Chapter 3

22 1 2
                                    

P.S. sa lahat ng nagbabasa, YES ITUTULOY KO NA PO ANG ILYN. New Chapter po ito. Iba na rin po ang outline ng story. BAD BOY SI ETHAN :D 

Dedicated sa kanya kasi BOYFRIEND KO YAN ILY AMIERAH x

Jade's POV

"Bye Dad! Mamaya nalang ha! ", kaway ko sa aming kotse na papaalis na.

Napabuntung-hininga ako. New school eh. 

Napansin ito ni kuya Jaden at inakbayan ako. "Wag kang mag-alala, Jade. First day mo pa lang naman eh."

"Oo nga," putol ni kuya Jayjay. "Tsaka friendly naman mga tao dito eh."

Napangiti nalang ako. Ang sweet talaga ng mga kuya ko. "Sige na nga. Bye kuya. San tayo magkikita?", tanong ko.

"Dun sa school garden, mahahalata mo naman na garden yun.", sagot ni kuya Jaden.

Napangiti nalang ako at niyakap silang dalawa. Nagpaalam ako sa kanila at umalis papunta sa classroom.

Habang naglalakad ako ay may nakabangga akong grupo ng lalaki na hinarang ang daan. Uh-oh.

"Um.....hello? Pwede dumaan? Kasi nandoon ang class--"

Bigla silang umalis at puwede na akong ulit dumaan. Hmm... weird.

Pumasok na ako sa assigned classroom. Kakaunti pa lang naman ang mga tao dun. Umupo nalang ako sa isang upuan na malapit sa likod at nagbasa nalang.

"We don't need nerds here.", sabi ng isang babaeng nasa harap ko. And whoa.

.

.

.

Siya na ata ang may pinakamaikling palda sa buong klase. Above the knee. Above. My god, di naman ito modeling studio eh. Heels ang sapatos niya, at may masungit na mukha.

Ay, alam ko na. Slut of the batch.

"Actually, hindi ako nerd. Nagbabasa lang ako ng libro. At nakasalamin. Anong ka-nerdyhan nun?", sabat ko.

May mga tao sa likod niya na nanlaki ang mga mata. Ano bang ginawa ko?

Pasigaw niyang sinabing, "Ako ang masusunod dito, kaya pakinggan mo ako, gets mo yun?"

Tumayo ako sa upuan ko at tinulak siya. Pagkatapos nun ay hinila ko siya sa kuwelyo.

"Makinig ka sa akin, maaring mukha akong nerd, pero palaban ako, at pag ikaw sumobra na, baka mamaya makita na kita sa clinic." Tinulak ko siya ulit at bumalik sa aking upuan.

Gaganti na sana siya pero may pumigil sa kanya na sa tingin ko ay kanyang mga kaibigan. Mga stupido.

Dumating na ang teacher at nagpakilala na ako.

"Hi, ako po si Hazel Jade Abezza, pero pwede niyo akong tawaging Jade lang. Ako ay 14 years old at--" 

Napaputol ako sa aking pagpapakilala dahil may nakatitig sa aking lalaki. As in titig. May morenong compleksyon siya, pero yung mga mata niya hazel. *AWKWARD MOMENT*

"Ms. Abezza?", putol sa akin ng teacher ko.

"Huh? Um..yes sir.", sabi ko. Napangiti nalang ako at ipinagpatuloy ang introduction ko.

Nung naupo ako nagturoturo saglit yung teacher. Nakinig naman ako, pero shet, ang boring. >_<

.

.

.

Halos napasigaw ako ng hallehlujah nung nag-recess na. Papunta na sana ako sa canteen nung may nakabangga ako.

"Shet. Sorr-" Napatigil ako dahil yung nakabangga ko ay yung lalaking nakatitig sa akin kanina.

"Wag ka nga magmura sa school na to. Di bagay sa magandang babaeng katulad mo." Magagalit sana ako pero nung sinabi niyang magandang babae, napatigil ako. Ansabeeh?

Pero hindi na ako interested sa lalaki. Belat nalang sa kanya.

"Excuse me, pero hindi ko rin kailangan ng mga malanding lalaki katulad mo. Daig mo pa nag babae." Binangga ko ulit siya ng sadya at umalis. Pero pinigilan niya ako. Ang higpit.

iron man ang peg? 

"Ethan.", sabi niya, kasali pa ng sa-tingin-niyang-oh-so-gwapo smile. 

Pineke ko ang ngiti ko. "Jade," Aabutin niya sana ang kamay ko ng bigla akong umalis.

"Bye, Ethan!", asar ko sa kanya.

Ha, feeler talaga mga lalaki ngayon.

 ____________________________________________________________________________

A/N Hahahaha. Bitter much si Jade? :D

Vote, Comment and Fan po :) 

HAY EXAM NA NAMAN UGH. Geh bye :D x

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 14, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I Love You, Not. *Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon