Chapter 2

17 0 0
                                    

[Jade's POV]

Nandito na kami sa condo ni timm..

Grabe lang ang tuwa nitong kapatid ko ah.

"Jade, doon sa kanan ang kwarto mo at sa kaliwa naman ang kay jake.."

"Saan ang kwarto mo?".

"Dito na lang ako sa sofa matutulog",

Bigla akong nakaramdam ng guilty.. Nakakahiya naman dahil nakikituloy na nga lang kami..

"Timm...pinag kakatiwalaan mo ba kami?". Napatingin siya sakin saglit..

Nag pamulsa siya saka ngumiti..

Baliw ba to?.

"Papatuluyin ko ba kayo kung hindi?.".

Umupo si timm sa upuan kaya umupo din ako.

"Bakit?",

Binigyan niya ko ng 'huh?' Look kaya napangiti ako..

"I mean..kanina lang tayo nag kakilala pero binigyan mo agad kami ng trust"

Yumuko siya pero pag yuko niyang yun ay nakita Kong napangiti siya..

"Dahil kay jake..... Naaalala ko ang kapatid ko sa kanya".

Tiningnan niya ko sa mata kaya nakita Kong totoo talaga ang sinasabi niya.

Nilapitan ko siya para yakapin pero lalapit pa lang ako sa kanya ay pumagitna na ang kapatid ko.

"Ano gagawin mo ha ate?".

Bumalik na lang ako sa upuan ko ng nakasimangot..

Haaayss kung hindi ko lang na to kapatid eh!.

"Hahaha, kaya idol kita eh". Nakipag apir si timm kay jake.

"Ate gutom na ko".

"A-ah sige bili lang ako sa labas ng pagkain natin".

Nakaramdam na ko ng sobrang hiya kay timm kung gagawin niya yun.

"Ahh timm may mga panluto ka ba dyan?, magluluto na lang ako".

"Sure ka?". Tumango lang ako bilang sagot..

"Dyan lang kayo mag luluto lang ako".

Sabi ko sa kanila at nag tungo na sa kusina.

Nag hanap lang ako ng mga sangkap sa adobong lulutuin ko..

Dahil kumpleto na ay sinimulan ko na ang pag luluto...

"Now i realize you are the onl----- araayy!!".

Napabitaw at napatigil ako sa pagkanta ng dumugo ang daliri ko dahil nahiwa ng kutsilyo..

"Akin na!".

Nagulat ako dahil kinuha ni timm ang kamay ko at inihugas ito sa gripo..

Hawak hwak niya ang kamay ko kaya ramdam ko ang malambot niyang kamay..

Gahdd.. Nabato na ata ako dito.

"Wait lang jade ah, kuha lang ako first aid".

Tumango lang ako dahil hindi ako makasalita.

"Damoves!".

Napatingin ako sa kapatid Kong nakasandal sa gilid ng pinto ng kusin at naka cross arm.. Aba, akala mo binata ah.

Sumimangot ako "anong damoves sinasabi mo dyan?".

Hinawakan niya ang baba niya at pina cross niya din ang paa niya.. Astig ah.

Careless HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon