Chapter 5

27 3 0
                                    

Ivy's POV

Umuwi ako ng lutang, wala sa sarili in short bangag. Nag paproccess pa din sa utak ko yung mga nangyari kanina. Niyaya niya lang naman akong makipag usap kaninang umaga tapos heto siya ngayon at manliligaw ko na. It feels like heaven dahil yung taong matagal mo ng gusto ay nililigawan ka niya ngayon. Pero hindi nawawala sa isip ko ang mga iilang tanong katulad ng, Nagbago na ba siya?Bakit biglaan yung panliligaw niya? At kung seryoso ba talaga siya?

Naputol ako sa pagiisip ng mga sagot sa tanong ko kanina nang biglang tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko ito at tinignan kung sino ang nagtext.

Unknown number. Yan ang nakalagay sa screen ng cellphone ko. Binasa ko ang text niya at napangiti nalang ako bigla.

From: +639953******
Hey babe! Its me brix :)

Grabehan! Manliligaw ko palang siya pero may c.s na kagad kami! Ivah siya. Pero sandali! San niya nakuha number ko? Tsk. Oo nga pala! He's Brix Clyde Villasin -_- malamang madaming connections yan. Agad naman akong nagreply sa kanya.

To: +639953******
Hello! Wait save ko lang.

Agad ko namang sinave yung number niya. Natawa nalang ako sa nireply ko sa kanya haha! Hello? Wtf ivy! Napaka paveve mo hahahaha.

From: Babe<3
Kumain ka na ba? Wag kang mag papagutom ah? Always take care :) ily :*

Kinilig naman ako sa reply niya. Enebe nemen brix! Eng herep pegelen ng keleg ke!

Bago pa man ako makapag reply ay biglang bumukas ang pintuan ng kwarto ko kasabay nang pag pasok ng magaling kong kapatid -_-

"Bumaba ka na at kakain na!" Ayy! Badtrip si ateng :3 baka may problema nanaman sila ng boyfriend niya? 1 year na sila nung bf niya pero hindi ko pa din yun nakikita. Weird. Di ko alam kung meron ba talagang boyfriend yan o ayaw lang magpakita samin. Pero sabi ni ate nameet na daw yun ng parent namin nung time na nasa states pa ako. So ako nalang pala hindi? Unfair.

Bago ako bumaba ay nagreply muna ako sa babe ko! Pil na pil ko ang pagtawag sakanya ng babe! Choss hahaha.

To: Babe<3
Kakain palang ako ngayon :)

Ilang segundo lang ay nag reply na siya.

From: Babe<3
Okay :) Eat well

Hindi ko na siya nireplyan at bumaba na ako para kumain ng dinner.

Tahimik kaming kumakain nang tumunog ang cellphone ko.

From: Babe<3
Tapos ka na bang kumain? :3 miss na kita :(

"Ivy"

Natawa naman ako sa nabasa ko. Gravity! Ganyan ba talaga siya? Pero infairness! Namimiss niya daw ako. Hihi.

"Ivy!"

Ang sweet naman pala ng babe ko eh! Swerte ko talaga sakanya. Pano pa kaya kapag nag date na kami? Gosh. Excited na ako.

"Ivy!!"

Natawa nalang ako sa nireply ko sakanya "miss mo mukha mo! Bolerong to"

"IVY ZOE VILLARUZ!!!!"

"Ay kalabaw na bingot! San? San ang sunog?!?!"

"Walang sunog you deaf!" Ang harsh talaga ng ate ko! Meron ata siya ngayon eh.

"You're not listening!" Sabi ni dad. "Im sorry daddy yung bestfriend ko kasi nagsend ng nakakatawang joke! Haha" Tumawa pa ako para moconvince sila sa sinabi ko. Ugh! Nakakahiyaaaa >_< muntik ko ng makalimutan na kumakain pala ako kasama ang pamilya ko >_< leche ka talaga ivy!

Nag smile nalang sila at pinagpatuloy nila ang pagkain. Hays! Alam ko namang hindi ko sila napaniwala sa sinabi ko :3

To: Babe<3
Babe! Wait lang tatapusin ko lang yung kinakain ko.

At nilagay ko na sa bulsa ko yung cellphone ko.

Mabilis lang akong natapos at pumunta agad ako sa kwarto ko. Humiga ako sa kama at inalala ang mga nangyari kanina. Napa-ngiti ako. Hindi ko talaga inaasahan na manliligaw agad siya sakin. Sa sobrang pag iisip ko sa mga nangyari kanina ay hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.

Kinabukasan

Nagising agad ako dahil sa alarm clock na nasa bed side table ko. Kinuha ko lang yung towel ko at dumiretso na sa c.r para maligo.

Pagkatapos kong maligo ay nagbihis kagad ako. Kaylangan maganda ako ngayon! Para hindi magsawa si brix sakin! Hihi.

Habang nag-aayos ako ng sarili ko ay biglang bumukas ang pinto ko.

"Hindi mo ba alam na naimbento ang salitang 'katok' bago pumasok sa kwarto ng isang tao? -_- tss!" Sabi ko sakanya. Hindi na ako magtatanong kung sino yung pumasok -_-

"Tse! Mamaya mo na ako tarayan! May nag aantay sayo sa baba" Sabi niya bago lumabas sa kwarto ko.

Teka! May nag aantay daw sakin? (Meron nga! Unli ka? -_-) tse! Anyway sino naman kaya yun? Imposibleng si aleckxia yun :3 kakakilala ko palang sa kanya kahapon so hindi niya pa alam yung bahay namin. Baka naman si brix? Nah. Ayokong mag assume baka masaktan lang ako.

Pagkatapos kong mag ayos ay bumaba na din ako. Sino ba kasi yung nag aantay sakin? Aish! Makikita ko din naman siya.

Pumunta na ako ng sala para tignan yung bisita ko. Nagulat ako sa taong nasa harapan ko ngayon. Paano? Bakit? Kelan? Ang daming tanong ang gusto kong itanong sa kanya.

"Oh my god!" Yan lang ang tangi kong nasabi dahil sa pagkagulat. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon. Di ko maipaliwanag.

"Miss me?" Wika niya.

Certified: PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon