Chapter 1

38 2 0
                                    

[Jade's POV]

"Sam nakita muna ba section natin?". Tanong ko Kay sam na parang Hindi naman ako naririnig..

Kinaway ko ang kamay ko sa mukha niya. "Sam.... Hello".

Hindi padin niya ako napapansin..

Mukhang problemado na naman to!

*plak* binatukan ko nga.

"Araaaaay jade!!". Sabi niya habang hinihimas ang ulo niya.

"Tulala ka na naman! Iniisip muna naman ba siya!".

Hindi siya nakasagot sa tanong ko...

Silence means yes.

Lumapit ako sa kanya at hinimas ang likod niya.

"Naiintindihan kita, ang akin lang! Talk to him.... Baka may dahilan siya. Diba ang alam mo lang eh yung may kasama siyang babae? Pero di mo pa alam ang dahilan niya."

"Jade malinaw na siguro yun diba? Kailangan pa ba ng ebidensya!" This time eh umiyak na siya...

Haynako... Kaya ayoko mainlove eh!! Sakit sa puso.

"Edi kung ganyan ang desisyon mo wala na Kong magagawa, basta ang alam ko lang na solusyon dyan eh kausapin mo....Hays".

~~~~

"Jade bakit ngayon ka lang? Late na tayo!".bungad saakin ni sam pag kadating ko sa school.

"Hinatid ko pa kasi si Jake eh.."




*krriiiiiiinnggg

Tumunog na ang bell senyales na break na.

Sakto gutom na ko.

Papasok na kami ng canteen ni sam ng may bumangga saking isang lalaking matangkad kaya muntik na Kong matumba..

Papalampasin ko na lang sana kaya lang ang kapal ata ng mukha ng lalaking to dahil siya pa ang nagalit..

"Alam munang dadaan ako hindi ka tumabi". Irita niyang sabi..

May kasama pa siyang dalawang lalaki na akala mo mga gwapo.

"Excuse me ah! Ikaw ba may ari ng university na to at siga siga ka!". Sabi ko dahilan para ang mga Tao at mapatingin saamin..

Hinawakan ako sa braso ni sam kaya napatingin

Pero imbis na tulungan ako ay nag sorry pa siya sa lalaking to.

"Sorry Air Reyes hindi ka kasi kilala ng kaibigan ko eh".

"Sam ano bang ginagawa mo! Kasalanan naman talaga nitong unggoy na----". Hindi ko na natapos sasabihin ko dahil hinatak na ko ni sam papasok ng canteen.

Umorder lang kami saglit at naghanap na ng pwesto..

Pag kaupo namin ay agad akong humarap Kay sam.

"Sam bakit mo ginawa yun?!"

Humarap agad sakin si sam na pasubo na dapat sa pagkain niya

"Hindi mo ba nahahalata? Yung mga Tao pinagbubulungan kana... Sino ba kasing sira ulo ang aawayin ang isang Air Reyes ng EndlessRoad? Ikaw lang ata best". This time ay kumain na siya..

"Wala akong pake kung sino pa siya! Wag niyang ginagwa sakin ang ginagawa niya sa iba...kilala mo ko sam, kung alam Kong tama ako lumalaban ako."

"Usog!". Tinulak ako ng lalaking bumunggo sakin kanina na ngayon ay naki table na samin ni sam..

Humarap ako sa kanya habang pinanliliitan ng mata.

"Hindi ka lang panget no? Masama din ugali mo!".

Careless HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon