I.

11 3 0
                                    

She's always there by my side.
Kahit sabihin kong lumayo sya, Hindi nya yun gagawin na para bang Wala syang narinig. Na para bang ipinamumukha nya saking nakikipagusap ako sa hangin. At mas lalo nyang ipinamumukhang hinding hindi nya yun gagawin ano mang pilit ko at pakiusap ko.

Pero alam mo kung anong nararamdaman at pumapasok sa kokote ko kapag kasama ko siya?
Nakakasawa syang kasama.

At sigurado akong wala ata sa Vocabulary nya ang salitang space o gustong mapag isa.

Kapag kasama ko sya, pakiramdam ko.
Gusto ko nalang mapagisa. Gusto ko nang mawala sa lugar na tinatayuan ko. Minsan nga gusto kong magteleport sa ibang planeta e. Kung pwede lang.

At kung dumikit sya saken akala mo kami.

KAMI.
PERO WALANG KAMI.

At kahit kelan. Hindi mangyayare yung bagay na yan.
Impossible.

Lagi na lang syang nakadikit saken. Parang itinali ko sya saken na para bang mag asawa na kami. Kaya alam mo kung anong palaging nangayayare?
Napagkakamalang kami kahit wala naman talagang kami.
Naiinis na ko.

Sa tuwing may Partner na Activity sa School, laging sya ang pinapair saken. Kahit hindi ko naman talaga gusto. Sapilitan, Maybe? For 6 years nangyari sakin. Six years nila akong ikinulong sa ganong klaseng sitwasyon.

Alam kong may gusto sya saken. Pilit kong iniisnob yun. Pero araw araw, gabi gabi nyang ipinamumukha sakin na gusto nya ako. Pero ako ni isang Percent ng puso ko, siguradong sigurado akong wala akong nararamdaman para sa kanya.

Buti sana kung my advantage naman kahit isa yung pagkakagusto nya sakin e. Pero wala, ni isa wala. At sigurado din akong pag yung Disadvantages yung titignan mo para sakin. Tiyak akong tambak yan.

Isa sa mga problema ko yung palaagi nalang akong inaasar sakanya. Kahit wala naman akong gusto sakanya. Ipinagpipilitan nila akong magkagusto sakanya. Pati ata magulang ko balak kaming i-fixed marrige e.
Para saan? Bakit hindi nalang sila yung magpakasal sa kaniya?

Minsan nga kapag nakikita ko yung babaeng gusto ko, gustong gusto kong pansinin nya ako at mapansin man lang, parang hindi na mangyayari yun. Tatlo o Dalawang beses ko palang yata siyang nakakausap e. Hindi man lang ako nakaka iscore dahil everytime na kakausapin ko yung crush ko, Bigla bigla nalang syang sisingit at kung ano ano ang sasabihing non sense.

I hate her. I swear.

Ayaw nya talaga akong tantanan. Pati sa ranking, Top 2 ako tapos Top 3 naman sya. Kaya ang resulta ng lahat sa mga Contests, Lagi nalang kami ang inilalaban.

Minsan nga sinubukan kong manligaw sa babaeng gusto ko. I did that for 5 months!
At sa hindi ko inaasahan, Dumating din yung araw na sasagutin na nya na rin ako.

Pero Unbelievable! Bigla nalang may dadating na Yaya nya at sasabihing she almost tried to kill herself because of me! Can you believe that?!

Nawala na yung chance kong maging Girlfriend ang babaeng gusto ko. Sino bang matutuwang layasan ng lalaki para lang sa babaeng walang halaga sa kanya?! Ni hindi man lang ako nakapag paalam sakanya kasi hinila na ako kaagad ng Yaya nya.

Nakita namin sya na nagkulong sa kwarto nya. She tried to cut her wrists. Hindi ko nga alam na alam nya na may nililigawan ako e. Di na rin pala ako magtataka na nalaman nya. Hmmp.

Alam mo ba yung nasa isip ko nung sinusubukan nyang maglaslas?

'Antagal naman, bakit hindi mo pa ituloy para mawala ka na sa buhay kong bwiset ka.'

Pero wala akong nagawa pinilit nilaakong pigilin sya dahil alam nilang ako lang ang makakapigili sakanya.

Kinausap ko sya at sinabi sakanya ng harap harapang wala syang pag asa sakin. Na kahit kelan di ko ya magugustuhan.

Itinigil nya yung balak nyang magpakamatay pero yung panggugulo sakin?

Pero, Still. Hindi parin sya tumigil. What a crap.

NapakaSelfish nya. Siguro kasi iniisip nya na pagmamay ari nya ako. Na sakanya lang den umiikot yung mundo ko.

Gustong Gusto ko syang itaboy or what pero, nakakahiyang ipahiya ko sya sa harap ng maraming tao.

But when she push me already into my limits, sigurado akong di nya magugustuhan yung gagawin ko sakanya.

The Man Who Can't Be MovedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon