-Ryan's POV-
Nandito ako ngayon sa kalyeng kinamatayan ni Bebang.
Nakakasuklam tingnan ang kanyang duguan katawan na nakahiga sa sahig.
"Sino naman ang gagawa sa kanya nito?" Tanong ko sa sarili ko.
May nakita akong dilaw na papel sa sugat sa kanyang dibdib.
Kinuha ko at nakasulat ang mga nakapanghihilakbot na salita.
"Students from Moonlight Academy are such idiots! It makes me want to kill them."
At meron pang dilaw na papel sa kamay ni Bebang.
"I'm your worst nightmare."
"Sino naman ang gagawa nito kay Bebang?"
-----
"Bro! Narinig ko may namatay raw na Estudyante sa M.A?" Sabi ni Charles.
"Oo nga eh."
Si Charles ay bestfriend kong 4th year High School at nagngangarap na mag-aral sa Moonlight Academy.
"Parang natatakot tuloy akong mag-aral sa M.A."
"Sus, naganap ang crime scene sa labas ng campus, wala ka dapat ikatakot."
"Ry!!!!!"
Biglang napatakbo sa akin si Jane at niyakap ako.
"Kuya!"
Kasama niya ang kapatid kong si Trisha?!!!!
"Ry, sa Moonlight Academy na nga pala mag-aaral itong kapatid mo. Sa akin siya nagpasama kasi panigurado di mo yan sasamahan kasi ayaw mo siya maging kaklase."
"Teka Trish, same course ang kinuha mo?!"
"Oo Kuya, angal ka? Wala kang pake!"
"Hays. Wag kang masyadong malikot masasapak ka talaga."
"Nako kuya pabebe ka pa eh, alam ko namang poprotektahan mo ko at love mo ko. Yieee!"
Kinurot ako sa pisngi ni Trisha at dahilan ng pagngiti ko. Ginulo ko ang buhok niya at nagtawanan kami.
---
1 YEAR LATER.
"Broooooo!" Sigaw sa akin ni Charles.
"Uy! Dito ka na pala nag-aaral? Ayan natupad mo na ang wish mo!"
"Oo naman hahaha ang mas masaya dun, kasama ko kayo!"
"Sabay tayong uuwi ah?"
---
-Killer's POV-
"Hindi pa ikinasindak ng mga estudyante ang ginawa ko."
Binato ko ang mga gamit sa aking bahay dala ng sobrang galit.
"Pano kung ikaw na lang mag-enroll sa Moonlight Academy?" sabi ng kasabwat ko.
"Tama!"
---
-Ryan's POV-
"Kuya kuya! Kain tayo!" Sabi ng kapatid kong si Trisha.
"Sa lugawan na lang tayo Trish, ah? Wala ng pera ang napakagwapo mong kuya."
"Okay kuya! Gwapo ka naman talaga e! Yieeee!"
Haaaay ito talagang kapatid ko napaka-sipsip! Pero napakaswerte ko, at least may pumupuri sa akin.
"RY!!!!!!"
"Oh Jane bakit?"
"Hi, hehehehe."
"Kinabahan naman ako sa'yo eh!"
"Tara na nga kumain na tayo!"
---
"Buuuuuuuuuuuurp. Ang sarap!!!!" Sabi ni Trisha.
"Wala namang hindi masarap sa'yo eh."
"Kuya patext naman ako! Nawalan ako ng load kakatext kay Michael hihihi."
"Hay nakoooo."
Kinuha ko ang aking bag at....
May napansin akong dilaw na papel na nakadikit sa aking bag.
May nakasulat dito na gamit ang red ink.
"Miss me?"
Lumakas ang tibok ng puso ko at pinagpapawisan ako ng malamig.
Ito nanaman ba? Mauulit nanaman ba ang trahedyang di na dapat balikan?
"Huy Kuya!"
"A-ah Trish! Oh eto oh."
Di ko nalang pinansin ang note na yun. Baka napagtripan lang ako ni Lean.
"Uy pre! Di mo naman ako nasabihan na nandito kayo." Sabi ni Lean.
"Lean, may sasabihin ako sayo."
Hinatak ko ang kanyang damit at pinakita sa kanya ang nota.
"Lean, ano nanamang kabulastugan to ha? Hindi magandang biro to."
"Ano yan?"
Binasa niya ang note at nanlaki ang kanyang mga mata, mistulang nagulat.
"H-hindi ako ang nagsulat nito."
"Lean! HINDI MAGANDANG BIRO TO!"
"Hindi nga ako ang nagsulat nito!"
May napansin din akong dilaw na papel sa likod ng bag niya.
"Scared? You should be."
N-no....
BINABASA MO ANG
Dipped in Red Ink
HororParanoia...Panicking.....will you be able to escape these things? Students from Moonlight Academy will go on to a journey solving mysteries... Will they be able to survive...or to face death?