Chapter One : Yabang

86 4 2
                                    

*1 missed call* - Tatay

Hala! Lagot talaga ako neto! Dapat si mama nalang tumawag, kase kung siya ang tumawag saakin baka okay lang na hindi ko nasagot, Pero si tatay yun!

Flashback : ( Bago ako umalis ng bahay )

"Nagayos ako, Aalis kase ako pupunta sa part time job ko jan sa Karendirya ni Aleng Josie, sayang din ang kikitain ko dun" Isip ko habang tinitignan ko ang sarili ko sa salamin.

Lumabas nako ng kwarto, Magpapaalam kase ako. Sana payagan ako! *Cross fingers*

Nilapitan ko si tatay at si nanay sa mesa, nagaagahan kase sila. Alas otso palang kase ng umaga. Dapat 8:30 ay nandoo nako.

" Tay, Ahm"

"O anak? Anong problema? Kain na"

"Tay ano po kase eh,"

"Ano?"

"Pwede po ba kong pumunta jan kina Aling Josie?"

"Aba't bakit?" Nakakunot noong tanong saakin ni tatay

"Tay, sayang ho kase yung sweldo sa pagtutulong sa karendirya."

"Sabado ngayon, may Limang daan pa naman ako dito anak."

"Tay, Sigi na naman tay oh? Pandagdag nadin sa araw araw natin tay, Hindi napo magkakasya yan tay, realtalk po."

"Pa realtalk-realtalk kapa jan, Osige na. Kumain kana muna tska kana umalis."

"Tay, hindi napo, late napo ako tay"

"ABA----"

Hindi na natapos ni tatay ang sasabihin niya kase kumaripas nako ng takbo, paano ba kase baka magbago ang isip.

"AYESHA!" Yan ang huling narinig ko lng sinabi ni tatay. Lagot ako neto mamaya mapepektusan ako.

Uuwi nalang ako ng maaga
-

Ayan na nga bang sinasabi ko eh! Lagot talaga ako promise!

*toktok*

Si tatay bumukas ng pinto, yes masaya to :(

"Tay" nakayukong sabi ko.

"Hindi mo sinasagot tawag ko?"

"Tay, ano po kase eh,"

"Pasok, Maligo at Matulog kana"

Pumasok nalang ako sa bahay, deretso sa kwarto ko at dumapa sa kama. Sobrang pagod ko. Paano ba naman kase hindi lang naman yung Karendirya ang pinuntahan ko, pati nadin yung bakery sa kanto. Sayang din yun 200 din yun. Kailangan ko para makabili ng pang project namin sa Math subject ko.

Nagpakilala naba ako? Hindi pa diba? ( Ano bayan author, ako ang bida dapat pinapakilala.)

Ako nga pala si Ayesha Sellie, 3rd year high school. Nang uupahan ng bahay dito sa may Angeles,Pampanga, Nagaaral nga pala ako sa Angeles High School, public. Working student din ako. Halata naman siguro kung ano ang kaantasan namin sa buhay diba? Pero kahit na ganito atleast marangal at walang dungis.

Nakatulog nako sa kama ko.

*Alarm clock, RINGGGGG!"

Ano bayan, Linggo naman ngayon ah. Hindi ko napatay alarm clock ko kagabi. Nakatulog ako.

10 na ng umaga, Aalis nanaman ako mamaya mga 2 ng hapon, bibili ako ng mga materyales sa Mall eh, oo sa mall kase wala kang mabibili sa palengke(meron kaso fake hehe) at tsanggi nun.

Rich VS PoorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon