Author's POV:
Si Yuri naghahangad na magustuhan din sya ng crush nya kaya ginagawa nya lahat para lang mapansin sya pero ginagawa nya to ng palihim. May dalawa syang kaibigan na sila Shane at Gail. Nung una crush ni Yuri yung crush ni shane kaya nung nag aminan na sila ng mga crush nila iba ang sinabi nyang crush kay shane pero inamin ni Yuri kay Gail kung sino yung totoo nyang gusto. Imbis na si Marco(yung kaibigan ni Kurt na crush ni Shane) yung sinabi nya ang sinabi nalang nya ay si Kurt kaya gumawa sya ng paraan para mas mapaniwala nya si Shane. Pero pano kung maging totoo na ang pagpapanggap nya?
Yuri's POV:
Nagsimula lahat sa isang joke. Habang nag chachat kami ng kaibigan kong si Gail naisipan kong mantrip sa classmate naming si Kurt dahil tutal kailangan kong mapaniwala si Shane na gusto ko talaga sya. Si Kurt ay isa sa sikat sa aming school kasi matalino,gwapo,kakaiba at kasama din sya sa isang sikat na groupo. Mas maraming gwapo sa kanya pero ang daming nagkakagusto sa kanya dahil sa kanyang pagkakaiba sa ibang lalaki.
Me: pagtripan ko kaya si Kurt?
Gail: anong gagawin mo?
Me: sabihin ko kayang may gusto ako sa kanya
Gail: sige,pero pano? Baka maniwala.
Me: ok lang yun gusto ko malaman kung ano magiging reaction nya...malay mo madevelop sya sakin hahaha
Gail: sige sige sabihin mo nalang kung anong pinagusapan nyo pagtapos.
Chinat ko na si Kurt...
Me: hello Kurt...may sasabihin ako sayo.
Kurt: yow ano yun?
Me: uhm...wag kang magugulat or magagalit?
Kurt: ge lang
Me: uhmmmm......ano kasi eh
Kurt: ano?
Me: uhmmmmm...kasi ano may...
Kurt: ano nga yun? Bilis sabihin mo na ako lang naman to nahihiya ka pa.
Me: di ka lalayo sakin?
Kurt: hindi bat naman ako lalayo sayo may sakit ka bang nakakahawa na nakakamatay? Wala naman diba.
Me: oo wala
Kurt: o yun naman pala sabihin mo na.
Me: uhm... Gusto kasi kita.
Kurt: sus yun lang pala.
Me: di ka galit or maawawkward sakin?
Kurt: hindi
Pagtapos ng paguusap namin agad kong kinausap si Gail ulit.
Me: hahaha naniwala ata talaga si kurt na gusto ko sya.(sabay send ng pictures ng mga pinagusapan namin)
Gail: hahaha oo nga no...pero kailan ka aamin na joke lang yun?
Me: di ko na sasabihin papabayaan ko nalang sya na isiping may gusto ako sa kanya baka madevelop pa edi astig yun.
Gail: hahaha sige sige pero satin satin lang dapat to.
Me: oo nga no baka gerahin pa ako ni Kate.
Gail: hahaha
Pagtapos nun iniisip ko kung anong gagawin ko at anong mangyayari bukas. Katabi ko pa naman si Kurt at sana di sya ma awkward.
Author's POV:
Kakaisip ni Yuri sa mga mangyayari kinabukasan sya'y nakatulog.
Ano nga bang mangyayari sa kila Kurt at Yuri?
Matatago ba ni Yuri hanggang huli na joke lang ang lahat ng sinabi nya kay Kurt? O magkakaroon ng pagbabago ang lahat?
Kung gusto nyong malaman yung mga sagot... Keep reading this story and vote for it.
Follow me here and in twitter @yanajadine for inspiration to update my stories.
Thank you!!! Keep reading!
BINABASA MO ANG
Game Over
RomansaPara sa mga Umaasa,sawi,nangangarap at nag sasakripisyo sa ngalan ng pagibig. Sana makarelate kayo! Lalo na yung mga babaeng naging gamer dahil lang sa isang tao at pati rin yung mga nag paparaya at nag babago para lang sa taong mahahalaga at mahal...
