Cassandra's Pov
"I'm very happy that you made it, my dear daughter". Sabi ng aking ama na si Don Albert Greene. "Napakaswerte ko na ikaw ang aking anak. I thank God dahil binigay ka nya saamin ng mommy mo".
"Thank you so much din daddy, kasi kung hindi dahil sainyo ni mommy wala ako ngayon dito. At lagi kayong nandito para suportahan ako". Maluha luha kong sabi at niyakap si dad. "Pagbubutihin ko pa po lalo para makapasa sa board exam. Para pagdating ng araw meron ng Dra. Greene sa pamilya natin at ako na ang gagamot sainyo".
"Salamat iha. Mahal ka namin ng mommy mo".
"Mahal ko rin po kayo ni mommy , dad". Ngiting ngiti kong sabi kay daddy. Saka muli ko syang niyakap.
Sa hindi nila alam, may isang babaeng nakatayo sa isang sulok na masamang nakatingin sakanila, nakita ni Cassandra ang kanyang kakambal na si Patricia na may galit sa mga mata nito.
"Ano ba? Mamaya na yang drama nyo. Gusto ko ng umuwi. Bakit kasi sinama sama nyo pako dito. Wala naman akong gagawin". Malamig na sabi ni Patricia. Tinignan ng masama ni dad si patricia dahil hindi nya nagustuhan ang inasal nito.
"Pwede ba Patricia?! Umayos ayos ka, hindi nako natutuwa sayo". Sabi ni dad
Umirap lang si Patricia. Hindi rin nagtagal ay umuwi na rin ang mga ito.
****
What do you think guys? Haha
