Chapter 3

0 0 0
                                    

"Hey, lets go. Lock mo ang pinto paglabas mo." Sabi ni Zac Kay Icen. Lumabas na siya ng bahay at pumunta sa car niya.

Sumunod na lumabas si Icen sa pintuan at nilock ito. Dumeretso na siya sa car at pumasok. Umupo siya sa passenger seat katabi ng driver. Pinaandar na ni Zac ang sasakyan.

"Where to?" Tanong ni Zac.

"Deretso mo lang, ituturo ko lang ang daan." Sagot naman ni Icen.

Tumingin lang si Zac Kay Icen.

Hindi mapakali si Icen sa kinauupuan niya. Pabiling biling siya sa upuan. Di na nakatiis kaya pinakialaman na niya ang stereo sa sasakyan. Ini-on niya ito.
Sa kamalas-malasan Yong tugtog na CRUSH by David Archuleta pa ang umalingawngaw sa loob ng sasakyan.

Naalala ni Icen na matagal na pala niyang CRUSH si Zac pero ngayon lang siya nabigyan ng pagkakataon na makasama ng matagal ang lalaki.
At Hindi lang magkasama kundi higit pa don. Masaya siya sa nangyari at kinabahan na din. Anong iisipin ng mga tao pag nalaman ang ugnayan nila. Baka ikasama pa ng image ng lalaki yon.

Mahal ko na ata siya pero kelangan Kong kalimutan yon. Hindi nababagay ang isang alalay sa isang sikat na basketbolista. Ayoko ng tsismis.

Sulyap duling na lang si Icen Kay Zac. Panakaw na tingin. Kitang kita niya ang napaka gwapong mukha ng lalaki kahit naka side view ito. Matangos na ilong, mapungay na mata at mapupulang mga labi na ni sa hinagap na matitikman niya ito. Mas mapula pa iyon kesa sa mga labi nito.

Napalingon si Zac Kay Icen. Todo iwas naman ito.

Jeez. Nakakahiya.

Sumulyap lang ulit sa kanya si Zac at itinuon na ulit ang atensiyon sa daan.

Ang tahimik naman talaga ng lalaking to, ano kaya ang tumatakbo sa isip niya. Akala ko pa naman magiging madaldal na to kasi may nangyari na samin. Akala ko sasabihin na niya "pananagutan ko ang ginawa ko. Magpapakasal tayo." Mali pala ako. Sa movies at novel lang pala nangyayari yon. Hahaha. ASA pa ko na papatulan ako ng isang ZAC LAVINE. Isang sikat na personalidad sa larangan ng sports. Pero what if kami din pala ang magkakatuluyan? Yong tipong si Cinderella? Hehehehe. Ang ambisyosa ko naman. Hahaha.

"Hey!" Sabi ni Zac Kay Icen sabay tapik sa balikat.

"Ay gwapong palaka!!!" Nagulat na saad ni Icen. Lumingon siya Kay Zac.
"Oi ba't ka naman nanggugulat diyan." Reklamo ni Icen.

"Saan na bahay mo?" -

"Ihinto mo na diyan sa Yellow na gate."

Inihinto na ni Zac ang sasakyan sa tapat ng bahay ni Icen. Pagkahinto, bumaba na agad si Icen, Itinulak ang gate at dumeretso sa pinto at binuksan. Hindi na niya hinintay si Zac.

Dere-deretso na siya sa kwarto, tinungo ang closet, kinuha ang malaking backpack at initsa sa kama. Kumuha ng mga damit sa closet pati undergarments at inilagay sa bag. Pasok sa banyo at kinuha ang mga kakailanganin niya sa bakasyon. Sakto lang ang dinala niya, pang 4/days lang kahit 3 days lang naman siya sa pupuntahan niya.

Naligo siya ng mabilisan. After 20 mins. Tapos na siya. Sinuot na niya ang maikli niyang robe na kulay red. Lumabas na ng kwarto. Pagkalabas niya, may kumatok sa pinto at bumukas. Paglingon niya, si Zac. Hindi niya alam ang gagawin niya, nakatayo na si Zac sa harap niya at titig na titig sa kanya.

"Ahmm, may kailangan ka? Saglit lang magbibihis muna ako, pakihintay na lang ako sa baba." Nahihiyang sabi ni Icen.

"Maliligo ako. Hindi ako maka-ligo sa bahay. At ayoko sa baba maligo, dito sa kwarto mo ako maliligo. Paki abot na rin ng towel." Sabi ni Zac sabay layas at pumasok sa banyo.

The Basket Player Series ( #1: Zac Lavine )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon