Chapter 26 (Part 3)

10.3K 219 4
                                    


Earl's POV

"Ugh! Hurry up! It's already 5:55. Tsk", nagmamadaling sabi ko sakanila

Paano naman kasi. Nakalimutan namin pare-pareho yung Festival Night. Nakakainis. In-alarm ko yung cellphone ko eh kaya lang naka-silent pala. Wala rin. Tsk

"Dali!", sigaw ko ulit sakanila habang nasa tapat na ng pinto ng condo ni AJ

Si AJ nasa kwarto pa nya, nagbibihis ata. Si Eunice nagmemedyas. Si Joyce tinatali yung buhok nya. Si Patrice naman, nakatingin nalang sa salamin habang ngumunguso nguso pa tas ngingiti maya maya.

"Ano b---"

"Ito na! Ito na! Oy halika na!", sigaw ni AJ paglabas nya ng kwarto nya saka hinatak sila Joyce na tapos na mag-ipit, si Patrice na mukhang nagulantang pa nang hilahin ni AJ yung damit nya at si Eunice na hindi pa tapos magsintas.

"What now Earl? Ang tagal ah. 6 na po kaya", mataray na sabi ni AJ habang nakahalukipkip pa at nauna na palang lumabas.

Tsk. Loko to ah. Banggain ko balikat mo eh, para matamaan yung braso! Well.. that's a good idea actually

Inilock ko na yung pinto ng condo ni AJ na parang ako yung may ari saka sumunod sakanila papuntang elevator.

"Ma'am sakay po?", sabi nung tricycle driver pagkalabas namin  ng building

"Sa KHS po", sagot ko agad kay kuyang driver dahil baka umayaw pa tong mga to, mga kuripot kasi.

Wew. Nagsalita ang hindi. Haha.

Pagdating namin sa School, nagbayad na kami kay kuya, dalawang tricycle nga pala yung sinakyan namin. Eh syempre di kami kasya sa isa lang. Baka si kuyang driver pa yung mawalan ng upuan pag nagkataon.

Pagpasok namin sa loob, medyo maingay na. Yung hallway lang yung may ilaw, syempre yung mga room wala na. Ang dilim nga eh. Medyo creepy ng School. Tsk. Marami namang istudyante pa ang nagkalat pero nung may marinig kaming maingay galing sa Gym ay nagmadali na kaming pumunta doon, medyo malapit narin kasi kami sa Gym kaya narinig namin.

Pagpasok namin doon, ang dilim at tanging ilaw lang sa stage yung nakikita.

Napatitig ako sa stage, hinila na nga ako nila AJ paupo sa kung saan pero nakatingin parin ako sa stage. Sakanya.

Tsk. Hindi pa nga pala ako nakakapag---

"Oh my! Ang gwapo naman ng vocalist", rinig kong sabi ni Eunice kaya napalingon ako sa kanila

"Hala oo nga! Kaya naman pala nagmamadali si Earl eh", tapos sumigaw si Patrice nang impit
"Lahat sila gwapo, sinong type mo sakanila Earl?"

Tsk. Di ko sya sinagot at tumingin nalang ulit sa stage. Magaling.

"Ano kayang pangalan nya?", AJ

"Gwapo silang lahat", Joyce

"Alam nyo ba pangalan ng banda nila?", tanong ni AJ

"You Guess", sagot ko

"Eh? Ayoko nang manghul---"

"Iyun yung name ng banda nila"

"Huh? Talaga ba?"

Tumango ako.

"Wow! Mukhang favorite band mo sila Earl ah. Bakit di namin alam yun?", nangangamot ulong tanong ni Patrice

I just shrugged. Tsk. Ako nga kailan ko lang nalaman na may band pala sya eh. Pero sa bagay, ngayon lang naman kami nagkasama.

But as I was thinking earlier, hindi pa nga pala ako nakakapags---

The Real Me [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon