Entry13*Sanib

5.3K 138 4
                                    

Arth P.O.V
'Wag, Hayaan niyo siya.,'
Tumayo ako para sana kunin si Kit pero..

'Anong hayaan? Eh, Mukang mamamatay na to oh.'
Sabi niya at binuhat nila si Kit.. Papalabas na sana sila ng tumayo si Laurence at Justin para kunin si Kit.
'Ano ba? Tutulungan namin siya.. Kung ayaw niyo di namin kayo pipilitin .. Kami na mag dadala sa clinic.'
Sabi ni Joshua kay Justin at laurence.,
Dumeretso na sila sa may labas at wala ng pumigil sa kanila..

Ano bang nangyare?
*Flashback

Nag silabasan na yung iba naming mga kaklase para kumain siguro?
Yinaya ko narin silang pumunta ng Cafeteria..

Pero di pa kami nakakalayo sa may room ng may narinig kaming boses.
Pinuntahan namin yun ,kasi na cucurious kami..

Nakita namin si Kit na nasa sulok, Nakayuko at naiyak.. Di ko alam kung bakit pero feeling ko may kakaiba., Di naman siya ganyan ka down sa sarili niya eh.

'Gusto ko ng umuwi, Cindy.. Miss na miss na kita*sniff. Sana mag kasama na ulit tayo..*sniff.'
Huh? Tama ba narinig ko? Cindy?
Tumigin ako kay Jerome na kasama namin ngayon..

'Hindi nu. Ibang Cindy yung tinutukoy niya.'
Parang nabasa niya yung tingin ko kaya sumagot siya..

Nakatingin parin kami sa kanya..
Hmm? Bat ganun?

Nakayuko parin siya?
Pumasok sa loob si Laurence ,
Linapitan niya si Kit at umupo sa tabi nito..
Hinimas himas niya yung likod nito para tumigil na sa pag iyak..

Pero , Tumingin ito sa kanya..
Sobrang sama ng tingin niya .

'Anong Problema mo?'
Tanong ni Laurence kay Kit..
Biglang hinila ni Kit yung kwelyo ni Laurence at sinigawan ito..

'Asan na si Cindy? Patay na ba siya? *sniff . Sabihin mo!'
Habang umiiyak pa siya.. Maga na yung mata niya..

'Pre? Sinong Cindy? Di ko kilala yung Cindy na sinasabi mo.'
Sabi ni Laurence sa kanya..

Pumasok na kami para pigilan si Kit dahil mukang galit na galit ito..

'Kayo ? nakita niyo ba si Cindy?, '
Nung pumasok kami parang naramdaman niya na agad na nasa likod niya lang kami..

Lumapit siya samin at si Lloyd naman yung hinawakan niya at sinigawan..

'Uy.. ano ba? Tumigil ka na.. sino ba yung sinasabi mong cindy?'
Pinigilan agad namin siya..
Ano bang nangyari sa kanya?

Sino ba kasing Cindy yun..
'Si Cindy.. Si Cindy *sniff'

Umupo siya ulit at yumuko  , Iyak lang siya ng iyak..

'Ano bang problema mo? Bat ka nag kakaganyan?'
Sabi ko kay Kit.

'Problema ko? si Cindy,!! asan na si Cindy!'
Napatingin siya kay Jerome at parang nagulat ito.

'Ikaw? Bat ka nandito?'
Tanong niya kay Jerome,

Di ko alam pero parang nababaliw na talaga siya..

Tumingin siya samin at parang nagulat talaga siya., Lalo na nung kay lloyd siya tumingin.
Bakit kaya?

Alam ko namang mag kaibigan na si Lloyd at Jerome since elementary eh.
Ano bang nangyari dito?

'Amm. Ano,, Ano bang nangyari sayo? Bat ka nag kakaganyan?
May nangyari ba?'
Tanong ni Christian sa kanya.

'Oo.. May nangyare.!! At kilala ko siya at pati na siya.!'
Tinuro niya si Lloyd at Jerome..

Lumapit siya kay Jerome, at yinakap ito?

'Jerome? Tama ako diba?'
Sabi niya kay Jerome habang yakap yakap niya pa ito.

'Ano bang pinag sanabi mo? Oo ako to si Jerome.. Ngayon mo lang ba yan nalaman?'
Sabi ni Jerome sa kanya..
Parang naiinis na si Jerome sa inaasta ni Kit..

Kaya lumayo siya ng bahagya.

'Tama ako.. Malaki ka na din.. '
Sabi ulit ni Kit kay Jerome na paluha luha pa.

'Alam mo ba dating inaasar kita sa nakababata kong kapatid?'
Nakababatang kapatid?
Sino ba to?
Nalilito na ko..

Napahinto si Jerome at tumingin kay Kit..
'SINO KA BA?'
Napalakas yung boses ni Jerome..
Hayssst.. Ano bang nangyayari dito..

'Ako to.. Di mo na ba natatandaan? Yung boyfriend ng ate Cindy mo'
Sabi nito at mukang na beast mode na talaga si Jerome.

Lumapit siya dito at sinapak si Kit sa muka..

Ang pagkakaalam ko kasi.. May ate si Jerome at Cindy rin yung pangalan.. Kaya parang napatanong ako kanina sa kanya..

'Tarantado ka ba? Gag* ka pala eh..' Sinapak niya ulit si Kit.

Pinigilan na namin siya..
At napalayo na siya rito..
Galit na galit na si Jerome nung panahong yun.

Lumapit ulit si Kit sa kanya.
'Jerome ako to.. Si ku----'

Di na siya pinatapos ni Jerome at sinapak ulit ito..

Pumigil si Laurence kaya siya yung nasapak ni Jerome ,

Napaupo si Laurence at mukang malakas yung pagka sapak ni Jerome.

'Tumigil na kayo..!!'
Pag kasabi nun ni Laurence lumapit sa kanya si Kit at sinapak rin nito..
Sinapak sapak niya to.
Pinigilan na namin siya.
Di na namin kinakaya yung mga nangyayare..

Hanggang sa hindi na siya sinasapak ni Kit.
Lumayo siya at pumuntang gilid ng classroom na to.

Umiyak siya dun sa sobrang sakit na inabot niya.
Kahit ako eh.. Iiyak talaga ako.. Di na ko nakalaban eh..

Bumalik yung atensyon namin kay Jerome..
Tilay galit na galit parin ito kay Kit.

'Wala kang karapatang saktan ang mga tao dito.. Kung
sino ka man.. Di kita kilala.'

Sabi ni Jerome at umupo sa gilid at yumuko..

So ? parang alam ko na yung nangyayari? Di ba si Kit yung kanina? Di kaya'y sinapian lang sya?

'Pero  , Jerome'
Sumugod ulit si Jerome kay Kit at sinapak ito ng buong pwersa.
Kaya napabulagta si Kit sa lapag..

Di na namin siya pinigilan.
Parang alam ko na yung nanyayari.. Hinayaan nalang namin si Kit na nakahiga..

End of Flashback*

At ayun na nga yung nangyari..
Bigla nalang kasing pumasok sila Aira dito.
Kaya dinala na nila sa Clinic.. Sana di nalang nila dinala eh..
Hayaan nalang magising at mag tatanong kami kung sino ba siya.
Pero mukang wala na yung naging kasuntukan ni Jerome.

Sino kaya yun? Di ko naman kasi kilala yun eh..
Para kasing Kaluluwa na sumanib kay Kit?

Dati di ako naniniwala sa sanib. Pero ngayon parang naniniwala na ko.

Narinig kong parang umiiyak si Jerome..

Jerome P.O.V
Di ko mapigilang di umiyak..
Naiiyak talaga ako kanina..
Sa mga sinabi nung kung sino mang sumanib kay Kit..
Parang nag flashback sakin lahat ng mga nangyare noong elementary ako..

Yung Cindy? Ate ko yun..
.....
...
...
....
A/N: Antagal ko na mag update no? Busy na kasi eh.
Next page

Death ClassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon