Entry54*Black Book

3.4K 120 15
                                    

Lloyd P.o.v

'Siguro, di na natin kailangan pumuntang Library..'
Sabi ko sa kanila at ipinakita yung Black book na hawak ko.
Nakita ko to sa may ilalim ng table habang kinakalkal ko ito..

'Ano yan?'
tanong sakin ni Jerome..
Pumunta muna kaming clinic upang dun mag usap usap.
Nang makapasok kami ng clinic malinis at maayos ang loob nito..
Di na namin yun masyado pinansin at umupo ako sa may sofa..

Sila din ay umupo, Bali nakapaikot na kami ngayon.

Ilinagay ko yung Black book sa gitna at binuksan iyon.
Nang mabuksan iyon parang may naramdaman akong kakaiba.. Hindi ordinaryo..
Tinignan namin ang mga nakasulat at naka drawing dito..

Sa unang pahina merong sulat na hindi ko maintindihan. Di ko alam kung naiintindihan ba nila. Tapos merong lalaking may sungay sa tabi nito.. Meron ring parang patak ng dugo..

'Alam ko kung pano basahin yan ah..'
Nagulat ako ng biglang kinuha iyon ni Glazel at binasa..

'Dirinoka dsikiromi ios Dakopoa'
Basa nito..

'Anong ibig sabihin niyan?'
Tanong sa kanya ni Jennie..
Di ko alam kung bakit siya marunong magbasa ng ganyan.

'Ibig sabihin... Pag aalay para sa ispirito upang mabuhay muli'
Medyo nakakakilabot yung sinabi niya..
Tumingin siya saming lahat at muling inilapag sa gitna yung libro.

'Paano mo naiintindihan yan?'
Tanong ko sa kanya..
pati siguro sila ay ganun din yung gustong itanong.

'Lola ko kasi, tinuruan akong mag basa ng mga ganyan .. Pero di ko alam kung anong lingwahe yan'-Glazel

'Ang galing mo bessh'
Sabi ni Joshua at Jennie sa kanya.

'Mas mabuti ng basahin mo na saming lahat yan, habang nasa gitna natin..'
Sabi ko sa kanya..

Tinitigan niya muna si Jennie at nag 'kaya mo yan sign' si Jennie sa kanya.
Habang nasa gitna namin ang black book inilipat niya ang sumunod na pahina.

'Sirokomoyan lakashaba suramodokoami'
Basa niya ulit..
.....
....
...
..
Rain P.o.v

'Sirokomoyan lakashaba suramodokoami'
Basa ni Glazel sa black book na nasa gitna namin.

Grabe ang galing niyang basahin, diretsong diretso. Parang yun talaga yung lingwahe niya eh..

'Ano naman yung ibig sabihin nyan?'
Tanong ni Marvin sa kanya..

'Ang ibig sabihin , 26 na teenager kada taon ang kailangang iaalay.'

Huh? IaLay? Saan iaaalay?
Tinignan ko yung black book may taong naka pustura na nasa harap ng mga binata't dalaga..

'Ipag patuloy mo pa..'
Sabi sa kanya ni Lloyd.

'Sriguwokao slimadai druihasaiio fluanshyu'
Medyo nakakairita sa pandinig yung pagbasa niya.. Kasi may tono.

'Iaalay sa makapangyarihan na kayang ibalik ang buhay ng pumayapa na, ang 26 na tao.'
Tapos inilipat niya ang sumunod na pahina.

Walang nakasulat dito pero may drawing ng ?
Taong nakabitin sa loob ng Classroom.. Parang alam ko yung pang yayaring yan ahh..

Nung linipat niya ulit ang naka drawing naman doon ay taong nasa loob ng aquarium at kinakagat ng mga isdang malalaki ang pangil. Parang pirana.

Oo nga, ito yung mga klasi ng pagpatay sa mga kaklasi namin.
Kailangan ba talagang ganyan ang klasing pag alay.??
pinapahirapan muna bago patayin..??

Binuksan niya ang lahat ng pahina.. at lahat ng yun ay kagaya kung pano patayin ang mga kaklasi namin. At meron ding iba na hindi pa nagagawa dahil wala pa namang nahuhuli saamin.. Nakita ko rin yung ibang, pinatay ng di namin alam kagaya nila Sheng, Jessica at gerazon.. nasa libro din kung pano sila namatay .

Hindi ko akalain na kinain si Jessica ng malaking aso sa labas ng Campus nato.. Dahil ayun ang na kadrawing dito..
Ibig sabihin na planado talaga to ng killer at parang may tumutulong pa sa kanya.

Sa pinakahuli ng mga drawing kung saan ay yung pinakahuling natira ay ihuhulog sa building habang mga mga nakatayong kutsilyo sa mga baba.

Nang matapos yun, Inilipat niya na yung pahina at hindi na yun drawin .. Mahabang nakasulat na..

'Shemayatidmoto Jabduiwmao sho sjiospat Jodakdgaydop duyikopiwh frishin romoeji kyuqyoi lisvishiey drakorishiba'

Syempre, tameme kaming lahat .
Di namin siya na intindihan, dahil sa tingin palang namin alam niya na yung ibig sabihin nito.

'Eto.. Kailangan daw lahat ng yan ay kailangang magawa pero gagawin ito ng limang taon.. Kada taon ay 26 na kaluluwa ang kailangang matanggap ng Makapangyarihan'
Sabi niya..

'Pano mo ba yan naiintidihan?'
Tanong ulit sa kanya ni Arth..
Parang kanina sinagot niya na yan ng tinanong siya ni Lloyd.
Ang kulit si nakikinig ng mabuti.

'Yung Lola ko nga kasi,, tinuruan akong magbasa ng ganyan.'
Sagot niya at kumamot ng ulo .
mukang naiinis na siya sa kakatanong.

'Ano ba lola mo?'
Tanong ulit nito..
Ang kulit niya, masyado siyang matanong.

'Malang tao!'
at mukang naiinis na talaga siya.

'Hindi.. ibig kong sabihin.. Anong trabaho..'.
Ano bang gusto niyang malaman.

'Ay.. naku..! Di ko alam kung albularyo o mang babarang  '
Sabi nito..

Ahh.. Kaya pala alam niya yung mga ganito..

'Eh, bat ka tinuruan?' -Arth.
Ay .. hihirit pa ng tanong, katabi ko pa naman din.

'Wala.. Gusto ko lang mag paturo.'
Sagot nito.. Parang nawawala na yung pag init ng ulo nito.

'Ehh,, Al------------'

Bago pa siya mag tanong ulit. Tinakpan ko na yung bibig niya ang kulit niya talaga eh..

'An------'
Pinipilit niya pang mag salita ahh. Kala niya kaya niya ko..

'Sigi.. Wag mo na siyang intindihin'
Sabi ko kay Glazel..

'Pag papatuloy ko na ba?'
Tanong niya ..

'Oo.'
Sabay sabay naming sagot..
Inilipat niya ulit ang pahina at ngayon naman ay ....

'Ayan ba yung pader kung nasan yung mga pangalan natin?'
Tanong ni Jennie ng may nakita kaming naka drawing na pader at kung saan nakalagay yung pangalan namin at sa baba nun ay harap ng mga bangkay ng namatay naming mga kaklase.

'Oo nga.. Parang ayan nga..'
Sabi naman ni Lloyd.

Hawak ko parin yung bibig ni Arth. Mamaya Baka mag tanong na naman to ng mag tanong . Abnormal pa naman to..

Inilipat ulit ni Glazel ang pahina at may nakita na naman kaming drawing ng mga taong kumakin sa Cafeteria..
Pag kalipat ulit niya.. Halos masuka ako sa nakita ko.
Pero bago pa ko masuka inunahan na ko ni Christian sa labas at nag susuka doon..

Kasi may nakita kami sa kusina.  Kung pano lutuin ang mga kinakain namin sa Cafeteria.
At...... Tao ang kinakain namin??
Bangkay ng mga kaklasi naming namatay na.. ? Ayun kasi ang naka drawing sa libro.
Pero di kami sure..

'Mabuti nang alamin natin kung dun ba talaga galing yung mga kinakain natin'
Sabi ni Lloyd habang sinara ang libro at kinuha ..

Tumayo siya..

'Tara.. tignan natin..'
Sabi ni Lloyd at dumiretso na sa labas ng pinto..
Sinundan lang namin siya,
Binitawan ko narin yung bibig ni Arth kasi wala na yatang siyang balak mag tanong.

......
.....
....
...
..
.
A/n: Kapag medyo nalilito po kayo, Pwede po kayong mag tanong sakin :)
Yun lang.. .
Next Page...

Death ClassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon