Chapter 92 (Part 5)

10.6K 240 44
                                    


The Ice Queen's Tears

Third Person's POV

"I would tell you shut up..", napatingin ang lahat sa taong nanggaling sa likod
"Kill him and I'll kill the hell out of you"

Si Earl.

Nagulat ang lahat nang makita sya.

Punong puno ng dugo, sugat, pasa at tama ng baril. Hawak nito ang isang baril sa kanang kamay habang tumba at namuo na ang dugo sa kaliwang balikat nya dahil sa tama ng bala.

Nanliit ang mga mata ni Suju nang makita sya.

"Buhay ka pa pala?", Suju said sarcastically habang nakahiga parin at nakatukod lang ang dalawang siko sa sahig.

Wala narin ang atensyon ng lahat sakanya kundi sa babaeng unti unti at mabagal na naglalakad palapit sa kinaroroonan nila. Bahagya pa itong pa-ika-ika sa paglalakad habang nakayuko lamang.

Tinanggal nya ang pagkakatutok ng hawak na baril sa harap at piniling hawakan nalang ang kaliwang balikat.

Doble dobleng sakit na sa katawan ang nararamdaman nya.

Bago sya makapasok sa loob ay may mga nakabantay pa sa labas ang kailangan nyang patumbahin. That's why she has a gun. Pero dahil din sa pakikipaglaban ay lalo lamang syang nanghina at ngayon ay unti unti nya iyong nararamdaman.

Ngunit nang makita ang nakikipaglabang ibang Queens, mga natatakot na schoolmates at mga bugbog saradong mga KG. Nagkaroon sya ng dahilan upang mas patatagin at palakasin ang sarili.

"Really? Tsk. I also thought you're dead too", sarkastikong sagot ni Earl sakanya
"You were looking for me right?"

Unti unting tumayo mula sa pagkakahiga si Suju at humarap kay Earl na naglalakad parin patungo sa kanila.

"Kanina oo, pero nang makita kita ngayon. Tsk. You're just a trash now", he said while looking at Earl like she's a dirty trash.
"You melted so you're just a trash", pag-uulit pa nito, emphasizing the word trash.

"Really?", tanong ni Earl habang papalapit
"What if I say, this melted Ice now you are talking about is now..", then she smirked habang nakayuko parin
"..burning!", then she suddenly held her santo top tank, in her waist part then pinunit nya yun dahilan para ma-exposed ang kanyang waist tattoo.

Ang tattoo na kaninang hinanap ni Suju kay Pearl kanina.

Gaya ng mga reactions ng lahat sa ibang Queens ganun din ang reactions ng mga istudyanteng nakakakita sakanya ngayon.

"Kaya pala ang cold nyang tumingin, sya pala si Ice"

"Ang galing nilang magtago"

"IQ? Ice Queen?"

"Shems! Sya pala yun? Sila pala yun?"

"Ang sexy nya"

Iba't ibang klaseng bulungan na naman ang namayani sa buong Gym.

Si Earl ay nakayuko lamang. Si Suju, fakers, schoolmates, KG at mga Queens ay nakatingin lamang sakanya. Nasa harap na nila ngayon ang nakayukong Ice Queen.

Earl..
- tanging pangalan lang ni Earl ang nasa isip ni King ngayon. Gusto nyang tawagin ito pero hindi nya magawa.

Nakatahimik lamang ang lahat at hindi alam kung anong magiging reaction. Nakikita na nila ngayon ang mga tunay na Queens.

"Ahhh!"

At ang kaninang tahimik na mga tao ay nagsigawan nang mabilis na itapat ni Earl ang baril sa harap at pinaputok.

The Real Me [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon