakapatid isa sa pinakakinikilalang pintor at news anchor ng The FSD company, ang kumpanya kung saan si Ate Scarlet Zee Severin naman nakapaloob na mabubulok ka sa taas ng sweldo at mabubulunan ka sa popularity niya, maliban sa pagiging guro na siyang dati na niyang trabaho ay naging 44 na fashion designer ang loka, binigyan pa nga ng sandamakmak na offer ng mahigit isang milyong pounds mula sa European countries, at sa pagbalik naman dito sa asya nakatanggap siya ng black eye dahil dinumog ba naman ng daan-daang kumpanya, dahil nga close naman ang pamilya namin at pamilya nina Kuya Riley pinagmamalaking boyfriend ni Ate Girlie na anak ng may-ari ng FSD company, dun na lang siya. Si Ate Xanthe Fawn Severin, ewan ko nga ba't kulay ang naisipan nina Mama at Papa na pangalan namin, lahat kulay hindi naman din makulay masyado ang mundo ko, artista siyang madalas nakakasalamuha sina Enrique Gil at Coco Martin na siyang ikakaselos naman nina Liza Soberano. Ngayong taon makakasama niya sa pag-akto si Vice Ganda, medyo comedic ang genre kaya sa paningin ko mahihirapan siyang magadjust, pero yaka niya yan. Nakaya niya nga ang magdebu sa action films 'yan lang di niya magawa, ano pang layunin ng pagiging Severin niya.

THAT STUPID GUYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon