Chapter 1

1 0 0
                                    

"Wooaah! Ang galing mo talaga Zac! Mahal na mahal na talaga kita! Woaah! Idol! Pakasalan mo na ko!" Sigaw ni Icen. Nakikisabay siya sa sigawan ng mga taong nag-checheer sa koponan na kanyang pinagsisilbihan.

Naglalaban sa court ang Wolves at ang Orlando. Ang dalawang koponan na kabilang sa NBA League. Parehas magagaling ang bawat manlalaro sa magkalabang koponan. Si Zac Lavine ang star player ng Wolves. Magaling maglaro lalong lalo na sa pag dunk. Tinaguriang The Slamdunk Hunk. Sobrang Gwapo niya at hot, tinitilian ng mga bakla at ng mga babae. Isa na don si Icen. Boyish man daw siya marunong pa din itong tumili, pero dahil ito sa pustahan nila ng kaibigang si Jason na member din ng wolves team. Pag nagawa daw niyang tumili sa gitna ng laro, makakapamasyal daw siya sa Disneyland for 3 days and all expenses paid courtesy of Jason of course. Pag natalo naman siya, 1 week siyang magsusuot ng dress. Dahil ayaw niyang magsuot ng ganong damit at gusto niyang makarating sa Disneyland at mayakap si mickey mouse and friends ginawa niya ang nakakahiyang bagay na yon.

Napatigil at napalingon si Zac sa babaeng sumigaw sa gitna ng kanyang pagdidrible. Nakita niya ang babaeng naka cap ng black, loose shirt na black na may print na WOLVEs, butas butas na skinny jeans at white rubber shoes. May hawak pa ito na mega phone. Nagulat siya ng makilala niya ito, ang sumigaw pala ay ang dakilang alalay ng team nila.

Ano kayang pumasok sa isip ng babaeng to at sumigaw na lang ng ganon. Andito pa naman ang girlfriend Kong si Chloe. Tsk. Gulo na naman to mamayang pag-uwi.

Humarap na sa kalaban si Zac, binabantayan siya ng star player ng kabilang koponan na si Aries Gordon. Dinidrible niya ang bola habang inilibot ang paningin sa court, tinitingnan niya kung kanino pwede ipasa ang bola. Napansin niya na walang nagbabantay sa captain nila kaya agad niya itong ipinasa ang bola kasabay ng pag-iwas niya sa kaharap na si Aries. Nalampasan niya ito, nakarating agad siya sa malapit sa ring, initsa ng captain nila ang bola sa taas na para bang ipapasa Kay Zac. Tumalon si Zac ng pagka taas taas at Sinalo ito habang nasa ere siya sabay dakdak ng bola sa ring.

"Basket counted! 2 points! What a nice alley oop. Ang galing talaga ng team work nila. Assist by captain at dunk ng star player. What a combination." Sabi ng announcer. Kasabay ng sigawan ng mga taong sumusuporta sa Wolves.

Si Icen naman ay nakahinga ng maluwang dahil naibaling na sa iba ang atensyon ng mga tao sa paligid dahil sa nakakahiya niyang ginawa kanina. Lumapit siya sa likod ng kaibigan na si Jason at bumulong.
"Hoy Jay! Nagawa ko ang pustahan natin. Basta Yong premyo ko ah, wag na wag mong kakalimutan. Babalian kita ng daliri sa kamay pag di mo tinupad yon."

Lumingon naman si Jayson at bumulong din, "Mamaya na natin pag-usapan yan sa party. Para mas magkarinigan tayo. Sa ngayon manood muna tayo at mag- cheer. And by the way, ang galing mo kanina ah, timing na timing ang sigaw mo. Hahaha. Tahimik ang stadium tsaka ka sumigaw ng naka megaphone. Astig ka talaga. Hahaha."


Busangot naman ang mukha ni Icen habang inambaan ng suntok sa likod si jayson. Tumayo na siya at bumalik sa pwesto niya.

Nag time out ang kabilang koponan. Lumapit na ang manlalaro ng wolves sa pwesto nila. Isa-isa namang bigyan ni Icen ng towel ang limang miyembro ng wolves na puro pawis ang mukha
Nang si Zac na ang bibigyan niya, nakaramdam siya ng hiya. Hindi siya makatingin dito, nakayuko lang siya. Iniabot niya ang towel Kay Zac at Hindi sinasadya na mahawakan ni Zac ang kamay niya, napatingin siya agad sa mukha ng lalaki. Napatingin din si Zac sa kanya. Hindi mawari ni Icen ang nangyayari sa kanya. Bumilis ang tibok ng puso niya at waring may bolang nagdidrible sa loob ng katawan niya. Napahigpit ang hawak niya sa towel. Hinihila naman ito ni Zac. Tinapik sa balikat si Icen ng Assistant coach ng grupo, tsaka pa lang siya natauhan sa ginawa niya. Agaran niya itong binitiwan, tumalikod siya at naglakad papunta sa likod ng mga players.

The Basket Player Series ( #1: Zac Lavine )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon