Agape

721 29 4
                                    

 Author's Note: This is my first ever Oneshot story published in Watty XD Bear with me if I can't satisfy your expectations :D

***

"Pag ako namatay, wag kang iiyak hah?" 

Ayan na naman sya. Ilang beses ko bang uulit-ulitin sa kanya? Ilang beses ko bang sasabihin na...

"Asa ka naman. Wala akong pake sayo!" Kapansin-pansin ang bahagyang pagkunot ng noo nito.

“Ouch naman! Ang sakit naman nun, Jelly." Umakto pa itong tinutusok-tusok ang kanyang dibdib. Baliw talaga.

Isang mabilis na irap na lang ang tinugon ko sa kabaliwan nya.

Ngumiti naman ito na waring napaka-ganda ng ginawa kong pag-irap. 

"Pag ako nawala, hahanap-hanapin mo rin ako..." Tumingin sya sakin ng may bahid ng hinanakit.

"Asa ka pa! Wala akong pake sayo! Kaya Chupi!" Waring isang aso itong pina-alis ko sa harapan ko. Agad naman itong sumunod at nakayukong lumayo sakin habang hawak-hawak ang Teddy Bear na mag-iisang taon nya na ding pinipilit ibigay sa akin pero di ko tinatanggap.

Ano ako? Tanga? Kapag tinanggap ko yun, baka isipin nya.. Gusto ko na sya?.

Ganyan. Ganyan lagi ang araw ko sa tuwing sumusulpot-sulpot ang matagal ko nang stalker na si Luis.

Sino ba namang hindi maiinis sa walang puknat na pangungulit nya?

Noong una ay nakakatuwa pa sya dahil sa mga kaibigan ko, ako lang ang may masugid na manliligaw. Pero kinalaunan gaya ng pagkaing nakakaumay--nagsa-sawa na din ako. Dahil wala sa kanya ang hinahanap ko.

Simple lang. HINDI KO SYA TYPE.

***

"Jelly, mahal kita."

"Matagal ko nang alam yan."

"Kailan mo ba ko magugustuhan?"

"Magugustuhan ba? Magugustuhan lang kita pag hindi ka na umaaligid at sumusulpot na parang kabute."

"Bakit? Ayaw mo bang andyan lang ako lagi sa tabi mo?"

"Oo. Ayaw na ayaw. Kaya sana naman Luis, tigilan mo na ako, please lang..." Hinarap ko sya at nakita ko ang lungkot sa mata nya.

Halos gusto kong bawiin ang sinabi ko dahil nakaka-konsensya din naman. Kung iniisip nyong isa akong walang puso at paasang babae ay nagkakamali kayo.

Gusto kong bawiin lahat pero huli na. Nakita ko na lang syang nakatalikod at humahakbang ng paisa-isa palayo.

                                                                             

Masakit.

Parang may kumukurot na ewan sa puso ko habang nakikita ko syang lumalayo sakin.

"Sige Jelly.. Susundin ko na lang ang gusto mo." Tuluyan na syang naglakad palayo at iniwan akong mag-isa sa ilalim ng punong Mangga katabi ang Teddy Bear nya.

***

Love TalksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon