Chapter Thirty Seven
"Tadhana"
Nang gumabi ay bumalik kami sa bahay nina Tito Teo. May bakante silang kwarto at doon kami nagpalipas ng gabi. Ang alam ko ay siguro mga dalawa o tatlong araw lamang kami rito sa Raquendan. Hindi naman kami pwedeng tumagal dahil may trabaho si Moses na iniwan niya doon sa Manila, at ako rin ay nag aaral pa.
Kinabukasan ay nagpasya si Moses na pumasyal kaming lahat. Ang suhestyon ni Belle ay pupunta kami sa Valencia, sa may resort na nagngangalang Forest Camp, at pagkatapos raw naming pumunta doon ay gusto din niyang umakyat kami patungo sa isang sikat na tourist spot na nagngangalang Pulangbato, isang waterfall na kulay pula ang tubig.
"Yehey!" tuwang tuwa si Belle habang umaakyat siya sa sasakyan naming jeepney. Ang may-ari ng jeepney ay isang kaibigan ni Kapitan na masayang nag-alok na gagamitin namin ito para sa aming pagpasyal.
Kasama ang buong pamilya at mga kasambahay nina Tito Teo. Si Belle ay katabi ko't nakaupo siya sa mga hita ni Tita Felicia, sa kabila kong tabi ay naroon si Moses, si Lolo Eusebio ay nasa front seat ng jeepney at si Tito Teo ang nagdadrive. Kasamang nakaupo sa likod ay sina Aling Cheng at ang kanyang asawang si Manong Roi, matagal na silang naninilbihan sa pamilya ng mga Lacriamendo magmula pa nung Mayor pa si Lolo Eusebio ng Raquendan. Si Kronos lamang ang wala sa jeepney at ngayo'y nakasakay ng isang motor at para siya'y masundan ni Tito Teo.
Masayang masaya ang lahat pagdating namin sa Forest Camp, si Belle ay agad tumakbo patungo sa kung saan naroon ang mga iba't ibang klaseng pools. Si Kronos ay dumeretso sa cottage kung saan kami nakareserved at buhat niya ang mga pagkain at tubig na aming dinala, tumulong sa kanya sina Moses at Manong Roi at Aling Cheng. Si Tito Teo ay tumutulak sa wheelchair ni Lolo. Sinundan ni Tita Felicia si Belle, kaya ako'y sumunod na lamang din sa kanya.
Tanghali na't naghanda na sina Manong Roi at Aling Cheng sa mga dinala naming pagkain, pero bumili pa si Kronos ng isda dahil utos ni Tito Teo ay magiihaw sila nito. Si Moses ay tumutulong din sa paghahanda't nagsaslice na siya ng mga kung anu-ano para sa pagmamarinate ng bibilhing isda. Si Tita Felicia at ako ay nagbabantay kay Belle na ngayo'y nagsiswimming na sa isa sa mga pools.
"Celeste, hindi ba?" umimik si Tita Felicia sa aking tabi. Nakasuot siya ng simpleng shorts at t-shirt, at may panyang nakasabit sa kanyang isang balikat. Nakapusod lamang ang kanyang manipis na buhok, at nakangiti siya sa akin nang ako'y tumingin sa kanya.
Tumango ako at sinuklian ang kanyang ngiti. "Opo..."
Biglang narinig namin ang tawa ni Belle habang nakahanap na siya ng mga bagong kalaro sa swimming pool. Pareho kaming napatingin sa kanya.
"Ang cute po ng anak niyo, Tita." Sabi ko.
"Naku." Tumawa ng mahinhin si Tita Felicia. "Sobrang kulit ng batang 'yan. Pero yung binata ko na si Kronos? Exact opposites sila ni Belle. Sobrang seryoso lamang at tahimik. Parang ang papa lang nila..."
Tumingin si Tita Feicia sa akin. "Si... Moses. Hija?"
"Po?"
"Makulit ba siya? Tahimik?"
Natigilan ako at napaisip.
"Siguro po... masasabi kong magkapareho ang kilos ni Moses sa mga kilos din ni Kronos. Seryoso din si Moses... tahimik... alam niya kung ano ang kanyang ginagawa, at madalas gusto niyang siya ang bahala sa lahat." Kwento ko. "Kapag una mo pa siyang makikilala ay aakalain mong mayabang siya at istrikto lamang, pero nang tatagal ay makikita mo ring mabait siya, mapag-alala..."
Napahinto ako sa aking pagsasalita dahil napansin kong masyado na akong nadadala sa aking sinasabi. Uminit ang aking pisngi nang tumingin ako kay Tita Felicia at nakita kong nakangiti na siya sa akin.
BINABASA MO ANG
Rough to Love (TDL Series #3) (COMPLETED)
RomanceMoses Zacharie Gustav is a spoiled, rich, passionate man. He can have everything he wants except for one girl, the girl he has always loved and will always be his greatest love. How can you love someone who can never be yours? How rough is it to fal...