Chapter 7

84 2 0
                                    

CHAPTER 7

10pm na nang matapos ang mini concert or whatever na tawag dyan na pinuntahan namin. Yes, they, i mean John bring me here. Sa kabilang bayan, where is the mini concert held sa isang mall. Okay na rin na sumama ako. Para may alam ako sa kanila.

Madaming tao. Madaming babae. Halos sumabog nga ang eardrum ko sa mga tili at sigaw nila. Sikat e. Halos dumadagundong yun sa loob ng mall.

" Have fun? " i smiled at John. Tumango ako saka hinila na nya ako palabas ng mall.

Flash doon. Flash dito. Hindi ko alam kung gaano kadami ang kumuha ng litrato na magkasama kami ni John.

Madami ang nagtaka kung sino ako. Maraming nagbubulungan kung bakit nasa unahan talaga ako nakaupo. Girlfriend ba daw ako ni John? Or ate?

Kahit naman siguro ahead ako kay John ng 2 years, di naman halata ah. Saka di nga kami magkamukha para sabihan na mag ate kami. Iniisip ko ay ang pagkalat panigurado ng mga pictures. Wala pa man, siguradong magkakagulo. This is not my plan.

Oo, nag-enjoy naman ako. Ang galing nila sumayaw at kumanta kaya hindi na ako ngayon magtataka kung bakit sikat na sikat sila sa buong Pilipinas lalo na sa mga babae. Grabe nga ang tili nila kapag tinataas ni Jimin ang shirt nya to show his abs while dancing. Ang manyak di ba? Mga babae naman, tuwang tuwa. And, excuse me, di ako kasali sa 'mga babae na yun'. Napapangiwi nga ako pag ginagawa nya yun e. And speaking of Jimin..

" John? " untag ko.

" Hmm? Yeah? Bakit? " lumingon sya pero hindi tumigil sa paglalakad. Ngayon ko lang napansing wala ng nakasunod sa amin kundi mga lalaking malaki ang katawan at nakaitim ang shirt. Bouncer? Guard? Idk.

" Pwede bang tabi nalang tayo? Ayaw ko kasing makatabi si Jimin e. " sabi ko nung ilang dipa nalang layo namin sa SUV na sinakyan namin kanina. He stopped and faces me.

Nanlaki ang mga mata nya. " Did Jimin harrass you? Tell me and i will break his neck! " seryoso nyang sabi. I saw his hand turn into ball, and any moment it's ready to land in Jimin's face.

Di ko gusto ang ginawa ni Jimin pero ayaw ko naman na ako ang dahilan para mag-away sila. " No. No, John. Sabi mo kasi di ba stay away ako sa kanya. Wala naman syang ginawa e. " i lied. Again.

Sorry Papa God, nagsinungaling na naman ako. Trabaho lang talaga 'to.

Mapapadami ata kasalanan ko dahil kay Jimin.

Lumiwanag naman ang mukha nya na parang narelieve sa sinabi ko. " Oh, i thought Jimin do something kaya gusto mong magkatabi tayo. " may gagawin nga sana, buti di natuloy. " Makikipagpalit nalang ako sayo. Ayaw ni Jimin na makatabi si Third, maingay daw kasi. Okay lang ba yun? Atleast, di na kayo magkatabi. "

I nod. Okay na yun kesa makatabi ang napakamayabang na manyakis na yun. I rather be with Third na madaldal.

Kaso nung nag-umpisang umandar ang kotse parang pinagsisihan ko. Di na ako nagtataka kung bakit ayaw ni Jimin dito. Okay sana kung maingay na madaldal lang talaga pero yung sa kanya, parang sobra na. As in. Panay ang tanong nya sa akin. Kwento ng kwento ng mga weird na bagay. He is like innocent but weird.

Kung di pa ako nagpanggap na inaantok at gusto kong matulog, hindi sya titigil sa kakasalita. Seriously? Ang weird nya talaga pero aaminin ko, gwapo sya. Pansin ko nga kanina, yung pagiging weird nya ang kinakatuwa ng mga 'Fangirls' nya e. Weird na talaga si Mother Earth ngayon.

Nakarating kami sa isang resto matapos ng ilang minuto. Sinadya kong magpahuli at hilahin si John para magpaalam.

" John, i have to go. May pasok pa ako bukas at it is almost 11pm. "

Just One DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon