S.P.A.C.E (One Shot)

10.5K 371 65
                                    

Para saan nga ba yang S.P.A.C.E na yan? Saan ba mapupunta ang lahat pagkatapos niyan?

___________________


"Uy, mag-usap muna tayo." 

Hindi ko siya pinansin, nag-lalaro ako eh. Kanina nag-lalaro siya, hindi ko naman siya masyadong ginugulo. Labo din nito ni Cindy.

"Hon! Usap muna kasi tayo..."

Tinignan ko siya habang nakangiti. "Bakit sawa ka na ba dyan sa nilalaro mo?"

"Hindi ako sawa. Sira!" Nginitian din niya ako.

"Prrttt." Nauutot ako e.

Bigla naman naging seryoso yung itsura nya. Ako naman, natawa. "Mabaho ba? Ang bango kaya ng utot ko!"

Ngumiti siya pero halatang pilit. Bakit kaya?

"Nahihirapan na kasi ako..."

Tinitigan ko siyang mabuti. 

"Nahihirapan na ako sa sitwasyon. Naiipit ako na hindi ko maiintindihan." 

"Ha? Alin.... Ano ba yang dinadamdam mo, hon?" Tanong ko sa kanya.

"Hon.." Hinawakan niya yung dalawa kong kamay. "Nahihirapan na ko, kasi ayoko, gusto kita. Gustong gusto kita."

Parang bigla na blangko yung utak ko sa sinabi niya. Hindi ko maintindihan, nagugulat ako sa mga nangyayari parang kanina lang ang saya saya namin nag-lalaro. "Ano gusto mo mangyare?"

"Kilala kita.. Pero ayoko namang pilitin kang ipakilala kung sino ka talaga hanggang di ka pa ready." Oo nga pala hindi pa ako talaga kilala ni Cindy.. Kilala niya ako, oo pero hindi pa niya ako ganun kalubos kilala... 

"Ayaw mo na?" Tanong ko sa kanya. Pinipilit kong hindi tumulo tong mga luha ko.

"Hindi sa ganun. Kailangan ko lang ng space. Andito pa din naman ako para sa'yo..." 

Nakatitig lang ako sa kanya at walang masabi kundi.. "Ahh.'

"Pero hanggang di ko alam kung sino ka talaga, ayokong lumalim na. Kasi malapit na..." Hindi naman kasi kami mag karelasyon ni Cindy. Parang MU lang ba pero kung ako tatanungin nyo tingin ko... Mahal ko na ata sya eh, hindi ko lang sinasabi sa kanya dahil alam kong hindi muna niya yun tatanggapin kagaya nung nangyari dati.... Nung una kong sinabing mahal ko na siya, nakalimutan na siguro niya yun.

"So ano gagawin mo?" Pilit kong pinipigilan pag iyak ko sa harap niya pero hindi ko magawa... Masakit eh.

"Space."

Parang lalong nag blangko mundo ko sa sinabi niyang yun.

"Gano kalaki gusto mo?" Kung pwde lang idaan to sa joke eh, ginawa ko na.

"Hindi ko nga alam kung kaya ko eh."

"Ikaw.. Kung ano gusto mo." Tumingala ako saglit dahil tuloy tuloy na ako sa pag-iyak. Ayokong nakikita niya akong ganito.

"Space. Kailangan ko ng space." Kahit kanina ko pa yan naririnig, sobrang sakit pa din.

Huminga ako ng malalim. "Sige kung yan gusto mo. Di naman kita pipigilan."

S.P.A.C.ETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon