CHARLENE
Marami pang sinabi ang kuya niya sa kabilang linya pero wala na siyang narinig. Nanlabo na ang paningin niya sa luha at bumagal na ang oras sa paligid niya. Wala sa sarili niyang kinuha ang bag sa upuan saka nagdire-diretso palabas sa pintuan.
"Charlene...wait. What happened?" dinig niyang tanong ni Zac sa kanyang likod pero hindi siya humihinto.
Naramdaman na lang niya ang paghawak nito sa braso niya upang pigilan siya sa paglalakad. Iniharap siya nito dito. "Hey, what's happening?"
"Si Tatang...Si Tatang inatake raw. S-Sorry, kailangan ko nang umalis."
Patalikod na siyang muli ng pigilan siya nito ulit. Magagalit na sana siya pero nagsalita ito.
"Ako na maghahatid sa'yo doon. Wait for me. Kukunin ko lang ang wallet at susi ko."
Umalis na ito sa kanyang harapan. Hindi niya lubusang naintindihan ang sinabi nito kaya lumabas pa din siya sa condo unit nito na tulala.
Napagdaanan na nila ito, e. Bakit ba hindi pa man sila tuluyang nakakabangon ay kinakailangang mangyari pa itong muli sa kanila?
Pinindot niya na ang button down sa elevator ng wala pa rin sa sarili.
"Shit. Hindi ka ba talaga marunong makinig?" galit na usal ni Zac habang papalapit sa kanya. Hindi niya ito nilingon. Naramdaman na lang niya ang paghawak nito sa kamay niya.
Napatingin siya doon. Masarap sa pakiramdam na alam niyang sa pagkakataong ito ay may kasama siya. Noon, siya ang sandalan ng mga kapatid niya. Pinilit niyang magpakatatag sa mga ito. But right now, somehow, she's happy that she can depend on somebody.
Kahit na alam niyang dapat ay hindi.
"Everything will be all rigt," tumingin si Zac diretso sa mga mata niya. She can't help but believe him. Punong-puno ng determinasyon ang anyo nito. "Walang mangyayaring masama. I'll never let anything happen to your father."
Napatango na lang siya.
Halos si Zac na ang kumilos para sa kanya. Namamanhid pa din kasi ang buong katawan niya at ang lakas ng tibok ng puso niya dahil sa matinding kaba. Nang marating na nila ang ospital ay ito pa ang nagtanong kung saan ang kanyang ama.
"Nasa male ward po si Mr. Bernardo. M-18 po. Paki-diretso na lang po ang hallway na 'yan, tapos po kaliwa kayo," sabi no'ng nurse sa nurse's station.
Lumingon si Zac sa kanya. "Mauna ka na muna. May aasikasuhin lang ako dito."
Hindi niya na magawa pang magtanong kung ano iyon. Tumango na lang siya at sinunod ang gusto nitong mangyari. Tinakbo niya ang hallway at kumaliwa tulad no'ng direction no'ng nurse sa kanila.
Nang marating ang ward na sinasabi nito ay nakita niya na kaagad ang kuya Ryan niya sa tabi ng kama ng ama nila. Natutulog na ito. May suwerong naka-kabit sa kamay nito. May aparatong nasa ibabaw ng bibig at ilong nito na nakakabit sa oxygen tank na nasa gilid.
Lumapit siya doon. Nagtaas ng tingin ang kapatid niya sa kanya.
"Ano ba'ng nangyari kay Tatang?" tanong niya kaagad.
"Bigla na lang nahilo at nanikip ang dibdib. Hindi ko alam kung kumain ba ito ng bawal o ano," sagot ng kuya niya sa kanya.
"Ano'ng sabi ng doktor?"
"Minor attack lang naman daw. Pero mabuti na lang at naidala agad sa hospital. Pina-inom lang siya ng gamot para mabawasan ang pagkahilo at makahinga ng mabuti. Ia-admit daw siya rito ng ilang araw para ma-obserbahan."
BINABASA MO ANG
OPLAN: Find a Girlfriend for Zac
FanfictionZackery Jalbuena is a known playboy. Date doon, date dito. Kali-kaliwa ang mga fling niya na madalas ay dahilan kung bakit napapasok siya sa maraming gulo. Dahil dito, nagpasya ang mga ate niyang ihanap na siya ng babaeng maaari niyang seryosohin. A...