Chapter 7

15 0 0
                                    

A/N: Mianhae for slow updates T.T Kunwari busy si author :D Hahahaha. Anyway, para sainyong lahat to! Enjoyyy~



Ivy's POV


Mabilis lumipas ang mga araw. Isang linggo magmula nung dumating si scarlett dito. Classmate ko siya sa first at last subject ko. Nagtataka ba kayo dahil hindi kami nag sstick sa isang classroom kahit na 4th year high school palang ako? Well, ibahin niyo ang SDU dahil sosyal ang mga nandito. Isa ang school namin sa pinaka kilala at mayamang school sa bansa.



Nandito ako ngayon sa school ground dahil hinahanap ko si aleckxia. Hindi ko pa kasi siya nakakausap kahit na magkaklase kami. Masyado siyang busy netong mga nakaraan, I wonder kung ano ang pinagkakaabalahan niya, hindi ko tuloy nakwento sakanya yung tungkol sa panliligaw ni brix :3 sayang.



Napatigil ako sa paglalakad nang mag-vibrate ang cellphone ko.

From: Babe<3
Lib Asap.

Nang mabasa ko ang text niya ay dumiretso na ako sa library. Mamaya ko nalang hahanapin si aleckxia, madami pa namang oras para ikuwento sakanya yun. Pero ano naman kaya ang pumasok sa isip ni brix at makikipag kita siya sakin sa lib? Knowing him, hindi siya ganung tao. Siguro namiss niya lang talaga ako ^_^ Hindi din kasi kami nagkakasama netong nakaraan kasi laging nasa tabi ko si scarlett, at walang ginawa kundi ang ilayo ako kay brix -_- ewan ko ba dun! Kinuwento ko na din kasi sakanya ang lahat, buti nga wala yun ngayon eh. Ano kayang nangyari dun?

Pumasok na ako sa library at hinanap si brix, agad ko din naman siyang nakita sa dulo. Ano bang pag uusapan namin? Importante ba yun? Aish! Sasabihin niya din naman eh. Just wait ivy!

Tumayo siya agad nang makita niya ako, kinuha niya yung bag ko at pinaupo ako.

"Amm.. brix? Ano bang paguusapan natin?" Pagtatanong ko.

"May ipapagawa lang sana ako sayo, okay lang ba? Nahihirapan talaga ako sa math eh" Sabi niya sabay pout. Aww.. ang cute naman ng mahal ko *o*

"Yun lang ba? Patingin nga!" Pinatingin niya naman sakin yung papel na may problem. Hindi sa pag mamayabang pero matalino naman ako.


"Akin na! Lagi mo lang tatandaan yung formula tapos ganto..." Tinuruan ko lang siya kung pano isolve yun at mukang nagegets niya naman. Hindi naman siya mahirap turuan kasi fast learner siya kaya hindi ako nahirapan.


Nang matapos kami ay inalok niya akong sumabay na sa kanya sa classroom. Pumayag naman ako since wala naman din akong gagawin at gusto ko pa siyang makasama. Hihi! Lantod lantod ko talaga. Hahahaha.

"Thankyou ah? Ang swerte ko talaga dahil nakilala kita!" Sus. Nambola pa siya oh! Pero di ko maitatanggi na kinilig ako >_<

"W-wala yun! A-ang lakas mo kaya s-sakin" Aish! Stuttering again T.T Nag smile lang siya at nagpatuloy lang sa paglalakad.

Naglalakad na kami sa corridor as usual! Puro bulungan na naman -_- actually hindi na bulungan kasi naririnig na namin. Hiyang hiya naman ako sa boses nila na dinaig pa ang megaphone.

"Tsk! That bitch! Kala mo kung sinong maganda! Nilandi niya lang naman si brix!" Sabi ni clown one. Bakit clown? Dinaig pa kasi si Mcdonald sa sobrang kapal ng make up -_- palibhasa ang kapal din ng mukha. Tss.


"Oo nga! Yuckk! She's so cheap! And ugly as well" Clown two. Wow naman! Cheap? Ugly? Ako? Ayy hah! Wag nila akong badtripin ngayon kasi good mood ako! Baka matikman nila ang special skill ko.

"Don't mind them" Sabi ni brix.

Tumango lang ako sakanya at ngumiti. Hinga ivy! Bawal kang mastress. Wag mo silang pansinin. Lakad ka lang, wag mo silang papansinin! Lakad lakad laka-

"Yeah right! She's just simple and boring! Hindi naman tayo mapapantayan nyan! Alam ko namang hindi siya mahal ni brix eh! Ginagamit lang siya. I pity her" Clown three.

And then boom! That's it! Naka strike-3 na sila sakin. Foul na masyado.

Lumapit ako sa kanila at tinaasan ko sila ng kilay. Hah! Anong akala nila? Magpapaapi ako? Nah. Hindi ako yung bida na ginaganun ganun lang. Oo edukado akong tao, pero hindi naman masama kung pagsabihan ko sila ryt?

"Excuse me miss! Ako ba yung pinag uusapan niyo?"

"Obvious ba?" Clown three. Aba loko to ah!

"Well obviously ako nga. And yeah you're right! I'm simple but not boring. Wala lang talaga kayong sense of humor! So kung walang magandang lalabas dyan sa bunganga niyo pwede bang itikom niyo nalang? Kasi hindi naman uunlad ang pilipinas dahil dyan! And lastly, hindi ko naman talaga kayo mapapantayan kasi nahigitan ko na kayo! Jealous bitch" Pag katapos ng mahaba kong speech ay iniwan ko na silang tulala at gulat. Hindi naman ako pinigilan ni brix, siguro alam niya din na sumusobra na talaga sila.

Hah! That bitches! Akala nila papayag ako na ginaganun ganun lang? Well, sorry for them pero hindi nila ako kilala. They know my name not my story.

"T-thankyou!" Sabi ko kay brix ng ilapag niya sa upuan yung bag ko.

Scarlett's POV
[A/N: FIRST TIME! HAHAHA]

Nandito ako sa corridor, pinapanuod ko si ivy kung paano labanan ang tatlong froglets na yun. napapangiti nalang ako kung pano niya taasan ng kilay yung tatlo. Hahahahaha! That's my bestie. Im so proud of her. Kaya lang natatakot akong malaman niya yung bagay na yun. Baka kasi kapag nalaman niya masaktan siya ng sobra at ayokong mangyari sakanya yun kaya lang arrrgghhhh!! Di ko na alam ang gagawin ko. Torn between her happiness and the truth

Im doomed!

Nabalik ako sa ulirat dahil sa pagriring ng cellphone ko. Sinagot ko ito agad.

"Hello?"

"Maam! Okay na po! Isesend ko nalang po ba sainyo or kayo nalang pupunta dito?" Sabi ni vince.

"Wait me at the coffee shop near the *insert name ng mall here* mall! Got that? I'll be there in a bit" Pagkatapos nun ay binaba ko na ang tawag.

Para sayo to bestie. Tutulungan kita.

-----------------------

A/N: Ohemgeee! Sino si beans? Este vince? And what does she mean na tutulungan niya si ivy? *o* hohoho. RIP ENGLISH!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 25, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Certified: PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon