Gabi palang ay inayos ko na ang mga damit at iba't ibang gamit na dadalhin ko bukas para sa flight ko papuntang Los Angeles.
Buong gabi ko pang iniisip ang sasabihin ko sakanya kapag nakita ko syang muli. Iniimagine ko na rin kung ano ang reaksyon nya sa muling pagkikita naming dalawa. Alam kong medyo kinakabahan ako pero, di bale na basta makita ko sya.
Kinabukasan, maaga akong gumising. Kahit medyo puyat ako kagabi kakaisip. Di ko rin maiwasang ngumiti pero di ko rin alam masyado ata akong masayang makita sya. Siguro nga Excited na talaga akong makita syang muli.
Alas Dos pa ng hapon ang Flight ko pero Alas Quatro palang ng madaling araw ay gising na ko.
Di ko rin kasalanan kung ganoong oras ako nagising.Marami rami rin akong nakain lunch para mamaya sa flight ay hindi ako kain ng kain gagamitin ko nalang yung oras sa pagtulog.
Maaga akong natapos sa pagaayos. Dinala ko na yung necklace na dapat sana ay ibibigay ko dun sa ex kong g*go.
Sumakay ako ng Taxi at dumiretso na ako papunta sa Airport. Halos di rin ko natulog buong flight. Malamang ay iniisip ko kung ano ang sasabihin ko sa una naming pagkikita.
Pero di rin ako nakatiis dahil maaga akong nagising kaninang umaga ay nakatulog naman ako kahit 2 hours lang sa buong Flight.
Nandito na kami sa Los Angeles. Unang pagtapak ko palang ay naramdaman ko na ang ihip ng hangin.
Nandito na ako. Pero nagtatalo pa din ang isip ko kung makikipagkita ba ako sakanya o hindi. Makikita ko na sya pero medyo kinakabahan ako. Namiss ko naman sya e. Sobra Sobra.
Kamusta na kaya sya?
Magaling na kaya yung sakit nya?
Mahal nya pa rin kaya ako?Nagcheck in ako sa isang hotel sa L.A. Nagonline ako para tignan kung saan sya nakatira. At di akong nagkakamaling ito yun.
Nasa labas sya ng bahay nila, nilalaro yung kapatid nyang lalaki. Ang ganda nya. Namiss ko yung ngiti nya.
Nagulat ako nung tumingin sya sakin. Pero inalis nya ulit yung tingin nya na para bang di nya ako kilala.
Pero yung kapatid nya, nakilala ako. Tinawag nya yung Mama nya.
Lumabas yung Mama nila at sinabing,
"Pumasok ka."
Sinabi ko lang na gusto kong malaman kung anong nangyari sakanya this past 2 years.
Nanlaki yung mata ko sa sinabi ng Mama nya.
Ayaw niya na umalis ng Pinas. Pinilit lang talaga sya ng Mama nya na pumuntang States para magpagamot. Ooperahan sya sa Puso.
Pero sa araw ng Operasyon nya, nagset sya ng flight para balikan ako. Tumakas sya noong araw na yun. Nagdrive sya kahit di naman sya marunong hanggang sa Bumunggo sya sa isang poste habang nasa daan.
Nandito kami sa sala ng bahay nila. Tumitingin sya sakin napara bang inaalala nya yung muka ko.
At dun sa aksidenteng yun, nagkaroon sya ng Temporary Amnesia. Na pwede paring ibalik. Kaya kailangan ng Mama nyang tulong ko para maibalik yung mga alaala nya.
Napagdesisyonan ng Mama nya na doon muna ako sa bahay nila magstay.
Nilapitan ko sya at sinabing.
"Maaalala mo rin ako."
BINABASA MO ANG
The Man Who Can't Be Moved
Teen Fiction•His Affection. •His Mistakes. •His Experiences •His Thoughts. •His Consequences. •His Love. •His Return.