Prologue

365 8 0
                                    

Prologue

 Ilang araw na rin nang simulang magbreak kami ng boyfriend ko -- or i should say, ex boyfriend pero masakit pa rin at hindi ko matanggap na niloko nya ako.

 " Ella, pinapatawag ka ni Sir. " iniangat ko ang ulo ko at tumingin sa kasama ko na kagagaling lang sa opisina ng aming editor in chief.

 " Bakit daw? " nagkibit balikat sya sa tinanong ko.

 " Hindi ko alam e. Walang sinabi. " aniya sa akin. Inilapag ko ang ballpen na hawak ko sa mesa at nagsimula nang tumungo sa opisina ni Sir. Ano kaya ang problema at pinatawag niya ako?

 " Sir? "

 " Pasok ka. " umupo agad ako sa katapat ng mesa nya. Iniabot nya agad ang folder na hawak hawak nya nang ako ay pumasok kanina. Pagtatakang kinuha ko yun sa kanya.

 ' JIM PARK '

 Yun ang nakalagay sa harap ng folder. Binuksan ko ang ilang pahina nito at tumambad sa akin ang ilang litrato ng isang lalaki. May mga kuhang nasa stage eto at tila kumakanta.

 May mga kuhang nasa stage eto at tila kumakanta

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

 " Yan si Jim Park

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


 " Yan si Jim Park. Isa sa mga pinagpapantasyahan ng mga kabataan at kababaihan ngayon. Sikat. Singer. Dancer. " Hindi ko agad makuha kung bakit sinasabi yun ni Sir sa akin ngayon.

 " Sir? " patanong kong sambit.

 Sinagot naman niya ang mga tanong na nasa utak ko. " Ella, i want you to make an article about Jim Park. All about him. What he likes. What he do kung break time. Lahat lahat. Magandang article yun para sa magazine natin next year since new year special din natin yun para sa mga readers. You have three months para gawin yun. " tumayo sya agad na hindi man lang ako nakakapagsalita o kung ayos lang ba sa akin yun? God.

 " W-Wait Sir! Seryoso kayo? Paano ko siya maiinterview? Kelan? Bakit ako? "  sa wakas nasabi ko na rin.

 Napatigil sya sa paglabas ng pinto. " Oh. I forgot to say. Hindi sya mahilig magpa-interview at ayaw sa media. He hates 'paparazzi'. Kaya.. may tiwala ako sayo na makakagawa ka ng paraan para makuhaan mo sya ng information ng tungkol sa pagkatao niya. Malihim sya sa pagkatao niya. Interesting di ba? Alam kong magagawa mo yang assignment mo, Ella. I fully trusted you. " ngumiti sya sa akin at ako naman ay parang pinagsakluban ng langit at lupa sa mga sinabi niya.

 Hindi pa nga ako nakakarecover sa break up namin ng boyfriend ko, binigyan nya agad ako ng mabigat na assignment na sa tingin ko ay hindi ko magagawa. Natampal ko ang noo ko habang panay ang ngiwi ko palabas ng office ng EIC namin.

 Three months? Tapos ayaw magpa-interview? Seriously Sir? Sigurado ba siyang kaya ko ang pinapagawa nya sa akin? Paano ko makukuha ang impormasyon na nais nya kung ayaw nito mag-interview tungkol sa pribadong buhay nya? Nakakaloka!

Just One DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon