Chapter 14

9.6K 237 3
                                    

Hi. Enjoy!


Eunice's POV

"Hi!", tanong ng batang lalaking bigla nalang lumitaw sa harapan ko habang nakaupo ako dito sa duyan

"Hello", I said shyly

Hindi ko naman kasi sya kilala eh

"Kami yung bagong lipat, anong pangalan mo?"

"Ah kayo pala yung bago naming kapit-bahay, I'm Eunice", then I smiled sweetly.

I was just 10 years old when we first met. Bagong lipat sila doon sa subdivision namin, at kapit-bahay pa namin. Simula nang nagkakilala kami sa Park kung saan lagi akong nakatambay ay naging close na kami.

"Oy Euns pahingi naman nyan", Lem na hindi na hinintay yung pagsagot ko at basta nalang kumuha sa chichiryang nilalantakan ko

"YAH! Ikaw na nakaubos eh", I pouted

"Pout ka pa dyan tsk. Tyaka wag ka ngang madamot, takaw mo eh"

Loko to ah! Ako pa daw matakaw eh sya tong umubos ng pagkain ko.

"Hoy kapal mo, Lempayatot ah! Ikaw nga tong matakaw eh", then dinilaan ko pa sya
"Bleh"

"Ikaw naman TabaNisnis HAHAHAHA"

Loko talaga to ah! Teka nga..

"Ah mataba pala ah, HIYAH!", sigaw ko sabay dagan sa kanya para makuha yung pagkain na hawak nya. Kinain at inubos nya yung sakin kaya nararapat lang na bawiin ko yun
"HAHAHAHAHAHA", tawa ko nang makuha ko na yung pagkain nya pero nawala din yung tawa ko dahil mabilis nya din itong nabawi

"HAHAHAHAHAHAHA", sya naman ngayon yung tumawa saka sinubukang tumayo para tumakbo pero syempre hindi ko pinayagan yun.

Mabilis kong hinablot yung pagkain sa kamay nya kaya napahiga pa kami sa damuhan dito sa Park, pagkakuha ko nun ay ako naman ang tumayo at tumakbo palayo sakanya.

Naghabulan lang kami nang naghabulan dun. Saya. Napakasaya.

Bestfriend. Bestfriend kung maituturing kami ni Lem noon, napakasaya ko nang nagkakilala kami ni Lem. Wala akong kapatid kaya parang nagkaroon ako ng kuya, tagapagtanggol at syempre bestfriend. Napaka-espesyal na tao ni Lem para sa akin kaya kahit bata palang kami noon ay naramdaman ko na na ayokong mawala si Lem sa buhay ko.

It's December 25 20XX, it' s christmas and...

"Merry Christmas and happy birthday Euns", bati nya sakin sabay bigay ng gift

"Merry Christmas and happy birthday din Lem", bati ko rin sabay bigay ng gift sakanya.

Yes! Christmas ngayon at birthday pa naming dalawa. Nakakatuwang isipin na pareho pa talaga kami. It is our 11 years of existence and ang saya lang dahil magkakasama kami ng pamilya nya ngayong Noche Buena.  Magkapit-bahay lang naman kami at isa pa close rin ang family ko sa family nya.

"Hey open my gift", sabi nya habang may malawak na ngiti

"Fine pero sabay tayo"

"Sige"

Sabay nga naming binuksan yung sa mga regalo namin sa isa't isa at sabay nalang kaming natawa nang pareho naming itaas ang mga regalo namin

"HAHAHAHAHA"

Bakit ba kasi parati nalang kaming pareho. Kaynis. Hahaha

I gave him a necklace with a pendant of LE which means LemEunice but then.. tiningnan ko yung bigay nya sakin

The Real Me [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon