UOYEVOLI

546 16 2
                                    

Naiinis ako. Pakinshet. Oo nga. NAIINIS TALAGA AKO!

Sino ba namang hindi?

Try mong tingnan ang bestfriend mo habang nililigawan ng dating manliligaw mo.

Hindi ka maiinis? Pwes, plastic ka! Hypocrite!

Try mong tingnan sila habang mag-isa ka tapos sobra pa sila kung makapag-lampungan.

Hindi ka pa din naiinis? Ayyy, pakamatay kana kaya teh? Don’t you have any feelings?

Tsk.Kelan kaya ako magkakaroon ng matino-tinong love life?

“Sha, ta’mo, binigyan ako ni Myco ng bagong shoes oh, pandagdag na naman to sa koleksyon ko.” Tuwang-tuwa pa syang ipangalandakan at ipamukha sakin na mas type sya ni Myco na former ‘manliligaw’ ko? Oo na, mas maganda ka na.

“Ahhh. Hehehe. Maganda naman, I’m sure, mura lang yan.” Basag ka ngayon ano?

“Sabi nya, pinabili nya pa daw to sa NY eh.”

“Ahh. Lemme guess, NY as in Nabi-nabi yang (tabi-tabi lang in a ngongo version).” Kitang-kita ko kung paano naglabas ng itim na Aura ang ngayo’y inis na inis na si Myco. Bakit ba? Kasalanan nya yan, bibigyan nya pa ang bessy ko ng mumurahing sapatos. Tsk. CHEAP.

“Wow? Isang shop ba yun sa NY, dear?” Ang shunga naman nitong bespren ko. HAYY.

“Hahaha, siguro. Oh, sige Shie, alis muna ang beauty ko at papasok muna ako sa klase ko hah? Umuwi ka ng maaga at baka pagalitan ka na naman ni Tito Arturo.” Pagpapaalala ko sa bestfriend kong blacksheep ng pamilya nila kaya palaging nacha-chapteran ng tatay nyang si Tito Arturo na ubod ng sungit—sakin lang yun mabait.

“Oo na. Uuwi ako. Promise.” Ngumiti ito at agad na lumapit sakin.

Nagbeso-beso kami bago ako umalis sa tambayan namin.

--

Iniisip nyo na ang sama kong tao dahil naiinggit ako sa bestfriend ko?

Ayy teh, matagal ko ng alam na masama ako. Bakit, ikaw ba, hindi?

The truth is, may kanya-kanya tayong kasamaan kaya wag kayong umangal.

Naglakad ako palabas ng eskinita ng boarding house na tambayan naming ni Shie. Sakto namang may nakaabang na tricycle kaya agad akong sumakay para makarating agad sa campus.

Habang nasa tricycle ay biglang nag-ring ang cellphone ko kaya agad ko itong kinuha at sinagot kung sino ang tumatawag.

 

‘Hello?’

‘Kanus ko…’ Ang boses na yun, tumawag na naman sya. Naiiyak ako. SHEEEET.

Love TalksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon