Chapter 2: Friends' Circle

21 1 1
                                    

~Ryan's POV~

"Jane, halika na! Magdidinner daw tayong apat nila Lean sa Lugawan!"

"Eh, sasama ako basta ilibre nyo ko."

Walangyang babae to, pero mahal na mahal ko parin! Di ko alam kung bakit pero

ang ganda ganda niya talaga...

"Hoy! Ano gandang ganda ka naman sakin?"

"Luh, panget mo kaya. Joke lang! Tara na!"

Di ko namalayan na napatulala na lang ako sa ganda niya. Woo grabe!

-------

"Heeeeeeeeey!" Masiglang sigaw ni Lean sa amin.

"Hi Ryan, Jane!" Di nawawala ang pagka-bubbly ni Jen sa amin.

"Tara kainan na!" Nagulat kami ng biglang...

NANDITO SI BEBANG!

Kung hindi nyo alam si Bebang ang kapitbahay naming patay na patay sa akin.

At siguro napagtripan ako ni Lean at isinama itong si Bebang.

"At ikaw ang ulam ko Ryan hihihihi" 

"Hoy Bebang! Wag kang pabebe! May girlfriend na si Ryan! Yours truly!"

"Swerte mo Jane nakakainis ka, pero mas maganda pa rin ako sayo!"

"Onga bebang e, sa dilim ka lang maganda." Sarcastic kong sinabi.

"San bandang dilim ba yun Ry? Sa may kili-kili ni Bebang ba?" sabi ni Lean.

"Hoy FYI! Maputi itong kili-kili ko mas maputi pa sa snow!" At biglang tinaas ni Bebang ang kanyang kili-kiling animo'y kasingkulay ng anino! 

"Teka, may namumuo atang Low Pressure Area sa kili-kili mo, Bebang."

------

"Ry baby o kainin mo tong isaw baby oh, nganga!" Sinusubuan ako ni Bebang.

"Kaya kong kumain ng mag-isa."

"Ayokong gumagalaw ka sa pagkain kaya hayaan mo akong pakainin ka baby ko. 1k4w luNgszX Szxc4p4T nu4h." 

"Bebang, ang panget mo na nga jeje ka pa!"

"Mas maganda ako sa'yo Jane, naiinggit ka lang kasi baka maagaw ko si Ryan sayo!"

"Sorry Bebang pero di ako umiibig sa mga taong may LPA sa kili-kili."

Nagtawanan kaming lahat at mistulang napangiti na lang si Bebang sa amin.


"Ah, may kilala po ba kayong Bebang dito?"

"Edi yung pinakamaganda, si Bebang yun." 

"Sino po sa inyo yun?" Sabay turo ng waiter kay Jen at Jane.

"Hoy lalaki! Ako ang pinaka-maganda dito sa table na to!"

"Ma'am maganda ka po pala ngayon lang nainform." Sarcastic na sinabi ng waiter.

"Echosero ka! Ano bang kelangan mo sakin?"

"May nagpabigay po kasi ng note sa akin at ibigay ko raw po sainyo."

"Ay! Malamang manliligaw ko yan!"

"Bebang walang manliligaw sayo kasi ang itim ng kili-kili mo!" Sarcastic kong sinabi.

"Wooo baby Ry, nagseselos ka lang kasi sa sobrang ganda ko eh maraming nanliligaw at nag-aalala ka sa akin na baka ma-agaw ako." Sabi ni Bebang.

"Wag ka mag-alala Baby Ry, di naman kita iiwan basta i-kiss mo ako." 

"In your wildest dreams." Sabi ko kay Bebang.

Binasa ni Bebang ang note at nanlaki ang kanyang mga mata. Tila nagulat siya sa kanyang nabasa.

"Uy itim! Okay ka lang?" Kinamusta ko siya.

---

-Bebang's POV-

Laking gulat ko nung nabasa ko ang note na binigay sa akin nung waiter.

YOU'RE NEXT, BEWARE. Na nakasulat gamit ang Red Ink, kasingkulay ng dugo.

"Uy itim! Okay ka lang?" Sabi ni Ryan sa akin.

"Umm guys, kailangan ko na umalis kasi nalaman na ata ng pulis na nagnakaw ako ng panty sa Divisoria!" Agad akong tumakbo palayo.

"HOY BEBANG! MAGBAYAD KA MUNA WALANGYA KA!" Sigaw nilang apat.

-----

Napadpad ako sa isang madilim na kalye kung saan walang ilaw.

Meron namang kakaunti pero sigurado akong di na ako makikita ng pulis don.

"Hay, kung meron lang talaga akong panty sa bahay, di ko na ninakaw yung mga So-En na bulaklak-in!"

May narinig akong naglalakad mula sa likod ko.

Pagkatalikod ko ay may isang taong puro itim ang suot at may dalang kutsilyo.

"A-anong gagawin mo sa akin?"

"You're next. Bebang."

Tumakbo ako ng tumakbo ng napakabilis ngunit nahabol ako ng killer.

--

-THIRD PERSON's POV-

Nahabol ng taong may kutsilyo si Bebang at si Bebang ay takot na takot.

"Ano bang kailangan mo? Yung mga panty na ninakaw ko? Tara samahan mo ko sa bahay, ibabalik ko sayo pati yung mga bulaklakin!"

"Say your last words."

Sinaksak ng killer ang kutsilyo sa dibdib ni Bebang at mas lalo pa itong binaon at si Bebang nama'y umungol at sumigaw sa sakit at tuluyan ng nawalan ng hininga.

----

-RYAN's POV-

Time check, 5:30am.

Ngayon naman napaka-aga ko nagising. 

Nag-inuman sila Jane, Jen, at Lean kagabi.

Pero ako di ako sumali, ayoko magkaroon ng bisyo.

Binuksan ko ang TV para manood ng balita at maglibang na lamang. Maaga pa naman eh, di muna ako papasok.

"Isang babaeng natagpuan sa Kalye, patay matapos umano'y saksakin sa dibdib."

Jusme, ang mga pumapatay nga naman, di mo alam kung bakit nila nagagawa yun.

"Napag-alamang ito ay si Bebang Itimkili na natagpuang patay, ang suspek ay di nakita dahil walang mga CCTV cameras na nakapaligid sa kalye."

"TEKA SI BEBANG ANG NAMATAY?!"

---

Chapter 2: Finished! :)

Dipped in Red InkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon