Entry40*I Love You

4.2K 115 12
                                    

Aira P.o.v

Bat kaya ang tagal ni Jessica?
Ano na kayang nang yari sa kanya.?

Kanina pa kami nag aantay sa kanya dito sa tapat ng gate.
Mag tatanghali na pero wala parin siya. Sana naman okay lang siya.

'Ang tagal ni Jessica, di kaya may nangyari na sa kanyang masama?'
Sabi ni Maika habang palakad lakad at pabalik balik.

'Wag kang mag salita ng ganyan .. okay lang siya.'
Sabi ko sa kanya..
Naiiyak na ko peste.

Natatakot ako na baka may nangyari nga sa kanyang masama. Ang tagal niya..

'Guy's mukang nabigo na naman tayo sa planong to.'
Malungkot na sabi ni Lloyd.

Nabigo ? Bakit? Anong natuklasan nila sa labas? May nakita ba sila?

'Pano niyo nalaman na nabigo na tayo? Onting hintay pa.!'
Sabi ko sa kanila.

'Pumunta kaming pinaka tuktok ng Building dito.. pero sadyang mataas ang mga pader. Di ko rin ma wari kung pano siya nakababa dun. Bigla nalang siya tumalon sa kabilang pader ng iaabot ko pa sana sa kanya yung lubid.'
Sabi ni Lloyd.

Naiiyak ako.. Grabeeeee!
Close cousin ko si Jessica .
Di ko alam ang sasabihin ko kay tita kapag nalaman niya to.
Kung malalaman pa.

Tumingin sakin sila Marvin at Maika na may malungkot na muka...

'Sorry .. pero mukang wala na yata siya.'
Sabi sakin ni Maika at yinakap ako.

'Yata ... Not sure so? Pwede pa tayong mag hintay dito'
Sabi ko sa kanila at lumapit sa may gate.

Nag hahanap ako ng butas para makatingin sa labas pero wala akong makita.
Nakakainisss!!
......
.....
....
...
..
.
Third Person:
Malungkot na nag tungo ang mga mag kakaklase sa may cafeteria habang sila Maika,Marvin at Aira ay naiwan sa tapat ng Gate.

Siguro ay nawalan na sila ng pag asang makalabas sa campus.

'Sorry.. Nabigo kita, gusto na sana kita ilabas dito'
Sabi ni Lloyd kay Allysa na tila'y malungkot din sa hindi pa pag dating ni Jessica.

'Nakakalungkot'
Tangi nitong sinabi kay Lloyd.

Habang nag lalakad sila may napansin si Lloyd sa bandang gilid ng Gym.

May nakita siyang batang nag lalaro ng Bola.
Pumunta siya dun sa may bata na nakatalikod. Sinundan lang siya ni Allysa,

'Lloyd.. bakit ka pumunta dito?'
Tanong ni Allysa sa kanya.

'Hala? Asan na yun?'
Sabi ni Lloyd at linilingo lingon ang paligid.

'Bakit? Sino ba yung hinahanap mo?'
Tanong ulit ni Allysa sa kanya.

'Ahh.. Wala tara na.'
Sabi ni Lloyd sa kanya at inakbayan patungo sa Cafeteria.
Muli siyang lumingon upang makita kung nandon pa ba yung bata pero wala na siyang makita.
Sigurado itong nakita niya talaga yung bata.

Nang mag tungo na sila sa may cafeteria, nag sandok na sila at kumain.
Ganon din  yung ginawa ng ibang nasa Cafeteria.

Samantala.....

'Aira tara na  . Hapon na oh. Wala pa tayong kinakain o kahit manlang iniinom'
Sabi sa ni Maika kay Aira.

Di pa nawawalan ng pag asa si Aira , pero napag isip isip niya na saglit lang siyang kakain at babalik ulit sa tapat ng gate kaya sumunod ito kila Maika.
Kahit na malungkot ito..

Pag katapos nilang kumain pumunta ulit silang tatlo sa tapat ng Gate.

Pero di parin na dating si Jessica.
.....
....
...
..
.
Bobby P.o.v

'Mahal na mahal kita'

Sabi niya sakin...
Bat ganun? Ano tong nararamdaman ko?

Kakaiba? Di parin humihinto yung agos ng luha ko. At hawak hawak ko lang yung braso kong nakatingin sa kanya..

'Sorry bhabe kung nagawa ko sayo yan.. remembrance yan. '
Sabi niya ulit sabay ngiti..
Pero yung mga luha niya'y di parin humihinto.

Nakatitig lang ako sa kanya..
Kitang kita ko ang sunod niyang ginawa.

Kinuha niya na yung kutsilyong kanina'y hawak niya at tumingin sakin..
Lumapit siya at binigyan ako ng halik., habang ako'y nakatulala parin sa kanya.

Lumayo ulit siya at .....

Sinagad niya sa kanyang dibdib ang kutsilyong kinuha niya..
Di ko na kaya .
Bat niya ginawa yun?
Anong nang yare?

.....

'BHABE!!*sniff' sigaw
Panaginip? Napatanong ako sa sarili ko.

Asan ako? Bat ako nakatali dito sa may kama?
Bat andami kong dugo sa katawan?

Napatingin ako sa braso ko.
Bat masakit yung braso ko?
Di kaya ? Totoo yung mga nangyare?

Napaluha ako..
Hindi!! Hindi totoo ang mga nangyare..
Andito pa si Bhabe.

'Bhabe!, tulungan mo ko nakatali ako'
Sigaw ko ulit dito sa loob ng clinic.
ako lang mag isa dito,
Ang sakit ng buong katawan ko.

Alam kong panaginip lang ang lahat na nangyare.
walang katotohanan yun, siguro nadisgrasya lang ako kaya ako may sugat sa braso..
Pero bakit ang daming dugo sa katawan ko?

Andaming pumapasok na tanong sa isip ko..
Bat ako nakatali? Sino nag tali sakin.
Kahit ayoko lumuha, may likido talagang tumutulo sa muka ko.
Di yon totoo..

Napatingin ako sa pinto ng may nag bukas nito..
Nakita ko si January na papalapit sa akin .
Sabi ko na nga ba, hindi totoo ang mga nang yari.

Nakahinga ako ng maluwag,
Lumapit siya sakin at nakangiting hinagod ang buhok ko.
Nakaupo ako ngayon kahit na nakatali ang paa at kamay ko.

'Bhabe, bakit ako nakatali dito.?'
Tanong ko kay January na nakatitig lang saking mga muka.

'Ano bang nangyari sa muka mo?'
Sabi niya sakin at pinunasan yung muka ko pag katingin ko sa kamay na pinang punas niya.
May mga dugo ito.
Pati muka ko may dugo?

Pag katingin ko sa kanya nakita ko siyang umiiyak habang pinupunasan yung muka ko.

'Bhabe, bat ka naiyak?'
Shitss. Napapaiyak din tuloy ako lalo.

'Bhabe, sorry sa ginawa ko sa Braso mo Huh??'
Sabi niya sakin at hinawakan yung braso ko.
Nakatitig lang ako sa kanya at di ko maipaliwanag kung bakit may tumutulo paring luha sa muka ko.

'Ano bang sinasabi mo? Bat ka nag sosorry? Wala ka namang ginawa'
Sabi ko sa kanya..
Di ko mahawakan yung muka niya gawa ngang may tali ako sa kamay.

'Bhabe, tandaan mo na mahal na mahal kita ah.'
Sabi niya ulit at tinignan ang muka ko.

'Alam ko yan. Bat mo ba sakin sinasabi yan? Tulungan mo muna ako tanggalin tong taling to.'
Sabi ko sa kanya at tumingin ako sa dalawa kong kamay na nakatali .

Pero laking gulat ko ng pag kaharap ko ...
Wala na siya...
Nasan na siya??

'Bhabe?'
Sigaw ko sa buong clinic.
Liningo lingon ko ang bawat paligid pero di ko siya makita.

'Bhabe, asan ka na?'
Di ko mapigilabg di humagulgol sa iyak..

Ano bang nangyayare sa paligid ko?
Bakit ganito yung nararamdaman ko?
Bakit ako nakatali?
Bakit biglang nawala sa harap ko si January?
Bakit ako lang mag isa rito?
Bakit ang dami kong dugo sa katawan?

Di ko alam kung sino ba yung sasagot sa lahat ng mga tanong ko.
di ko alam kung ano nang gagawin ko.
Sa loob ng clinic ako lang mag isa at nag iisang umiiyak ng walang kasama..
......
.....
....
...
..
.
A/n: Naiiyak parin ako sa kanila.. Haystt pag ibig nga naman.. Kayang mag sakripisyo ang isa para sa ikabubuti ng isa niyang minamahal.. Pero tandaan niyo reader's 'Walang Forever'.

Next page :*

Death ClassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon