Chapter 13
Nang dahil sa inis ko kay Jimin, buong oras ng klase ay wala akong maintindihan. Nakabusangot lang ang mukha ko at hindi maipinta.
Kahit nung palabas na ako ng room at pababa ng hagdan, naiirita pa rin ako. Di talaga nawala agad ang inis ko. Sino bang hindi? Bukod sa mayabang, manyak pa. Sarap pagpupukpukin ang mga fangirls nya ng magising ang mga eto sa mga kabaliwan nila e.
Muntik pa akong napasigaw nang may humigit sa akin sa may pasilyo ng hallway. Sinapak ko nalang ang balikat nya nung nakilala ko kung sino ang gumawa nun. " Papatayin mo ba ako sa gulat? Jusko, John. " Bulalas ko.
" Sorry, Ella. " Tumawa sya saka kinamot ang batok nya. " Ang lalim kasi ng iniisip mo. Nakabusangot pa ang mukha mo. May problema ba? "
Umiling ako. " Wala naman. Medyo di ko lang naintindihan ang lecture kanina. " Lagi nalang ako nagsisinungaling kay John. Madaming beses na ako nagsinungaling sa kanya at tila inuusig na ko ng konsensya ko.. Konting tiis lang, Ella. Matatapos din eto.
" Oh, i see. " tipid nyang sagot.
Minasdan ko syang maigi. Pakiramdam ko, me kelangan sya sa akin. Pinasadahan nya ang kanyang buhok gamit ang kamay nito. " May kelangan ka ba, John? " Kiming ngumiti sya.
" Lunch with me. I miss chicken and gravy of Mcdo, e. Lately, we haven't eat there. "
Okay sana kaso si Kiera. May usapan kami na sabay kakain ng tanghalian. " Uhm, sorry John. May usapan na kasi kami ni Kiera na maglunch ng sabay e. Some other time na lang. "
" No, you can bring Kiera too. Since kaibigan ko na rin sya. I guess that would be fine than rejecting my offer. " He chuckled.
Sinuntok ko ng mahina ang balikat nya. " I'm not rejecting you. Baliw 'to.. "
" Biro lang. So, call? Daanan natin sya? "
Tumango ako. May magagawa pa ba ako? Sa ikli naming pagsasama ni John, ewan ko ba at hindi ko sya magawang tanggihan. He is irresistable. Hay. Pacute lang nya, papayag na ako. Si John Cedric Benitez na yan, te! Makakatanggi pa ba ako?
" Ang pogi din ni John, ano? " Dinig kong sabi nya.
" Huh? Ngayon mo lang napansin yun, Kiera? " Nilingon ko sya pera agad din bumalik ang tingin ko sa harapan.
Paakyat na kami ni Kiera sa building pagkatapos naming maglunch nina John sa Mcdo. Hindi ko inaasahang maging random si Kiera.
" Not that. Napansin ko naman yun agad pero kanina. Ewan ko ba pero gwapong gwapo ako sa kanya. Though, ang simple lang naman ang suot nya. It is weird, Ella? I mean, why all of the sudden i felt like that kanina. Kay Jim naman okay lang. I don't know.. But.. Feeling ko, niloloko ko si Jimin e. Nangako pa naman ako na magiging loyal ako sa kanya. "
Seriously? Niloloko talaga. Eh, wala naman silang relasyon. Mababaliw na ako sa mga fangirls ni Jimin.
" Kiera, gwapo naman talaga si John. Infact, kung itatabi sya kay Piolo Pascual. Lamang na lamang sya. "
Tumawa eto. " Eww, Ella. Kay Piolo talaga? Eh ang tanda na nun. Don't tell me, mahilig ka sa mga oldies? "
Tumawa nalang din ako. " Hindi ah. Maybe you're just blinded by Jimin's face. "
" Yeah, you're right. Basta Ella, pag nagyaya sya uli. Sama mo ko ah? Osya, i have to go na. 2pm na at pasok na namin. "
" Oo ah. Ikaw pa! Sige, ingat ka. " Bago tuluyang nakalayo, kumaway pa eto sa akin.
BINABASA MO ANG
Just One Day
FanfictionIsang amateur writer si Mariella Mendez sa isang kilalang magazine publishing. Broken hearted sya nang tinanggap nya ang isang big break para sa kanyang career. Di nya inaasahan na ang pagtanggap nya rito ay ang pagbago ng tahimik at inosente nyang...