II.

9 2 0
                                    

Sa hinaba ng panahon, may nakilala akong babae. Napakaganda. Napakabait. At di lang yon. Talented at Matalino pa. Perpekto na yata.

Di nagtagal ay nahulog ako sa kanya. Nahulog ako sakanya ng sobrang lalim. Kung saan, Loving her more is the only reason to be safe. Naisip ko na sya na yung babaing itinadhana para sakin.

Niligawan ko sya, Di sya hard to get at di rin sya Easy to Get. Simple lang sya. Walang Arte sa katawan. Niligawan ko sya halos araw araw. Sa personal sa bahay nila. Hanggang sa text, tawag at chat. Di rin nagtagal nagkagusto sya sakin.

Dumating rin yung pinakamasayang parte at araw ng buhay ko kung saan sinagot nya na ako. At yung ang tinuturing kong pinakamasayang araw ng buhay ko.

At sa awa ng Diyos ay nagkaroon na ako ng sarili kong Girl Friend. Girlfriend na saakin. Girlfriend na mahal ko at mahal ako. Totoong Girlfriend na gusto ko.

Dumating na rin yung pinakainiintay kong regalo na gustong gusto kong matanggap noon pa. Ang magkaroon na din ako ng sariling space at sariling desisyon para maging masaya kahit minsan kasama ang babaeng mahal ko at mahal ako.

Pero, Yung relationship na meron kami nung babaeng gusto ko ay sekreto lang. Maganda na yung umiiwas sa karma. Para tuloy tuloy lang ang saya ko. Ayokong malaman nya yun. Kasi sigurado akong gagawa at gagawa parin sya ng paraan para masira yung relasyon namin.
Ang relasyong pinagsikapan kong buuin gamit ang sikap at tiyaga.

Pero di pala talaga nagtatagal ang swerte. Lahat panandalian lang. kamalas malasan ko naman talaga noh? Kasi nalaman nya.
Di ba ako nagiingat? Masyado ba akong Careless para malaman nya? Kaya nung nalaman nya, Wala na akong nagawa.

Isang araw, balak nang makipaghiwalay sakin nung Girlfriend ko habang umiiyak. Sinabi nyang mahal nya pa din ako pero may nagtutulak lang talaga sakanyang gawin yun.

Ang konsensya nya.

Inamin na rin sa akin nung Girlfriend ko na kinausap sya nung babaeng yun para nagmakaawa at makiusap sa harap ng napakaraming tao na layuan ako.

Hindi ko kasalanang masyado syang mabait. Dahil isa yun sa mga dahilan kung bakut ko sya minahal. Kaya wala syang nagawa kung hindi gawin yun. Humingi sya ng tawad sa akin. Ng sobrang daming tawad.

Pero hindi na ko nakapagtimpi.
Okay na yung dati e kasi natitiis ko pa. Bata pa kami nun kaya naiisip kong gusto nya lang ako.
Tao rin ako na hindi na kayang makapagpigil ng sarili.

Dati natitiis ko pa yung mga ginagawa nya saken. Pero ngayon, kung kelan masaya na ako, Saka nya pa hahadlangan. Kung gusto nya ako, hindi ba dapat masaya rin sya kung saan din ako masaya? Nakakainis. Sobrang nakakainis.

Sinugod ko na sya kaagad sa Classroom, at kinausap. Hindi ko lang sya kinausap dahil ang goal ko dito ay mapasuko sya sa kung ano mang kahibangan yang nasa isip nya, isinigaw ko yun sa buong classroom para mas dama nya pa lalo diba? Sinabi ko sakanya, sa harap nya, sa harap ng mga kaklase ko, kasi para kung sakaling makalimutan man nya ay may magsasabi sakanya.

"Ito ang tatandaan mo, Itaga mo sa bato na kahit kelan at kahit anong gawin mong pagmamakaawa sakin at pagpapakita saakin na gusto o mahal mo man ako, HINDING HINDI KITA MAGUGUSTUHAN."

Kahit umiyak o lumuhod pa sya sa harapan koo sa harap naming lahat, Sa harapan ng marami naming mga kaklase wala na akong pakialam.

"At sa panahong galawin mo pa ang babaing mahal ko, Sigurado sigurado akong hindi mo magugustuhan ang gagawin ko kahit babae ka pa."

Iniwan ko sya na humahagulgol.
Hanggang sa nakarinig ako ng tilian. Nahimatay sya. Pero hindi ako nagdalawang isip na balikan sya.

Nabalitaan ko nalang na may sakit pala sya sa puso. Kaya bawal sakanya ang Strong Emotions. Kinausap ako ng mga magulang nya pero ayoko talaga.

Ayaw ko.

Di nagtagal ay dinala na sya sa ibang bansa para mas mabilis nang magamot yung sakit nya.

The Man Who Can't Be MovedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon