*Alarm clock ; RINGGGGG!"
Inaabot ko yung alarm clock, Ang ingay gusto ko pang matulog.
Ayan nag stop na, monay pala ngayon, este monday pala ngayon, nakakatamad.
Pero kailangan ko talagang tumayo na at maligo. Kaya tumayo nadin ako, no choice.
Dumiretso ako sa banyo dala ang cellphone ko, magpapatugtog. Ganon kase ako. I love music hehe
Kakatapos kong maligo, nagbihis nako ng pang school, sinoot ang hikaw ko tska ako nagpony, tsaka lang nag lagay ng tint.
Lumabas ako ng kwarto, Sina nanay at tatay nasa mesa na hinahanda ang almusal na pandesal at itlog.
"Anak o, kain na" Sabi ni nanay habang inaabot sakin ang tinapay.
"Salamat nay," Kinuha ko ito at umupo sa tabi nila.
"Tay, ano oras ho trabaho niyo ngayon?"
Tanong ko kay tatay, para sabay nalang akong lumabas ng bahay sakanya.
" 7:30 anak, bakit?"
"Wala po tay, 7 napo tay, 8 po ang klase ko, sasabay po sana ako tay"
"Osige, bilisan mo ng kumain, baka ma late ka"
Binilisan ko ng kumain.
"Mahal, Una nakami ha? Magiingat ka dto. Nagpahinga kadin"
"Oo mahal, Magingat ka din roon ha?"
"Tama na nga nay tay! Corny niyo ah!" Sabi ko sabay labas na ng bahay.
Nagtatawanan lang sila, Ang sweet talaga nilang dalawa, kahit na pangalawang pagkakataon na ni tatay to. Naiiyak ako pag naaalala ko lahat.
Naiiyak ako, Pinunasan ko ang luhang pumatak sa mga mata ko, baka makita ako ni tatay.
"O anak, tara na"
"Tara tay!" Sabi ko sabay kawit ng kamay ko sa braso niya.
Nakasakay nako sa jeep, Sana kasya ang 30mins na byahe.
"Manong bayad ho, Angeles High school po, Studyante"
Abot ko ng 10 piso. 6 nalang ang pamasahe ngayon eh. Buti naman sayang din ang piso eh.
Malapit nako sa school ngunit hindi padin niya binibigay ang sukli ko. Nahihiya man akong sabihin dahil nasa may pinakaunahan ako ng jeep malapit sa labasan, pero sayang. Di naman ako mayaman e.
"Manong, Yung sukli ho sa 10 piso. Studyante ho"
Tumingin yung manong sa salamin, nagkati ginan kami, tska niya binigay ang sukli.
Bumaba nako ng jeep, lalakarin ko nanaman hanggang sa classroom ko, may sampung minuto nalang ako. Ang kaso may napansin akong HIRING sa may restaurant. Hindi muna ko papasok ng first class. Aapply ako sayang.
Classroom:
**play music on multi**Bumungad agad saakin ang abnormal kong dalawang kaibigan
"HELLO BAKLUSH!"
"GIRL BAT LATE ANYAREEEE!"
Sabi nila habang nakahawak sa pintuan ng room. Natawa nalang ako, mga abnormal at mamasaya talaga sila.
"Okay, okay, tama na mga abs" Sabi ko.
Oo abs, short for abnormals yan, ang tawag ko sakanila haahahaha
"EH BAKIT KA BAKLUSH?" Sabi ni Jeff
Oo alam na, bakla siya, pero mabait yan, masaya kasama, may sense of humor, matalino din r2 kaya siya. Hulaan niyo r1? Comment hahaha
BINABASA MO ANG
Rich VS Poor
RomanceMansion,Sosyaling kotse,Nagaaral sa magandang skwelahan, Nakukuha ang kahit anong gusto, thats Kaizer Yu. Nanguupa ng bahay, Walang sasakyan,Nagaaral sa Public at Working student,Pinaghihirapan lahat ng gustong makuha, thats Ayesha Sellie. They be...