Chapter 15

31 0 0
                                    

THIRD PERSON's POV

Dahil sa nangyari halos di makafocus si Shane sa work niya. Si Sam and Andrew nag-aalternate sa paghahahanap. Di nila pwedeng ipaalam sa Dad nila ang nangyari. Nagtataka na nga dahil di makausap si Andrei. Napapalusutan lang nila.

Halos 2 weeks ng hindi nila makita si Andrei. Naniniwala parin silang buhay ito. Dahil kung patay na raw ay matagal na sanang lumutang ang katawan nito.

Samantalang si Andrei/Brad naman ay nagpapagaling na. Wala na yung benda sa ulo at braso niya. Okay na rin mga sugat mark na lang. Medyo nagkaroon siya ng scar sa may kilay dahil nasugatan siya sa aksodente nung mabagok ang ulo niya.

Pinatawad niya si Sky dahil di naman daw sinasadya talaga at aksidente lang. Dahil Brad ang name na sinabi nila sa hospital, hindi ito natrace nila Andrew at Sam.

Naging close din sila dahil dun na siya pinatira ni Sky sa condo niya. Nagkwento rin ito kung bakit siya naging wasted. Dati pala siyang may band. Duo sila nung girlfriend niya. Parang mymp. Kaso namatay daw yung gf niya. Ang saklap di ba.

"Alam mo Sky, wala akong maalala pero parang may alam ako sa love."

"Ang sakit Brad sobra. Sobra kaming nagmamahalan ni Love. It was perfect. Pero bigla siyang kinuha sakin."

"Baka may ibang tao na nakalaan sayo. Shocks. Nakakatakot magmahal pre. Buti na lang wala akong maalala baka mamaya broken hearted pala ako kaya ako naglasing. Haha!"

"Haha. Baka nga pre. Kasi ang bilis mo magpatakbo. Siguro may dahilan nga lahat. That night gusto ko na kasing mamatay. Pero nung nagkabanggaan tayo natauhan ako."

"Everything happens for a reason. Bakit hindi mo ituloy yung buhay mo. Paano mo mameet yung nakalaan for you kung gusto mo ng mamatay. Saka yung family mo. Para sakanila."

Sky's POV

Kahit may amnesia tong si Brad. An dami laging sinasabi. Tama nga siya. Kailangan tuloy lang ang buhay. Love miss na miss na kita. Ang daya mo kasi. Sabi ko sayo wag mo kong iiwan. Mababaliw ako.
---------------------
. (Yung story po ni Sky and Love ang next na gagawin kong story. Tapusin ko muna ang foursome).
---------------------
THIRD PERSON's POV

Lumipas ang mga araw at nakarecover ng tuluyan si Andrei/Brad from the accident. Inayos din ni Sky ang sarili at bumalik sa pagkanta. Unti-unti sinusubukan magmove on.

Nagpunta sila sa beach kung saan isinaboy ang ashes ni Love. Dun daw kasi sila bumuo ng pangarap. Happy place daw nila.

"Pre I'm sure maririnig ni Love tong harana natin sakanya. Kikiligin yun sa heaven." Sabi ni Andrei/Brad kay Sky habang prineprepare yung beatbox

Tinuruan ni Sky magbeatbox si Andrei/Brad habang nagpapagaling para daw di mainip. Mabilis naman natuto at parang may talent talaga sa music. Which is totoo naman tumigil lang siya.

"Sana pre. Ito na yung last na pag eemo ko dahil iniwan niya ko. After this puro happy memories na lang.

Love para sayo tong song na to. Alam ko nagtatampo ka kasi palaging ikaw yung pinapakanta ko at kapag nagrerequest ka, hindi ako kumakanta. Late na nga lang yung pagpayag ko pero eto. Pakinggan mo ha." Nakatingin sa dagat si Sky habang inumpisahan na ang pag tugtog ng gitara.

I want you to stay
Never go away from me
Stay forever

But now, now that you're gone
All I can do is pray for you
To be here beside me again

Foursome (love story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon