Chapter 1

50 5 0
                                    

Ivy's POV

"Ivyyyyyy!!!" Ayy naku jusmeyo. Agad akong napabangon sa kama ko ng marinig ko yung sigaw ng ate ko -.- tss. Panira ng tulog eh!

"Ano ba yun ate april? Makasigaw naman to akala mo may sunog!" Reklamo ko sa kanya. Ang over naman kasi manggising.

"Nakakalimutan mo ata kung anong araw ngayon!" Sabi niya. Huh? Ano bang meron ngayon?

"Pasko na ba ate?" Nakangiti kong sabi sa kanya.

"Tungaw! First day ng klase ngayon! Akala ko ba excited ka? Huh?" O_o wtffffffffff!!!! Di nga? Seriously? Jinjja? Omo! Nakalimutan koooo! >_<

"Oh ano? Habang buhay ka nalang ba dyan? 6:30 na! 7:00 yung pasok mo diba?" Agad naman akong napalingon sa alarm clock na nasa bed side table ko. Nanlaki ang mata ko nang makita ko kung anong oras na nga.

"Salamat ate! Kaya the best ka eh!" Nakangiti kong sabi sa kanya sabay halik sa pisngi niya. Lab na lab ko talaga itong ate ko kahit na parang speaker yung bunganga niya sa sobrang lakas -.-

"Sus! Maligo ka na nga! Ang baho ng hininga mo!" Binabawi ko na yung sinabi kong mahal ko siya -.- ang sama niyang kapatid T.T boseettt!!

"Kapal mo ate! Nagtoothbrush ako kagabi no! Hmp!" Nakakaasar ah! -.-

"Aish! Oo nalang. Maligo ka na! Gusto mo bang malate?" Tanong niya.

"Syempre hindi no! Eto na nga po maliligo na" kinuha ko yung towel ko at naglakad na papuntang cr.

Bago pa man ako makapasok sa cr ay sumigaw na naman siya.

"Bilisan mo! Nag aantay na sila mommy at daddy sa baba! Sabay sabay tayong kakain!" Pagkatapos nun ay narinig ko na yung pagbagsak ng pinto. Gravity! Kawawa naman yung pintuan ko. Bala siya dyan! Siya mag babayad nun kapag nasira niya. Ayy oo nga pala! Late na ako! Makaligo na nga.

Pagkatapos kong maligo at kumain ay naglakad na ako papunta sa first subject ko kung saan malapit ng mag umpisa, actually tumatakbo na nga ako dahil late na ako. Gravity! Sobrang haggard ko na! Nga pala, 4th year high school na ako sa Silver dale university. Wala lang! Sinabi ko lang angal ka?

Habang tumatakbo ako may nakikita akong mag jowa, sus! Mag bebreak din kayo sa 23 -.- letche. Hindi ako bitter! Hindi talaga. Yung iba naman nagbabasa ng libro habang naglalakad, pwe! Feeling matalino? First day palang ng klase malamang orientation lang yun -.- pabida tss. Okayyy! Sumusobra nanaman ako! Makapunta na nga sa classroom, baka mas lalo pa akong mapagalitan ng teacher namin.

Paliko na sana ako sa corridor ng biglang

*bogshhh!

"Aray!" Grabe ang sakit ng pwet ko >_< Late na nga ako tapos ganito pa yung nangyari. Karma ko na ata yan sa mga pinagsasabi ko kanina. Tsk! Ang bilis ah! Wala na bang mas mamalas pa sa araw ko?

"Im sorry" Sabi nung nakabunggo sakin. Ganito naman lagi sa wattpad diba? May bubunggo sayo tapos magiging friends kayo tapos magkakaroon ng feelings para sa isa't isa tapos magiging kayo tapos maghihiwalay kayo kasi nga WALANG FOREVER!

Pero teka! Hindi naman boses lalaki yung nagsalita ah?

Inangat ko yung ulo ko para tignan kung sino yung lapastangang bumunggo sakin at para kalbuhin. Harhar! Feeling strong lang talaga ako. Di ko kayang mang-away no! Bait ko kaya. Diba? Diba? Oo nalang kayo.

Wow! As in wow! Ang ganda naman ng nasa harapan ko *_* may binalita ba na may anghel na bumaba sa lupa? Grabe! Nahiya naman ang beauty ko.

"Im sorry its all my fault!" Sabi nung anghel este nung babae. Kung magiging lalaki lang ako liligawan ko talaga to, sobrang ganda niya *_* nasabi ko na bang maganda siya? Kasi maganda talaga siya. Ang tangos ng ilong, ang haba ng pilik mata, maputi, ang kinis ng balat, color brown yung mata, bagsak yung buhok at higit sa lahat, ang ganda ng labi niya. Inggit is me. Samantalang ako hindi manlang makapag suklay ng maayos. Hayy buhay! Bakit ba ang unfair mo?

Bumalik ako sa katinuan ng winave nung babae yung kamay niya sa mukha ko. Nakakahiya >_<

"Amm.. Okay lang!" Nahihiya kong sabi.

"Uhm.. can you do me a favor? Did you know where this room is? Im totally vagrant" Muka nga, ngayon palang kasi ako nakakita ng ganito kaganda.

Ipinakita niya sakin yung papel kung saan nakasulat kung anong room at section niya.

"Magkaklase pala tayo!" Sabi ko sa kanya nang makita ko kung anong nakalagay sa papel.


"Really? That's great! By the way Im Aleckxia" Sabay abot ng kamay niya para makipag shake hands.

"I'm Ivy" Pagpapakilala ko at inabot yung kamay niya. Ang lambot grabe! Parang hindi gumagawa ng gawaing bahay, well halata naman kasing mayaman siya. Walang duda.

"Nice meeting you ivy"

"Same here"

"Tara na akyat na tayo! Late na kasi tayo eh" Yaya ko sakanya.

"Oh! Sure" English speaking T.T patay tayo dyan.

Sabay kaming umakyat sa hagdan alangan namang sa elevator -.- muka bang may elevator dito? Tsk!

Nang makarating na kami sa 3rd floor kung saan nandito yung classroom namin ay may tumawag sakin.

"Zoe" Bigla akong napatigil ng marinig ko ang boses na yun. Alam na alam kong sa kanya yun.

It can't be >_<

A/N Whew! First story ko po ito so sana magustuhan niyo :* -ximsogorgx

Certified: PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon