(N/A: Oh, mag iinsert muna ako ng Jinan and Claudine moments ha? May mga nag request eh. Hahaha!)
Claudine's POV:
Nandito nanaman ako sa isang coffee shop malapit sa apartment namin.
Mahilig po kasi talaga ako sa kape. Baka kasi nagtataka kayo bakit palagi akong nasa coffee shop. Hahaha.
Nag mumuni-muni lang naman ako dito, wala naman kasi akong kasama sa apartment kasi may date si Czarina at si Yoyo.
Nakakainggit talaga sila. Paano kaya noh kung kami naman ni Jinan yung mag de-date? Baka himatayin lang ako sa sobrang kilig nun.
Haaay nako! Hanggang imagination nalang ba ako? Jinan naman oh!
Cute naman ako, diba? Sabi naman nila na maganda naman daw ako, talented naman daw ako, matalino naman daw ako.
How much aegyo do I need for you to love me back?
Psssh! Ano ba tong pinag iisip ko!
Habang nag iisip ako at nag mumuni-muni, biglang may lalakeng umupo sa harapan ko.
"Hi. Claudine, right? So, you're alone?"
Pagtingin ko...
Si...
Jinan...
Si Jinan!?
OMG! Si Jinan nga!
Diyos ko po! Totoo ba to? Or imagination ko nanaman?
"Hey, are you okay?"
"Ayy... ehh... Hi Jinan! Yes, Claudine... Uum... Yes, I'm alone... Umm... Oo, okay lang ako. Why are you here?" Jusko. Nauutal ako.
"Bakit? Bawal po ba? Hehehe. Kidding! I wanted to have a coffee kasi, eh ayaw naman nila akong samahan kaya ako nalang mag isa yung pumunta dito."
"Ahh. Ako lang din kasi mag isa sa apartment namin eh. May date kasi si Czarina at si Yoyo."
"Eh, ba't di ka din makipag date?"
"Gago ka pala eh. Ikaw lang naman hinihintay ko." Ay nadulas! buti nalang talaga mahina yung boses ko nung nasabi ko yun.
"Ha? Ano yun, Claudine?"
"Ah... eh... Wala. Hehehe." Nag smile nalang ako sa kanya.
"You look more cute when you smile."
"... Salamat. Kahit alam kong nambobola ka lang! Hahaha!" Nakatitig siya sa akin ngayon. hindi ko na alam anong gagawin ko.
"Uyy, hindi ah. Totoo nga." Kilig na kilig na ako. Maiihi na yata ako. Hahaha!
Nag usap lang kami at nag tawanan. Na share niya lahat about sa buhay niya, before siya naging trainee at ngayon na Kpop Idol na siya. Pati din ako, nag share ako tungkol sa buhay ko.
Hanggang sa hindi nalang namin namalayan na magsasara na yung coffee shop.
"Excuse me, Maam... and Sir Jinan Mag sasara na po kasi kami eh." Sabi nung crew.
"Ay, hala. Sorry, hindi ko man lang namalayan. Sige, Jinan. Uwi na ako, uwi ka na din. Gabing gabi na eh."
"Claudine. I'll take you home."
"No, Jinan. It's okay."
"Hindi. Ihahatid talaga kita. Dali na."
Hinawakan niya yung kamay ko at tumakbo papunta sa parking lot.
Hindi ako makapaniwala na nakausap ko na siya at nahawakan pa niya yung kamay ko. Isa lang talaga ang nasa isip ko kundi" Thankyou Lord!
Pagdating namin sa apartment, hinatid pa niya ako sa may gate.
"Thankyou sa pag hatid, Jinan ah?"
"No, ako ang dapat magpasalamat for spending your time with me. I really had fun talking to you."
"Okay lang yun."
"Thankyou talaga. Sana maulit pa. Sige Claudine, alis na ako."
"Sige, mag iingat ka."
Makakatulog pa ba ako nito?! Jusko. Hindi na ako makapag hintay, gusto ko ng i share kay Czarina yung nangyari kanina. OHMAYGHAD!!!
YOU ARE READING
The Kpop Idol is inlove with me
Romance(N/A: The cast is speaking in Korean Language but it's translated into Filipino and English so that everyone will understand. Kunwari lang! HAHAHAHAHA. Kasi baka nagtataka kayo bakit yung Koreans nagsasalita ng FIlipino and English. Lol!) "Normal...