OKAY MAHIGIT 3 MONTHS AKONG HINDI NG UPDATE!! HEHE
DAHIL BIRTHDAY NG ASAW KO NA SI BYUN BAEKHYUN!!! MAGUUPDATE AKO!! YEHET!!
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
CHAPTER 8
*Takbo to the left*
*Takbo to the right*
Ayun! Sa playground!
Pumasok na ako sa playground para magtago. Buti na lang covered to.
Sumilip ako para tingnan kung nasan na si Shy.
Ayun! Nakalagpas! Woo!
Tinignan ko yung playground. Hmm...maganda. Mahangin pa! Madami kasing halaman eh.
*Ikot ikot*
“Ay palaka!” sabi ko.
May tao pala. Kaso naka-takip yung libro sa mukha niya eh. Di ko tuloy malaman kung sino. Pero pamilyar style ng pananamit niya. Hmm...
Tinanggal ko yung libro na nagtatakip ng mukha niya. Kaso, pagkatanggal ko ng libro, natanggal din salamin niya eh.
Kinuha ko.
Wait! Pamilyar tong salamin na to ah. Yung salaming pabilog na parang kay Harry Potter. Kay...kay...
Tinignan ko kung sino yung tao.
“Nersy.”
Ahahahaha! Ang cute niya pala matulog. Parang anghel...na nerd.
Conscience: “Na may BLUE EYES?”
Tumahimik ka nga konsensya! Wala naman akong ginagawang masama, bakit ka nagpaparamdam ah?
Anyway, ano kaya ginagawa niya dito?
Conscience: “Nagbabasa malamang. Kaya nga may libro kanina sa mukha niya eh!”
Oo nga naman. Ay wait! Sabi nang wag kang makisabat konsensya eh!
Baby, baby blue eyes
Stay with me by my side
Till the morning
Through the nightSa di malaman-lamang dahilan, biglang natanggal yung earphones ko sa cellphone ko. Ayan tuloy! Ang lakas-lakas na nagpplay yung Baby Blue Eyes...AISH! Baby Blue Eyes na naman? Ano ba tong Random Player na to.
Bigla ko tuloy naalala si Nersy.
Ay! Naandito lang pala si Nersy.
Humarap ako sa kanya at patay! Nagising siya.
Parang nagslow mo lahat.
Unti-unting bumukas yung mata niya.
Yung mata niyang color blue.
Yung mata niyang maganda.
“Sino k—James?! Ano ginagawa mo dito?!” bigla na lang akong nawala sa iniisip ko ng biglang sumigaw si Nersy.
Okay. Good thing yun. Buti na lang sumigaw siya! Kung anu-ano ng iniisip ko.
“S-s-syempre nagpapahangin!” Palusot ko.
“Aish! Umalis ka nga dito! Layas! Layas!” sabi niya ng galit.
“Wait wait waaaait! Ano ka ba ha? Ikaw ba may ari nito? Wala naman pangalan mo sa playground na to eh. Kaya wag kang bossy. Magsstay ako dito hangga’t gusto ko.” Sabi ko.
“Hay nako! Daya naman eh!” pagrereklamo niya.
Umupo ako sa katabing swing na inuupuan niya at dun ako nakinig ng music.
Siya naman, walang magawa. Kaya kinuha niya na lang yung libro at salamin niya sa sahig.
Ayy! Nakalimutan kong ibalik.
“Bakit napunta to dito?” tanong niya sa sarili niya.
Okaay. Wala akong kinalaman diyan.
Nilakasan ko na lang volume ng kanta ko.
NP: Kung saan ka Masaya
Hmm~
Hmmm~
Hm~
Hmm~
“Ano ba James!”
Woooah! Muntikan na akong mahulog dun ah.
“Bakit ba bigla-bigla kang sumisigaw?! Muntikan na akong mahulog!”
“Eh kasi naman, ang lakas-lakas ng volume ng pinapakinggan mo! Na-didistract ako! Nagbabasa ako eh.”
Weh? Ganun kalakas?
Tinanggal ko yung earphones at pinakinggan kung gano kalakas.
OKAY. Ang lakas nga.
“BUTI NGA SAYO!” Yun sinabi ko sa kanya para magmukha pa rin akong bully. Hahaha!
“Hay nako!” pagrereklamo niya tapos umalis na siya...ng padabog. SAYANG! Wala na akong maaasar.
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
HANGGANG DYAN NLNG MUNA HEHE..... MEDYO MATAGAL ULIT AKONG MAKAKAPAG UPDATE!!! KUNG SINO PLA GUSTO MAGPADEDICATE SA CHAPTER NA TOH COMMENT NLNG
SA MGA EXO STANS DYAN.... SINO NAGCECELEBRATE NGAYUN?! AHAHA
#HappyBaekhyunDay
#PrinceBaekhyunDay
#HappyKkaebsongDay
PLEASE VOTE AND COMMENT!!