Chapter 26

51K 1.3K 263
                                    

Chapter Twenty Six

"Epekto"

Hindi ako nagkaroon ng oras na matingnan ang maliit na box na binigay ni Moses kaya ay niligpit ko muna ito sa drawer ng aking kwarto. Kinailangan ko pang bumaba at tulungan si Aling Trinidad sa mga gawaing bahay.

Audrey and Moses were talking in the living room, at kinailangan ko pang dumaan doon sa pagbaba ko ng hagdan mula sa itaas. Hindi na ako tumingin sa kanila at dumeretso na ako sa backdoor ng kusina upang tingnan ko ang mga halaman ng garden at lilinisan ko ito.

Akala ko buong maghapon lamang si Audrey na bibisita, pero sa huli ay umalis sila ni Moses gamit ang kanyang kotse. Kung saan sila pumunta ay hindi ko na din alam.

Ng gabing iyon ay hindi umuwi si Moses. Hindi siya nagtext o nagsabi man lang kung saan ba sila nagpunta ni Audrey nung hapon, kung saan ba siya matutulog, o kung sino ang kasama niya. Pinikit ko na lamang ang aking mga mata habang nag-iisip isip na naman ng kung ano.

Biglang tumunog ang aking cellphone at lumitaw ang pangalan ni West sa screen nito.

Lumunok ako bago ko ito sinagot. "Hello, West?"

"Hi." Ani West. At naramdaman ko ang kanyang pagngiti. "How are you?"

"Um.." Nautal ako dahil sa kung anong dahilan. "Naging okay lang naman..."

"Damn.. I missed you today." Ani West.

Hindi ako kaagad nagsalita. Hindi ko maiwasang mapaamin sa aking sarili na naiilang ako pero hindi ko naman naiintindihan kung bakit kaya ako naiilang. Hindi ba't gusto ko naman din si West?

"Nagtext si Moses sa akin." Aniya. "Pumayag ka na daw?"

Napaawang ang aking bibig. Sinabi ba iyon kaagad ni Moses sa kanya?

"I'm out of town tonight, kaya ay hindi kita mapupuntahan bukas. How about this Monday? We'll bring your things to my place.."

"West." sabi ko't umiling. "Hindi ba sinabi sa iyo ni Moses na hindi lang ako titira sa inyo. Nakakahiya kasi--"

"I know..." aniya. "But in the meantime, you can stay with me for a while.. Habang naghahanap pa tayo ng magandang bed space para sa iyo. What do you think?"

Mapagpilit si West, at sa huli ay pumayag ako. I was too tired from the day, at ayoko pang magkaroon ng debate o mahabang diskusyon.

Tomorrow will be Moses and Audrey's parents' dinner. Just the thought of it makes me feel nervous. Pupunta dito ang mga magulang nila.. mga magulang ni Moses.. my father.

Kinabukasan ay bandang ala una na ng hapon nakabalik ang kotse ni Moses sa bahay. He came back home with Audrey, of course, at may mga dalang supot si Audrey nang sinalubong ko siya upang tulungan siyang bitbitin ito. Nagulat ako nang nakita kong mga ingredients na naman ulit ito. The same ones Moses and I bought yesterday!

Pero may mga nakatatak na sumpermarket logos ang mga supot ng kanilang mga binili. Did Audrey reject the ingredients we bought from the flee market?

"No thanks." ani Audrey nang tutulungan ko na sana siya sa pagbibitbit. Nakangiti siya pero hindi niya ako tiningnan, deretso lamang ang kanyang lakad patungo sa kusina.

She looked so elegant and pretty on her baby blue, floral, petite dress. Nakasunod sa kanya si Moses na nakasuot na naman ng kanyang nakasanayang pormal na long sleeve polo, jeans, at leather shoes.

Nang makita ako ni Moses ay bumati lamang ako ng pormal sa kanya, Moses just nodded a bit, seryoso pa din ang mukha at sumunod na siya kay Audrey, ni hindi na siya tumingin ng matagal sa akin. Sinundan ko na lamang ang dalawa ng tingin.

Rough to Love (TDL Series #3) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon