Kabisera sa Panauhin

31 1 0
                                    

KABANATA III

🌹

Jase's P.O.V.

Unting-unti kung nilapitan ang aparador, hindi ko alam subalit ito'y kakaiba at nakakagulat para saakin sapagkat kusang naglakad ang aking mga paanan sa aparador na iyon.

Ngayon ay nasa harapan na ako ng aking napaka' mahiwagang aparador na ito ng biglang...

• • •

Biglang pumasok si Tiya Victoria saaking kwarto.

"T-tiya Victoria, I-ikaw po pala... G-ginulat mo po ako M-mahal kong Tiya!" Parang nabuhusan ako ng malamig na tubig sa pagkagulat.

"Pasensya na aking pamangkin, hindi pala ako nakakatok saiyong silid. Bigla nalang akong pumasok sa iyong kwarto."

"A-ayos lang po Tiya Victoria k-kaso...Ahmm... P-pero natakot lang po kasi ako...Whooo!"

"Bakit naman aking pamangkin? Ano bang meroon dito?!" Pag-aalala nito saakin.

"Ahhh... M-may nakita po kasi akong insekto po. Opo, ahmm... I-ipis po. Tama! Takot po kasi ako sa ipis kaya po ako nagulat!" Pagsisinungaling ko rito.

"Ganun ba, pasensya ka na Jase, sige ipapa'spray ko nalang ng insecticides mamaya ang iyong silid. Ayos ba iyon aking pamangkin?" Pag-aalala neto saakin.

"Sige po Tiya, maraming salamat po... Pero ano pong ginagawa niyo po rito Tiya?" Pagtataka ko.

"Ipinapatawag kasi namin ikaw saaming Mocha-cha na si Rose kanina... Ang kaso... Ang tagal mong bumaba aking pamangkin kaya't pumaroon na ako rito upang masundo na kita." Pagpapaliwanag nito saakin.

Dipende, hindi ko rin namalayan ang oras. Napakabilis naman. Parang kanina lang... Ano nga ba yung narinig ko talaga?

Siguro guni-guni ko lang iyon talaga, napakatahimik din kasi rito sa Mansion kaya't kung anu-ano narin ang aking mga naririnig dito.

"Tara na Jase, hinihintay na tayo ng iyong Ninong Alejandro!" Pagyaya ulit saakin ng aking Tiya.

"Sige po Tiya Victoria, tara na po!" At pumaparoon na kami sa kanilang silid-kainan.

Naglalakad na kami sa kanilang Hallway, napaka'ganda.

Kasing kulay ng dugo ang kanilang pulang karpeta.

Meroon ding napaka' gandang nakakwadrong mga larawang na nakapintang mga mukhang nakangiti sa kanilang muralya.

Nakakagulat din ang kanilang Elevator rito, pero kanina hindi namin ito ginamit upang makapunta saaming silid kaya nakakapagtaka.

Hindi ko rin naman inaakala na meroong ganito dito kasi, sino naman kasi ang makakapag-isip na meroong Elevator dito sa Mansiong ito.

Kaya mas magandang magtanong talaga kahit imposibleng mga bagay bagay lamang talaga.

Pagkababa namin sa ikaapat na palapag ay nakababa kami sa ikalawang palapag ng Mansion at dumaan ulit sa isang Hallway.

The Legendary CatastropheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon