Nakakubling Cara

54 0 0
                                    

KABANATA IV

💔

Victoria's P.O.V.

"Ano po bang nangyari talaga kanila Mama't Papa?!"

• • •

     Naghari ang katahimikan sa itinanong ng aking Pamangkin.

     Sa totoo lamang ay hindi pa namin napaghahandaan ang sitwasyon na ito, ang kanyang biglaang katanungan.

     Kaya't napasulyap nalamang ako saaking Asawa.

     "Jase, pamangkin. Sasabihin namin saiyo, ang kaso ay kung pe'pwede ay mamaya nalang natin iyan pag-usapan sa ating Harden upang makapag'tsaa tayo." Kalmadong pagkakasabi ng aking Asawa.

     "Tama Jase, ahhh... hindi pa pe'pwedeng pag-usapan sa ating hapagkain ang nga ganitong usapin." Pagpapaliwanag ko rito.

     "G-ganun po b-ba...Pasensya na po..." Mukhang maluluha na siya subalit ngumiti nalamang siya saamin ng pilit.

     Alam kung napakasakit sakanya na mawala sa kanyang piling ang kanyang mga Mahal na Magulang.

Subalit sasabihin ba namin ang katotohanan sa kanyang harapan.

Pagkatapos ng aming pag-uusap sa harap ng hapagkainan ay bumalik na kami saaming mga sari-sariling mga silid-tulugan.

Mag'gagabi narin at narito parin ako saaking silid habang tinitignan ang aking repliksyon sa salamin.

Tumatanda na siguro ako, hindi ito maari, satingin ko kailangan ko ng kumilos ulit.

Binuksan ko ang aking telepono at tinawagan si Roberto upang makahanap ng magiging bagong biktima.

Si Roberto, nakilala ko talaga siya bago kami ikasal ni Alejandro. Siya ang una kung nimahal. Hanggang ngayon, mahal ko padin si Roberto. Naaalala ko pa kung bakit ngayon ay nasa puder ako ni Alejandro.

FLASHBACK...

"Victoria, mahal ko..."

"Bakit mahal kong Roberto?"

"Kung papakasalan ba kita, at nasa harapan na tayo ng Altar... Ibibigay mo ba ang matamis mong oo?"

"Tinatanong pa ba iyan aking Roberto, itong tibok ng puso ko... Habang nabubuhay pa ako mahal na mahal kita."

"Ehh, ibig bang sabihin oo ang iyong isasagot Victoria?"

"Hmmm... Syempre, para saiyo... Oo ang isasagot ko Mahal ko."

"Mahal ko, maari ka bang tumayo sa paglubog ng araw?"

"Ahhh sige ba aking Mahal, ano bang meron?"

"Basta, pumikit ka dali at pagsinabi kung dumilat ka... Dumilat ka agad ahh...Wag kang mandaya. Basta pumukit ka ng mariin."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 23, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Legendary CatastropheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon