Chapter 3

122 7 5
                                    

I DEDICATE THIS TO YOU!!!!!!

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Nie's P.O.V

CHAPTER 3

“Anak! Andyan na yung sasakyan! Kunin mo na mga gamit mo!” sigaw ni mama mula sa baba.

“Opo! Ito na po!” kinuha ko yung bag ko at bumaba na ako.

Excited na ako! Pero sana naman, iba na pakikitungo nila sa akin.

Nalagay na nina mama at daddy yung mga furniture na ililipat namin sa bagong bahay sa Moving In! na sasakyan.

“Kuya, ito na po yung gamit...” di ko na natuloy yung sasabihin ko kasi ang gwapo ni Kuya Tagabitbit! Hahahahahaha! Landi ko talaga.

“...ko.” tinapos ko tapos bigla siya ngumiti.

*0*

HEAVEEEEN!

“Osige ma at Nie. Sabay na ako sa sasakyang to ha.” Sabi ni daddy.

“Okay dad! Ingat ka!” sabi ni mama

“Ingat ka din po Kuya!” sabi ko dun sa kaninang nagbitbit ng bag ko. Hahahahahaha!

Umalis na yung sasakyan.

“Ikaw talaga anak ha!”

“Bakit maaa? Gwapo naman yun eh! Aminin mo ma!”

“oo na!”

“Ahahahahahahahahahahahaha! Manang-mana talaga ako sayo!”

“Asus! Sige na! Sakay na tayo sa sasakyan.” Sabi ni mama tapos sumakay na siya sa kotse namin. Bago ako sumakay din, tinignan ko muna bahay namin por da last taym.

“Ay nako anak! Iiwan kita!”

“Ayan na pooo!” sinabi ko tapos sumakay na ako.

***After 1 hour***

Andito na rin kami sa wakas! Nilabas ko yung ulo ko sa may bintana.

“Ma ma ma ma ma! Asan dito bahay natin?” tinanong ko kay mama

“Color blue at pink siya.”

“Weh? Cute combination naman. Hmm...ayun! Kaso parang ang liit masyado.” Sabi ko pero habang tinitignan ko, mas lumalayo kami.

“Wait ma! Diba yun yun? Bakit lumalayo tayo?”

“Di kasi yan. Harap ka kaya.”

Humarap naman ako at...woooooooooooooooooooooooooooooooooow! Ang  laki! Tapos ang cute pa ng design ng bahay namin. Pero di naman kami kapansin-pansin kasi, lahat ng mga bahay dito sa subdivision, ganto design. Iba lang color.

“Anong masasabi mo anak.” Sabi ni mama habang kinukuha yung gamit sa likod ng kotse namin. Si daddy naman, tinutulungan si Kuya Poging Tagabitbit na kunin mga gamit namin.

“Wow” sinabi ko habang palabas ng kotse.

“Hahaha! Osige na Nie. Tulungan mo kong kunin mga gamit dito.” Sinabi ni mama. Pumunta naman ako at kinuha yung ilang gamit.

Napasok na naming lahat yung mga gamit at furniture namin. Tinuro naman ni mama yung kwarto ko. Nilagay ko na yung mga damit ko sa cabinet na nandoon at yung iba ko pang gamit sa table. After kong mag-ayos, nag-ikot ako sa bagong bahay namin.

Meron lang naman 3 floors to. Apat na kwarto. Isa sa 1st floor at 3 sa 2nd floor. Sabi nina mama at daddy, gagawing walk-in closet yung isang kwarto. Oha! Sosyaaaal. Pero share-share na kami dun. Tapos yung isa, guest room. Tapos yung dalawa pa, akin at sa mga magulang ko na.

Nerd In Love ( On - Hold)Where stories live. Discover now