Nang makarating kami sa bahay ay agad kong nakita si mommy na nakaabang saamin.
"Congratulations anak. Masaya ako dahil konti nalang maaabot mo na ang iyong pangarap" Maluha luhang sabi ni mommy sakin.
"Para sainyo ito ni daddy, mommy" At niyakap ko si mommy na mahigpit.
Nang makapasok na kami sa loob, laking gulat ko na maraming bisita ang pumunta. Ang alam ko lang ay mga kaibigan at kamag anak lang namin ang pupunta. Yun pala pati mga kakilala nila dad at mom na mga business associates kasama ang mga pamilya nito.
Nang makita nila ako, bigla silang lumapit sakin at binati.
"Congratulations baby!!" Bigla kaming napalingon sa lakas ng boses na narinig namin. Napangiti ako agad dahil nakita ko ang aking nobyo sa may pintuan na may bitbit na flowers, chocolates at teddy bear habang nakangiti na nakatingin saakin. Tumakbo ako bigla para yakapin sya ng mahigpit."Akala ko hindi kana makakapunta dito" Nagtatampo kong sabi.
"Tampo naman agad ang baby ko" Sabay hapit saakin sa bewang at ginawaran ako ng halik sa labi. "Makakalimutan ko ba ang importanteng araw ng pinakamamahal kong babae?" Kinilig naman daw ako dun.
"Heh! Halika. Papakilala kita sa mga bisita"
Pinakilala ko si Jacob saaming bisita. Nagustuhan agad nila si Jacob dahil sa angkin nitong talino. Nakipagkwentuhan ito sa mga business associates ni dad. Masaya kaming nagkukwentuhan ng may biglang tumikhim saaming likuran.
"Excuse us po" Sabi ko sa mga bisita.
"Anong kailangan mo Patricia?" Sabi ko sa aking kakambal. Inirapan lang ako at bigla syang tumingin ng malagkit kay Jacob.
"Hello Jacob. Long time no see" Pacute na sabi ni Patricia
"Hi Pat. Yeah, long time no see. Sige may pupuntahan lang kami ng baby ko" Mukhang napahiya naman ang kakambal ko at bigla nalang kaming tinalikuran.
"Saan tayo pupunta, Jacob?"
"Sa kwarto mo, may ibibigay ako sayo" Sabay kindat sakin. Letche naman. Ang gwapo naman ng nilalang neto.
Kapasok namin sa kwarto ko ay bigla nya kong siniil na halik sa labi. Matagal kaming naghahalikan hanggang sa saan na napupunta ang kanyang kamay. Lalo nya pako ako pinalapit sakanya.
"Baby..." Huminto kami sa paghahalikan at tinignan nya ko na may pagmamahal. "Cass baby, 6 years na tayo. Gusto ko ng maging akin kana talaga. Gusto kong magtayo na masayang pamilya at magiging ina ng mga anak ko. Will you marry me baby?"
Lumuhod sya, at pinakita nya ang diamond na sing sing. Naiiyak nako sa sobrang tuwa.
"Yes! Yes!! I will marry you Jacob" Sa sobrang tuwa nya bigla nya kong binuhat at inikot ikot.
"Hindi mo alam kung gaano ako kasaya ngayon mahal ko. I love you damn much. Ikaw lang ang mamahalin ko. Promise me baby, ako lang din dapat" Nakanguso nyang sabi. Haha. Ang cute ng baby ko.
"Haha. Pakurot nga! Oo naman. Ikaw lang at wala ng iba"