Chapter 2

0 0 0
                                    

Nagising si Icen mula sa kanyang pagkakatulog niya. Humikab at nag-inat pa siya. Pagmulat niya ng mata, nagulantang siya dahil Hindi siya pamilyar sa kwartong tinulugan niya.

Nasaan ako. Hindi ko to kwarto. Uwaaaaaa.

Bumangon na siya at tinungo ang pintuan. Lumabas siya at hinanap ang salarin kung bakit siya narito.

Nakarating siya sa sala at doon nakita ang lalaking umiinom ng alak. Dagli siyang lumapit sa lalaki at inagaw ang baso na may lamang alak at tutunggain na sana.

"Tama na. Lasing ka na."

Sinulyapan lang siya ng lalaki at ang bote naman ang tinangkang tunggain.
Inagaw ulit ni Icen ang bote.

"Damn. Wag ka ngang makialam. Kanina ka pa hah." Sigaw ni Zac kay Icen. Pilit pa rin inaagaw ang bote.

Nag-agawan sila ng bote at dahil sa pag-aagawan nila, natumba si Icen at napahiga sa sofa, bumagsak din ang katawan ni Zac sa ibabaw ni Icen.

Ramdam na ramdam ni Icen ang mainit na hininga ni Zac na humahaplos sa mukha niya. Titig na titig siya sa mapupungay na mata ni Zac at ang mapupulang labi na lasang alak at tila Kay sarap humalik.

Tumitig din si Zac Kay Icen, kahit marami siyang nainom hindi pa din niya maiwasang lukubin ng pagnanasa sa katawan. Maganda pala tong alalay ng team. Kahit panlalaki Yong damit kitang kita pa din ang hubog ng katawan niya.

Unti-unting bumaba ang ulo ni Zac. Amoy na Amoy niya ang mabangong hininga ni Icen. Tinawid na niya ang pagitan ng mukha nila at hinalikan ni Zac si Icen. Sa umpisa mabagal ang galaw ng labi niya na para bang ninanamnam ang tamis ng mga labi nito. Hanggang sa lumalim ang halik nila. Dalang-dala na silang dalawa sa pagnanasang nararamdaman nilang dalawa.

Ipinaubaya ng buong puso ni Icen ang sarili kay Zac. Hanggang sa narating nila ang tuktok ng narra tree.

---

Ang tanga mo Ice, ang tanga tanga mo talaga. - kausap ni Icen ang sarili niya.
Inuuntog untog niya ang ulo sa Dingding ng banyo habang patuloy ang daloy ng tubig sa katawan niya mula sa shower.
Bakit kasi di mo makontrol ang sarili mo. Anong mukha ang ihaharap mo Kay Zac pag nagising siya aber? Ayts. Ang tanga mo kasi!

Matapos maligo at magbihis lumabas na siya ng kwarto at dumeretso sa main door at tangkang lalabas ng pinto pero napahinto siya dahil may kamay na pumigil sa kanyang braso. Paglingon niya namutla siya sa nakita. Si Zac na naka boxers lang at walang suot na pang-itaas.

"Saan ka pupunta?"

Hindi alam ang isasagot ni Icen Kay Zac. Kaya nakayuko lang siya. Hinila naman siya ni Zac at dinala sa kusina.

"Magluto ka. Nagugutom ako. Alam ko gutom ka rin."

"A-ahm, a-anong lulutuin ko? Nauutal na tanong ni Icen Kay Zac.

"Kahit ano na lang."

Kumilos na si Icen, tinungo ang ref. May nakita siyang karne ng manok. Kinuha niya ito ang pinatunaw. Ibinabad niya ito sa tubig. Habang nakababad ang karne, prinepare na din niya ang iba pang ingredients. Naiilang siya dahil kanina pa nakatuon ang atensyon ni Zac sa bawat kilos niya. Dahil sa nawala ang atensyon niya sa hinihiwa niya, nasugatan sa daliri si Icen. Dagli itong dumugo. Mabilis na lumapit si Zac Kay Icen at dinala ito sa lababo at Hinugasan ng tubig. Hindi pa rin maampat ang pagdurugo ng kamay ni Icen kaya ang ginawa ni Zac ay isinubo ang daliri sa kanyang bibig at sinipsip ito agad. Napatingin si Icen sa mata ni Zac at ganon din ang lalaki. Tila naalala nila ang ginawa nila noong lumipas na Gabi.

Hinugot ni Icen ang kamay mula sa pagkakulong sa mga kamay ni Zac. Tumalikod na siya at pinagpatuloy na ginagawa kanina pero pinigilan siya ni Zac, hinatak at pinaupo sa stool na inuupan ni Zac kanina. Si Zac na ang nagpatuloy sa pagluluto. Ang ginawa lang ni Icen ay titigan na lang si Zac sa bawat kilos at minimemorya ang mukha hanggang paa.

Sinong mag-aakala na makakasama ko buong Magdamag ang nag-iisang lalaking hinahangaan ko. Ang swerte ko talaga at ang malas ng jowa niya. Bwahahaha.

Napaigtad si Icen dahil nasa harap na pala niya si Zac at inilagay na ang pagkain sa lamesa.

"Let's eat."

Nilagyan ni Zac ng pagkain ang pinggan ni Ice. Ganon din sa pinggan niya. Kumain na sila ng tahimik. Walang gustong mauna. Sa kalagitnaan ng tahimik nilang pag kain, biglang tumunog ang cellphone ni Icen. Nagulat silang dalawa at nagkatinginan.

"Sagutin mo na Yong tawag." Sabi ni Zac.

"Excuse me."
Tumayo na si Icen at kinuha ang phone na nasa ibabaw ng counter at patuloy pa din sa pagtunog.
"Hello? Ahhmm, wala ako sa bahay eh. Wait. Talaga!" Naexcite si Icen sa narinig niya. "Okay, sige, bukas na bukas din. Pakiiwan na lang sa office niyo, dadaanan ko mamaya. Thank you, Jay. Tawagan kita agad pag Nakarating ako don. Bye."

Pagbalik ni Icen sa lamesa tinanong agad siya ni Zac.

"Boyfriend mo?"

"Ahm, hindi. Friend ko lang yon. Si Jayson."

"Ano pinag-usapan niyo?" Tanong ni Zac na akala mo asawa ni Icen kung makatanong.

Napatingin si Icen Kay Zac. Grabe naman to, kala mo asawa ko makatanong. Pero kinikilig ako ah. Hehehehe.

"Ahm.
Tungkol lang sa trip ko bukas. 3 days akong mawawala. Pupunta kasi ako ng Disneyland." Nakangiting sabi ni Icen.

Napaangat naman ng ulo si Zac at tumingin Kay Icen. "Sasama ako." Walang isip isip na sabi ni Zac Kay Icen

Nagulat naman si Icen sa idineklara ni Zac sa kanya.
"Huh? Bakit? Di ba may laro ka?"

"I need a break. Sasama ako sayo bukas. Pumayag ka man o Hindi." Sabi ni Zac sabay tayo at umalis. Bago makalabas ng kusina bigla niyang sinabi kay Icen na, "Ihahatid kita, aayusin ko lang ang gamit ko. Sa inyo na rin ako matutulog." Sabay alis.

Natulala na lang si Icen at Hindi na nakapag protesta.

----

The Basket Player Series ( #1: Zac Lavine )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon