Chapter 4

10 0 0
                                    

[Jade's POV]

Maaga akong gumising para ipagluto ng pagkain si timm...

Para may almusal din kami bago pumasok..

Naalala ko si sam..
Ngayon nga pala ang araw ng paguusap nila ni keirt..

Sigurado ako hindi nakatulog ang babaing yun.

Natapos ko ng iluto ang adobo..
Kumuha ako ng baunan para ilagay ang ulam at kanin ni timm..

Dinamihan ko para sa mga kabanda niya..

Bumukas ang pinto ng kusina kaya napatingin Ako doon

"Hi jade..."

Napatingin ako kay timm na....

Nanlaki at napahawak ako sa bibig ko dahil..

Dahil.
.
.
.
.
.

Dahil bagong gising siya 0_0

"Nagulat ba kita?". Lumapit siya sakin saka ako hinawakan sa braso..

Ang pogi niya pala pag bagong gising.

Napaka gulo ng buhok niya oo, pero mas lalo siyang gumwapo dahil doon...

*dug dug*. *dug dug*

Waaaaaah... Saan nanggagaling yun?.

Tumingin ako sa orasan sa kusina... Hindi yun yung tunog..

Tingin sa oven..hindi din...dahil nakapatay ito.

Tingin sa gasul....hindi din..

Tingin sa harap.....

Tingin sa----

MUKHA? 0_0.

Napaatras ako dahil nakita ko ang mukha ni timm..

Pero dahil naapakan ko ang nakakalat na kung ano pa man sa sahig ...

"JADE!".

Napapikit ako dahil malapit na akong bumagsak sa lupa..

1.....2.......3.

Naramdaman ko na lang na may humawak sa bewang ko at parang bumagsak kami pareho sa lupa pero ang pinagtataka ko lang....parang hindi ako nakadikit sa lupa..

Dumilat ako para malaman ang sagot..

Pagdilat ko dumoble ang laki ng mata ko kumpara kanina..

Nakita ko si timm na nakapikit dahil mukhang nasaktan sa pag bagsak namin.. Nasa ibabaw niya ko dahil nga bumagsak kami..

Waaaaaaah... Sinalo ako timm...

Tumayo agad ako bago pa siya dumilat..

Baka sakaling hindi niya maalala..nakakahiya...

"Ayos ka lang ba?".

Napatingin agad ako sa kanya na nakaupo na habang nakahawak sa likod niya.. Mukhang nabalian siya ah..

"Ikaw Ok ka lang ba?".

Lumapit ako sa kanya para icheck ang likod niya..

Tinignan ko ang likod niya kung saan siya nakahawak.

"Masakit b--".

Napatigil ako dahil nakita Kong nakatingin siya sakin..

Ang mga mata niya... Bakit hindi ako makawala sa mga mata niya?

Gusto ko ng Alisn ang pag kakatingin niyang yun kaya lang ayaw sumunod ng mga mata ko...

Naririnig ko na naman ang mga tunog kanina! Saan ba sila nang gagaling?!

Careless HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon