Chapter 1: Breeze.....-y?

24 2 0
                                    

~Ryan's POV~

-ALARM CLOCK RINGS-

"Walangyang alarm clock to! Ang aga aga pa e... Masyad--- 6:45 NA?!!!!"

Agad na akong nagbihis, wala ng ligo ligo! Okay lang mabaho basta makapasok! Mwehehehehe.

Maglalagay na lang ako ng deodorant kesa sa mga iba kong kaklaseng nangangamoy bayabas tuwing free play. 

"Haaaay moonlight academy! Ang aga aga nyo naman kasi magpapasok! Di nyo ba alam na 10am pa gumagana ang mga utak ng mga bata ngayon?" Sigaw ko sa salamin namin na pilit bang kinakausap ang sarili.

"HOY RYAN MAGTOOTHBRUSH KA MUNA PURO KA SIGAW!"

"Etong si mama maka-sigaw na di pa ko nagtotoothbrush akala mo di pa naamoy hininga ko e." Bulong ko.

Uy, ako nga pala si Ryan, isang engineering student sa Moonlight Academy. 


-Jane's POV-

Walangya talaga tong si Ryan, hanggang ngayon wala pa rin! Panigurado ngayon lang nagising yon.

"Babe! Sorry late, ngayon lang ako!" 

"Oo nga eh, pero oks lang yun love naman kita e." Sarcastic kong sinabi.

"Lagi nalang kitang inaaway~ Di mo man lang ba ako papansinin~" 

"Ina mo Ryan, isa pang kanta ng ganyan papatayin na talaga!"

"Alam mo naman na love kita~ Cute mo pag nagagalit k--- aray! Para san yun?" Napasigaw sa sakit si Ryan nung sinuntok ko siya sa mukha.

"Sa kajeje-han mo. Tara na nga pumasok na tayo!"

Ako nga pala si Jane, girlfriend ni Ryan. Engineering student din ako sa Moonlight Academy.

-Leandro's POV-

"Ang bango ng simoy ng hangin! Kaso bumaho eh nung huminga ka, Jen."

"Wow sino ang nagsasalita ngayon? Makasabi ng mabaho ang hininga eh mas masahol pa nga yang kili-kili mo amoy kalansay."

"Jen, tutulaan kita gusto mo?"

"Wow, kelan ka pa natuto magtula? Sige nga, gusto ko yung maiiyak ako ah?"

"Oh mahal kong nilalangit, 

nilalangaw pati ang puwit

Kung sa ganda mo'y ako'y samba

Sa utot mo'y ako'y tumba


Kung sa langit ika'y tala

Dito sa lupa ika'y tekla

Buhok mong pa-alon alon

Kuto mo'y patalon-talon


Mata mong maririkit

Muta mo'y dikit-dikit

Ilong mong matangos

Sipon mo'y umaagos


Ngipin mong pantay-pantay

Hininga mong amoy patay

Paano na ang buhay?

Kung sa'yo pa lang ako'y mamamatay"


Namumula sa galit si Jen at dahilan ng pagkatawa ko ng malakas.

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA I love you Jen!" Sabay kiss sa lips at takbo.

Hi, I'm Leandro, single. Joke lang may Jen na ako! Medtech student from Moonlight Academy.


-Jen's POV-

Walangya talaga si Lean! NAPAKA!

Maswerte siya mahal ko siya.

Halos mangiyak-ngiyak na ako sa tula niyang napakaganda, tama nga ako. Naiyak ako sa tula niya.

Madalas kaming mag-inisan pero seryoso kami, peksman!

Hi ako nga pala si Jen! Accountancy student from Moonlight Academy!


---

Chapter 1 - FINISHED!

Dipped in Red InkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon