Page 8

58 4 1
                                    

Czarina's POV:

Sunday ngayon, kakauwi ko lang galing sa simbahan kasama sina Claudine, at Yoyo. Wala kasing training basta sunday.

Nandito na ako sa apartment namin, tinutulongan ako ni Claudine maghanap ng masusuot ko para sa date namin mamaya ni Yoyo.

"Sayang talaga kanina, besh. Hindi nakasama si Jinan sa simba natin. Hay nako!" Sabi ni Claudine.

"Oo nga eh. Binisita pa daw kasi niya yung pamilya niya. Hayaan mo, besh. Next time baka makasama na siya." 

"Kailan pa kaya mangyayari yun? Mashakeeet besh, mashakeeet! I cry na talaga." 

"Naku, ang drama mo naman! Tulongan mo na nga lang ako dito, maghanap na tayo ng masusuot ko mamaya." 

"Oo nga pala. OMG, besh! I can't believe na mangyayari na talaga ang 1st date niyo ni Yoyo. Dati, ini-imagine lang natin to eh. Tapos ngayon? I can't believe that it's finally happening!" 

"Oo nga besh eh. Kaya nga dapat, maganda ako mamaya kasi 1st date to noh!" 

Kaya naghanap na kami ng masusuot ko pero wala talaga akong magustohan. Konti lang kasi yung mga damit na meron ako.

Bigla namang nag phone call si Yoyo sa akin.

*PHONE CALL*

"Hello, Yoyo?" 

"Hello, Czarina." 

"Oh, bat napatawag ka?" 

"Lumabas ka muna sa apartment niyo. May nilagay ako sa may pintuan niyo." Utos ni Yoyo.

Lumabas ako at may nakita akong isang malaking box.

"May nakita ka bang box?" 

"Oo, ano ba to?" 

"Basta, kunin mo yung box, at buksan mo. Okay? Sige, see you later. I'll pick you up, 8pm."

Nag call end naman siya agad.

Pag bukas ko ng box, may magandang dress. May isang maliit din na box na may set of jewelry.

May note din na may nakasulat na "I hope you'll like this. Wear this for our dinner later. I'm sure you'll look more beautiful."

Sobrang nakaka speechless, napa smile nalang talaga ako.

"Oy grabeee, besh! Ang sweet ni Yoyo! Yieee! Alam ko kinikilig ka! Sige, dali na. Maligo ka ulit para masuot mo na yan. Baka ma late ka pa eh. Dali! Para maayusan na din kita." 

Pagkatapos kong maligo, sinuot ko lahat ng bigay ng Yoyo sa akin.

Inaayosan na ako ni Claudine ngayon.

"Lalagyan kita ng konting concealer, besh ha?" 

"Ha? Kailangan pa ba talaga yan? Di ba pwedeng face powder lang? Besh, alam mo naman na I don't wear too much make up." 

"Ang arte mo! Konti nga lang eh. Para naman ma tabunan ng konti yung eyebags mo oh. Tsaka para hindi ka oily tingnan. Sige na, konti lang talaga. Promise!" 

"Konti lang ha? Pag ako nagmukhang ensaymada! Patay ka talaga saken!" 

"Para namang wala kang tiwala saken! Nakalimutan mo yatang ako nag me'make-up sa mga candidates pag may pagaent sa school natin dati." 

"Oo nga pala. Basta konti lang ha!" 

Pagkatapos niya akong ayusan, may kotse na sa tapat ng apartment namin.

Si Yoyo na nga talaga, nag knock siya sa pintuan namin.

Bubuksan na sana ni Claudine ang pintuan pero sabi ko ako nalang.

"Ako nalang magbubukas besh." 

Pag bukas ko...

Sheeemay!

OHMAYGHAAAAAAD!

Ang gwapo ni Yoyo! Parang fairytale lang.

Totoo na ba to? Sana naman hindi to panaginip lang!

Hindi ko alam pero pareho kaming natulala sa isa't isa.

"Huy, magsalita naman kayo! Ano to, mag tititigan nalang kayo? Edi kung ganun pala, huwag na kayo mag date. Mag staring game nalang tayo! Hahaha!" Ang epal lang talaga nitong bestfriend ko.

"Wow... You're... just... so beautiful." 

"Ah... uum... thanks."

"Oh, diba? Sabi ko sayo besh eh! Ang galing ko talaga!"Ang ingay nitong babaeng to! Hahaha!

"and... thanks din pala dito sa binigay mo." 

I think I'm blushing at hindi ako makatingin ng deretso sa mga mata niya kasi wagas siya kung makatitig eh.

"Uum. No problem. Nag patulong nga lang ako sa stylist ko para mamili niyan. Hindi kasi ako marunong eh." 

"Okay lang yun." 

"Ah... eh... so, let's go na?" 

"Oh, sige. Besh, punta na kami ah?" 

"Oh sige, enjoy!" 

The Kpop Idol is inlove with meWhere stories live. Discover now