SACRIFICE, eto yung salita na palagi nating ginagawa sa ating mga mahal sa buhay at kaibigan. Nagsisinungaling at nagpaparaya ka kahit mahirap para lang sa ikakabuti ng lahat. Lahat gagawin mo para sa kanila,magbabago ka para sa kanila. Minsan hindi mo nakikita na may masama ng naidudulot sayo ang pagsasakripisyo mo. Hindi natin naiisip at napapabayaan na natin yung mga sarili natin. Kala mo mapapansin ka,mamahalin ka o magugustuhan ka pero yun pala nagmumukha kalang tanga at umaasa ka lang na magkakagusto sayo yung taong gusto mo. Tulad ng mga bagay na ayaw mong gawin at di mo talaga ginagawa,ginagawa mo na sya para lang sa isang taong di ka naman kayang mahalin. Eto ba talaga ang magpapasaya satin? Bakit yung ibang mga babae nagsasakripisyo at nagbabago pa para lang mapansin sila ng taong gusto nila? Tulad ko. Ako nga pala si Yuri,isa akong simpleng babae na nangangarap na magkagusto rin sakin ang taong mahal ko at nagsasakripisyo ako at nagbabago para lang sa kanya...saklap no?. Ngayon subay bayan nyo ang kwento ko.
BINABASA MO ANG
Game Over
Любовные романыPara sa mga Umaasa,sawi,nangangarap at nag sasakripisyo sa ngalan ng pagibig. Sana makarelate kayo! Lalo na yung mga babaeng naging gamer dahil lang sa isang tao at pati rin yung mga nag paparaya at nag babago para lang sa taong mahahalaga at mahal...